1/22
Koleksyon ng mga talasalitaan, tauhan, kaganapan, at mahahalagang petsa hinggil sa Labanan sa Bataan, Corregidor, Death March, at ang pananakop ng Hapon sa Pilipinas.
Heneral Masaharu Homma
Ang pinuno ng puwersang Hapones na patuloy na sumalakay sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan.
USAFFE
Ang puwersang militar ng mga Pilipino at Amerikano na magiting na nakipaglaban sa Bataan sa kabila ng kakulangan sa armas, pagkain, gamot, at pagdating ng tulong mula sa Estados Unidos.
Pangulong Franklin D. Roosevelt
Ang pangulo ng Estados Unidos na nag-utos kay Heneral Douglas MacArthur na lisanin ang Pilipinas patungong Australia.
"I shall retum"
Ang tanyag na katagang binitiwan ni Heneral Douglas MacArthur nang lisanin niya ang Pilipinas noong Marso 11, 1942.
Heneral Edward King
Ang heneral na naatasang mamuno sa puwersa ng Bataan matapos umalis si MacArthur.
Heneral Jonathan Wainwright
Ang heneral na namuno sa puwersang nagtanggol sa pulo ng Corregidor.
Araw ng Kagitingan
Ang paggunita tuwing Abril 9 sa pagbagsak at pagsuko ng puwersang Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 1942.
Pagbagsak ng Corregidor
Naganap noong Mayo 6, 1942 matapos sumuko ang puwersa nito, na naging hudyat ng ganap na pagkontrol ng Hapon sa malaking bahagi ng Pilipinas.
Death March
Ang sapilitang pagpapalakad sa tinatayang 76,000 sundalong Pilipino at Amerikano nang humigit-kumulang 100 kilometro mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga mula Abril 10 hanggang Abril 15, 1942.
Capas
Ang bayan kung saan dinala ang mga sumukong sundalo matapos silang isakay sa masisikip na tren mula sa San Fernando, Pampanga.
Bunga ng Death March
Humigit-kumulang 56,000 lamang sa 76,000 sundalo ang nakarating sa kampo, kung saan marami pa ang namatay dahil sa kolera, gutom, at malnutrisyon.
Pang-aabusong Pisikal
Kategorya ng pang-aabuso na kinabibilangan ng pananakit, pagpapahirap, pagsunog sa kabahayan at tao, pagputol ng bahagi ng katawan, at pagpapatay sa mga pinaghihinalaang kalaban.
Pang-aabusong Mental at Emosyonal
Uri ng karahasan na idinulot sa pamamagitan ng pananakot, pagbabanta, sapilitang pagtatanong, pagpapahiya, pagkakulong, at pagpaparanas ng takot sa pamilya at pamayanan.
Comfort Women
Ang tawag sa mga kababaihang sapilitang kinuha at pinagsamantalahan ng mga sundalong Hapones noong panahon ng digmaan.
Pang-aabuso sa mga Bilanggo
Ang hindi pagbibigay ng sapat na pagkain at tubig, pagkulong sa masisikip at maruruming lugar, at pagpapahirap upang piliting magbigay ng impormasyon.
Kilusang Gerilya
Ang samahan ng mga mandirigmang patuloy na nakibaka at lumaban sa mga Hapones sa iba't ibang panig ng bansa matapos bumagsak ang Bataan at Corregidor.
Disyembre 7, 1941
Ang makasaysayang petsa kung kailan inatake ng hukbong Hapones ang Pearl Harbor.
Disyembre 8, 1941
Ang petsa kung kailan sinimulang atakihin ng mga Hapones ang mga base militar sa Pilipinas.
Disyembre 26, 1941
Ang petsa kung kailan idineklara ang Maynila bilang isang "open city."
Enero 2, 1942
Ang petsa kung kailan tuluyang bumagsak ang Maynila sa ilalim ng kapangyarihan ng hukbong Hapones.
Marso 11, 1942
Ang petsa ng pag-alis nina MacArthur, Manuel Quezon, at ilang opisyal mula sa Pilipinas patungong Australia.
Abril 9, 1942
Ang petsa ng opisyal na pagbagsak at pagsuko ng puwersang USAFFE sa Bataan.
Mayo 6, 1942
Ang petsa ng pagsuko ng mga puwersa sa Corregidor sa hukbong Hapones.