1/6
Looks like no tags are added yet.
Pamagat
ay naghahatid ng pinakamensahe ng pelikula at nagsisilbing panghatak ng manonood. Tanong: Angkop ba ito sa pelikula, nakatatawag ba ito ng pansin, at mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?
Tema
ay ang paksa ng pelikula, ang diwa, kaisipan, at puso nito. Tanong: Napapanahon ba ang paksa, malakas ba ang epekto nito sa manonood, at akma ba ito sa panahon ng paggawa o sa lahat ng panahon?
Kuwento
ay ang istorya o mga pangyayaring pinaiikutan ng pelikula. Tanong: Bago o luma ba ang istorya, malinaw ba ang pagkakalahad nito, at nakapupukaw ba ito ng interes?
Tauhan
ay ang nagbibigay-buhay sa kuwento. Tanong: Malinaw ba ang karakterisasyon, makatotohanan ba sila, at angkop ba ang pagganap ng mga artista?
Diyalogo
ay ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. Tanong: Angkop ba ang lengguwahe, matino ba o bulgar ang mga salita, at angkop ba ito sa edad ng target na manonood?
Sinematograpiya
ay ang masining na paglalarawan sa buhay ng pelikula. Tanong: Mahusay ba ang mga anggulong kinunan at tama ba ang timpla ng ilaw batay sa pangyayari o sitwasyon?
Teknikal na Aspekto ng Pelikula
ay kinabibilangan ng paglalapat ng tunog, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at editing. Tanong: Akma ba ang musika sa tema at eksena, maayos ba ang editing, at makatotohanan ba ang special effects?