1/13
Looks like no tags are added yet.
Larawang-diwa (Imagery)
Nagsasaad ng mga salitang nag-iiwan ng malinaw na larawan, gumigising ng damdamin, at nagpapagalaw sa guniguni ng mambabasa.
Bugtong
Pahulaang may tagong kahulugan na nakasulat nang pataludtod o tradisyunal na laro ng palaisipan.
Tanaga
Katutubong tulang Pilipino na may 4 na taludtod at 7 pantig sa bawat taludtod (7-7-7-7) hinggil sa karanasan ng tao.
Haiku
Tradisyunal na tulang Hapones na may 3 linya at sukat na 5-7-5 na karaniwang nakatuon sa kalikasan.
Tanka
Tradisyunal na tulang Hapones na may 5 linya at sukat na 5-7-5-7-7 na nakatuon sa damdamin at pag-ibig.
Tradisyunal na Tula
Anyo ng tula na may sinusunod na sukat (bilang ng pantig) at tugma (pagkakapareho ng tunog sa dulo).
Malayang Taludturan (Free Verse)
Anyo ng tula na walang sinusunod na sukat at tugma.
Tulang Tuluyan (Prose Poetry)
Tula na isinusulat sa anyong patalata ngunit nagtataglay ng ritmikong katangian at masining na estruktura.
Tono ng Tula
Binubuo ng ritmo, aliw-iw, at indayog o kalidad ng tunog mula sa mga salita sa bawat taludtod.
Anapora
Tayutay na nagpukaw sa pandinig sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang salita o parirala sa simula ng magkakasunod na taludtod.
Epipora
Tayutay na may pag-uulit ng huling salita o parirala sa dulo ng magkakasunod na taludtod.
Anadiplosis
Tayutay kung saan inuulit ang huling salita ng isang taludtod sa simula ng kasunod na taludtod.
Aliterasyon
Tayutay na nag-uulit ng mga tunog ng katinig sa simula ng mga salita sa loob ng taludtod.
Onomatopeya o Paghihimig
Paggamit ng mga salitang gumagaya sa natural na tunog ng bagay, hayop, o kilos.