Mga Sinaunang Kabihasnan at ang Olympics

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/28

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Bokabularyo para sa pag-aaral ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng Minoan, Mycenaean, Olmec, Zapotec, Mayan, Aztec, at Inca, pati na rin ang kasaysayan ng Olympics.

29 Terms

1
New cards

Kabihasnang Minoan

Ang kauna-unahang kabihasnan sa timog ng Europa na umusbong sa isla ng Crete sa Mediteraneo.

2
New cards

Haring Minos

Ang pinagmulan ng pangalan ng Kabihasnang Minoan, na ayon sa alamat ay anak ng diyos na si Zeus.

3
New cards

Knossos

Ang pinakamatandang lungsod sa Europa na naging sentro ng kalakalan, pamahalaan, at relihiyon ng Kabihasnang Minoan.

4
New cards

Kabihasnang Mycenaean

Kabihasnan sa timog ng Gresya na naging sentro ng kapangyarihan para sa mga lungsod tulad ng Athens at Thebes.

5
New cards

Panahong Hellenic

Ang panahon ng pag-unlad ng klasikong kulturang Griyego.

6
New cards

Lupa ng Palasyo

Bahagi ng sistemang pang-ekonomiya ng Mycenaean na pinamamahalaan ng mga maharlika para sa sariling produksiyon at kalakalan.

7
New cards

Kolektibong Lupa

Lupa sa sistemang Mycenaean na ginagamit ng karaniwang mamamayan sa pagtatanim ng ubas, olibo, trigo, at barley.

8
New cards

Madilim na Panahon (Dark Ages)

Ang yugto pagkabagsak ng Mycenaean kung saan bumagsak ang kalakalan at maraming kasanayan at kaalaman ang nawala.

9
New cards

Sinaunang Olympics

Patimpalak sa Gresya na nagsimula noong 776 BCE hanggang 393 CE upang parangalan ang diyos na si Zeus.

10
New cards

Makabagong Olympics

Ang muling pagbuhay ng Olympics noong ikalabinsiyam na siglo (19th century) dahil sa patuloy na interes ng mga tao.

11
New cards

Carlos Yulo

Atletang Filipino na nanalo ng gintong medalya sa larangan ng gymnastics noong 2024 sa Olympics.

12
New cards

Kabihasnang Olmec

Kabihasnan na itinuturing na "ina ng mga kabihasnan" sa Mesoamerika, na umusbong sa timog-silangang Mehiko.

13
New cards

Colossal Heads

Malalaking ukit ng ulo na gawa sa bato na kilalang sining at arkitektura ng Kabihasnang Olmec.

14
New cards

Kabihasnang Zapotec

Kabihasnang umusbong sa Monte Alb!n sa Lambak ng Oaxaca, na ang pangalan ay nangangahulugang "mga tao mula sa prutas na sapote."

15
New cards

Cociyo

Ang diyos ng kidlat na sinasamba sa Kabihasnang Zapotec.

16
New cards

Kabihasnang Mayan

Kabihasnang umusbong mula sa timog Mehiko hanggang Guatemala at Belize.

17
New cards

El Mirador

Ang unang sentro ng Kabihasnang Mayan na matatagpuan sa Tangway ng Yucatan.

18
New cards

Kabihasnang Aztec

Pangkat ng mga taong nagsasalita ng Nahuatl mula sa Aztlan na nagtatag ng lungsod ng Tenochtitlan noong 1325 sa Lawa ng Texcoco.

19
New cards

Aztlan

Ang pinagmulan ng mga Aztec na nangangahulugang "Lupain ng mga Puting Tagak."

20
New cards

Huitzilopochtli

Ang diyos ng araw at digmaan sa pananampalataya ng mga Aztec.

21
New cards

Tlaloc

Ang diyos ng ulan sa pananampalataya ng mga Aztec.

22
New cards

Chinampa

Artipisyal na isla para sa pagtatanim na ginawa sa Kabihasnang Aztec.

23
New cards

Quetzalcoatl

Diyos ng mga Aztec na inakala nilang nagbalik nang sakupin sila ng mga Espanyol noong 1521.

24
New cards

Kabihasnan ng mga Inca

Kabihasnang umusbong sa kabundukan ng Andes sa Peru, Timog Amerika.

25
New cards

Tawantinsuyu

Ang tawag sa imperyo ng mga Inca na nangangahulugang "apat na bahagi ng mundo."

26
New cards

Ayar Manco (Manco Capac)

Ang naging unang hari ng Kabihasnang Inca ayon sa alamat.

27
New cards

Inti

Ang pinakamahalagang diyos ng mga Inca na diyos ng araw.

28
New cards

Machu Picchu

Isang gusaling bato na itinayo noong 1450 bilang tahanan ng hari o bakasyunan ng mga maharlika sa Kabihasnang Inca, at itinuturing ngayong UNESCO World Heritage Site.

29
New cards

Tupac Amaru

Ang huling dakilang pinuno ng mga Inca na binitay noong 1572 at kinikilala bilang pambansang bayani ng Peru.