Don Crisostomo Magsalin Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa, kasinatahan ni Maria Clara.
Maria Clara delos Santos
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon.
Elias
Isang piloto/bangkero. Magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan.
Pilosopong Tasyo
Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Padre Damaso
kurang Pransiskano na dating kura sa San Diego. Siya rin ang nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Instik.
Don santiago “Kapitan Tiago” delos Santos
mayamang mangangalakal. Asawa ni Pia Alba, at ama ni Maria Clara.
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahil sa yamang kanyang tinataglay.
Sisa
mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin. May asawang pabaya at malupit.
Padre Bernando Salvi
pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
Padre Hernando Sibyla
Isang paring Dominikano na lihin na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
Basilio
Nakatatandang anak ni Sisa. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
Crispin
Bunsong kapatid ni Basilio. Tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Alperes
puno ng mga guwardiya sibil. mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
Donya Consolacion
isang dating labanderang malaswa kung magsalita. Naging asawa ni Alperes.
Donya Victorina de Espadaña
Isang babaeng nagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.
Don Tiburcio de Espadaña
Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas upang makahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa ni Donya Victorina.
Alfonso Linares
binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria clara. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
Tiya Isabel
Siya ay hipag ni Kapitan Tiago, nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.
Donya Pia Alba delos Santos
Siya ay ina ni Maria Clara. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.
Tenyente Guevarra
Matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ay tenyete ng gaurdia Civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
Kapitan-Heneral
pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado.
Kapitan Basilio
Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego. Naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Siya rin ang ama ni Sinang
Don Filipo Lino
isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo. Asawa ni Donya Teodora Vina.
Lucas
Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
Don Saturnino Ibarra
Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng Nuno ni Elias
Don Pedro Ibarra
Nuno ni Crisostomo Ibarra
Kapitana Maria
Tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Maestro Nol Juan
Tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
Kapitan Pablo
Puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias
Salome
Isang sempleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Babaeng natatangi sa puso ni Elias
Andeng
Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto
Neneng
Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara
Sinang
masayahing kaibigan ni Maria Clara
Victoria
Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino
Iday
Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa
Albino
Ang dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni Victoria.
Leon
Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad