1/26
Isang hanay ng mga bokabularyong flashcard tungkol sa pagbuo, mga uri, kontekstuwalisasyon, at mga bahagi ng banghay-aralin para sa pagpapakdalubhasa sa pagtuturo.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Banghay
Isang outline o balangkas na nagpapakita ng malinaw at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga bagay o kaisipan.
Banghay-Aralin
Plano ng mga paksang tatalakayin at mga gawaing susundin ng guro sa kaniyang pagtuturo.
Masusing Banghay-Aralin
Detalyadong paglalahad ng magiging takbo ng pagtuturo kung saan nakatala maging ang mga tanong ng guro at inaasahang sagot ng mga mag-aaral.
Mala-Masusing Banghay-Aralin
Uri ng banghay-aralin na higit na maikli kaysa sa masusing banghay-aralin kung saan binabanggit na lamang nang sunod-sunod ang mga gagawin ng guro.
Maikling Banghay-Aralin
Uri ng banghay-aralin na maikli at tuwiran kung saan sapat nang banggitin ang pamaraan at ilahad ang sunod-sunod na hakbang sa pamamagitan ng maiikling pangungusap.
Kontekstuwalisasyon ng Banghay-Aralin
Pagsasagawa ng mga kinakailangang pagbabago sa banghay-aralin batay sa pangangailangan ng mag-aaral, kapaligirang kultural at sosyal, at kahandaan ng kagamitang panturo.
Inobasyon o Pagbabago
Paraan ng kontekstuwalisasyon na tumutukoy sa pagsasagawa ng mga bagong metodo o teknik sa paglalahad ng aralin.
Pagpapalit
Paraan ng kontekstuwalisasyon kung saan malaya ang guro na gumamit ng ibang aklat o sangguniang mapagkukunan ng tekstong kinakailangan sa paksa.
Modipikasyon
Paraan ng kontekstuwalisasyon na tumutukoy sa pagpapakinis o pagrerebisa ng mga gawain at pagsasanay upang maging higit na angkop sa kasalukuyang klase.
Adaptasyon
Paraan ng kontekstuwalisasyon na tumutukoy sa paglalapat ng mga bagong ideyang nakalap o nasaliksik ng guro upang higit pang mapalawak ang kaniyang aralin.
Paglilipat
Paraan ng kontekstuwalisasyon kung saan binabago ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain upang maging higit na natural at madulas ang daloy ng pagtuturo.
Pagkaltas
Paraan ng kontekstuwalisasyon kung saan inaalis ang mga mahahaba, paulit-ulit, at magkakaparehong gawain nang hindi nababawasan ang kasanayan at kaalamang dapat matamo.
Kombinasyon
Paraan ng kontekstuwalisasyon na tumutukoy sa pag-iisa ng magkakatulad na kasanayan at aralin upang mapaikli at mapagsama ang magkakaugnay na impormasyon.
Specific (Tiyak)
Pamantayan sa SMART kung saan kailangang malinaw at tiyak ang nais ipagawa o matutuhan sa mga mag-aaral.
Measurable (Nasusukat)
Pamantayan sa SMART na nangangahulugang dapat maaaring masukat sa pamamagitan ng pagtataya kung nakamit ng mga mag-aaral ang layunin.
Attainable (Madaling Abutin)
Pamantayan sa SMART na nangangahulugang dapat angkop ang layunin sa lebel ng mga mag-aaral.
Realistic (Makatotohanan)
Pamantayan sa SMART na nangangahulugang kailangang posible itong maipakita sa aktuwal na gawain ng mga mag-aaral.
Time Bound (Nakakamit sa Takdang Oras)
Pamantayan sa SMART na nagsasaalang-alang kung ang inaasahang pagkatuto o gawain ay maaaring maisakatuparan sa panahong nakalaan.
Cognitive Domain (Pangkabatiran)
Domeyn ng layunin na tumutukoy sa paglilipat o transmisyon ng kabatiran o kaalaman at nakatuon sa pag-iisip na rasyonal, sistematiko, at indibidwal.
Psychomotor Domain (Paggawa)
Domeyn ng layunin na tumutukoy sa kasanayang motor at manipulado na nangangailangan ng koordinasyong neuromuscular.
Affective Domain (Pandamdamin)
Domeyn ng layunin na nakatuon sa saloobin, emosyon, kasarinlan, at paglinang sa pagpapahalagang pangkatauhan.
Layunin
Bahagi ng banghay-aralin kung saan naipahahayag ang tiyak na pagkatuto o gawaing inaasahang maipakita ng mga mag-aaral pagkatapos ng proseso ng pagtuturo.
Paksang-Aralin
Bahagi ng banghay-aralin kung saan nakalagay ang tiyak na paksang tatalakayin at ang mga kagamitang gagamitin sa pagtuturo.
Pamamaraan
Bahagi ng banghay-aralin na nagpapakita ng magiging aktuwal na daloy ng pagtuturo at ang sunod-sunod na gawaing isasagawa ng guro at mga mag-aaral.
Pagganyak
Bahagi ng pamamaraan kung saan inihahanda ang mga mag-aaral para sa bagong aralin at pinupukaw ang kanilang interes.
Pagtataya
Bahagi ng banghay-aralin kung saan sinusukat ang natutuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga pagsusulit.
Kasunduan o Takdang-Aralin
Bahagi ng banghay-aralin na ginagamit para sa pagpapalalim ng kaalaman o paghahanda sa susunod na aralin.