1/17
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Likas na Batas Moral (LBM)
Ang pakikibahagi ng tao sa karunungan at kabutihan ng Diyos na nagbibigay ng kakayahang makilala ang mabuti sa masama
Obhektibo
Katangian ng Likas na Batas Moral kung saan ang batas ay hindi gawa ng tao kundi nakabatay sa katotohanan
Pangkalahatan (Unibersal)
Katangian ng Likas na Batas Moral na umiiral sa lahat ng tao, saanman at kailanman
Walang Hanggan (Eternal)
Katangian ng Likas na Batas Moral na mananatili habambuhay
Di-nagbabago (Immutable)
Katangian ng Likas na Batas Moral na hindi nagbabago kahit magbago ang panahon o teknolohiya
Prinsipyo
Mga gabay sa tamang pagkilos at pagpapasya
Sampung Prinsipyo ni Rivera
Mga pangunahing gabay sa tamang pagpapakatao tulad ng huwag pumatay, huwag magnakaw, maging makatarungan, maging tapat sa pangako, at igalang ang dignidad ng iba
Batas
Mga alituntuning dapat sundin sa pamilya o lipunan upang magbigay ng kaayusan, proteksyon, at katarungan
Dignidad
Ang likas na halaga at pagkilala sa karapat-dapat na paggalang sa bawat tao
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
Pandaigdigang dokumento na nagpoprotekta at nagpapatibay sa dignidad at batayang karapatan ng tao
Pamilya
Ang pundasyon ng ating moralidad kung saan unang itinuturo at isinasabuhay ang pagmamahalan at batas moral
Mapanuring Pag-iisip
Ang malalim na pag-unawa sa dahilan sa likod ng mga kilos o batas at pagpapasya batay sa moralidad at dignidad
Legal Literacy
Ang pag-unawa sa mga batas at batayang karapatan ng mamamayan upang hindi mapagsamantalahan
Bill of Rights
Bahagi ng Konstitusyon na nagpoprotekta sa mga batayang karapatan ng bawat mamamayan
1987 Konstitusyon Artikulo III Seksyon 3
Karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya (pagkapribado)
1987 Konstitusyon Artikulo III Seksyon 13
Karapatan sa pagpiyansa ng lahat ng tao bago mahatulan
Clean as You Go (CLAYGO)
Alituntunin na nagtuturo ng disiplina at paggalang sa dignidad ng susunod na gagamit