1/42
1st Summative Exam - ARALIN 9 & 10 ARALIN 9 ā Kahulugan ng Tekstong Akademiko at Tekstong Teknikal ā Mga Estratehiya sa Kritikal na Pag-unawa ā Multimodal na Presentasyon ARALIN 10 ā Communication Accommodation Theory ā Audience Design ā Tono at Estruktura sa Akademikong Komunikasyon ā Retorikal na Sitwasyon ā Invitational Rhetoric
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Tekstong Akademiko
ā Swales & Feak, 2012
May pormal na tono, nakabatay sa ebidensya, at sumusunod sa lohikal na ayos ng ideya.
ā Hyland, 2009
Ginagamit sa mga institusyong pang-edukasyon at pananaliksik upang magsuri, maglahad ng argumento, at makipag-ugnayan sa umiiral na literatura sa pamamagitan ng masusing pagsipi at kritikal na pag-iisip.
Halimbawa:
artikulong pananaliksik ⢠tesis⢠ulat sa journal
Tekstong Teknikal
ā Markel & Selber, 2018
Nakatuon sa mga praktikal na layunin ā pagbibigay ng tagubilin, pagpapaliwanag, o pagdodokumento ng proseso.
Binibigyang-halaga ang usability (gamit) at accessibility (pagiging madaling maunawaan), kadalasang sinusuportahan ng tsart, dayagram, at infographic.
Halimbawa:
manwal ng gamit ā¢video tutorial ⢠teknikal na ulat
Nilalaman
Estrucktura
Wika
Tatlong Katangiang Parehong Taglay ng Tekstong Akademiko at Teknikal
Nilalaman
Batay sa katotohanan, obhetibo, at nakasalig sa ebidensya ā iniiwasan ang personal o emosyonal na wika.
Estruktura
Malinaw at lohikal, may pamantayang format gaya ng
IMRaD (Introduksiyon,Metodo, Resulta, Diskusyon).
Wika
Pormal at tiyak, gumagamit ng espesyalisadong bokabularyo na angkop sa larangan.
AKADEMIKO
⢠Layon: magsuri, magtaguyod ng argumento
⢠Tono: pormal, obhetibo
⢠Awdyens: mananaliksik, guro, mag-aaral
⢠Halimbawa: tesis, artikulong pananaliksik
TEKNIKAL
⢠Layon: magturo, magbigay ng tagubilin
⢠Tono: diretso, praktikal
⢠Awdyens: user, empleyado, mamimili
⢠Halimbawa: manwal, video tutorial
Tono
Mga Argumento
Kalinawan
Target na Audience
Paano Ito Naiiba sa Personal na Pagsulat?
Tono
Pormal ba o personal ang himig ng pagsasalaysay?
Mga Argumento
May ebidensyang sumusuporta ba, o opinyon at karanasan lamang?
Kalinawan
Malinaw ba at tiyak ang mga pahayag, o bukas sa interpretasyon?
Target na Audience
Sino ang inaasahang bumasa ā pangkalahatang publiko o eksperto sa larangan?
Kritikal na Pagbasa
Kritikal na Pakikinig
Kritikal na Panonood
Mga Estratehiya sa Kritikal na Pag-unawa
Kritikal na Pagbasa
Aktibong nakikibahagi ang mambabasa sa binabasa sa pamamagitan ng pagtukoy sa layunin ng may-akda, pagsusuri sa lohika ng argumento, at pagrepaso sa ebidensya.
ā Paul & Elder, 2014
Gamitin ang mga estratehiyang ito:
anotasyon ⢠pagbubuod ⢠pagtatanong ⢠pagbibigay-kahulugan
Kritikal na Pakikinig
Hindi lamang basta pakikinig sa salita ang mabisang pakikinig ā kasama rin dito ang pagsusuri sa nilalaman, pag-unawa sa layunin, lohika, at katotohanan ng mga pahayag na mahalaga lalo na sa mga lektura o ulat na teknikal. ā Brownell, 2012
Sa silid-aralan: kapag nakikinig sa report ng kaklase o sa panayam ng bisita, huwag lang pakinggan ang sinasabi ā tanungin din: makatwiran ba ang pinagbabatayan nito?
Kritikal na Panonood
-Hobbs, 2011
Dapat surin ng mga tagapanood hindi lamang ang nilalaman kundi pati na rin ang paraan ng presentasyon upang matukoy kung umaayon o sumasalungat ang mga biswal sa mensahe.
Suriin ang mga elementong biswal batay sa:
Katumpakan ā tama ba ang ipinapakitang datos?
Kaugnayan ā kailangan ba talaga ang biswal na ito para maunawaan ang mensahe?
Posibleng pagkiling ā may kinikilingan bang panig ang paraan ng pagpapakita?
multimodal na teksto
gumagamit ng dalawa o higit pang mode ā paraan ng paghahatid ng impormasyon ā upang mas malinaw at epektibong maipaliwanag ang idea.
Halimbawa: ulat-pananaliksik, infographic, website, presentasyon
Pasulat na Wika
Larawan o Biswal
Disenyo at Anyo ng Pahina
Tunog at Galaw
Tsart
nagsasalita
ipakita ang numerikal na datos o trend gamit ang biswal na paraan.
Sarbey sa 100 mag-aaral ng SHS: Pinakagustong Modality ng Pagkatuto
Posibleng Paliwanag:
45% ā Modular, marahil dahil sa kakulangan ng internet access
30% ā Online, dahil sa access sa digital resources
15% ā Blended (kombinasyon)
10% ā Face-to-Face, marahil dahil sa transportasyon
Talahanayan
Nag-aayos ng detalye
Layunin ng talahanayan:
Ayusin ang datos sa hanay at kolum upang madaling maikompara at masuri, lalo na kapag maraming detalye ang kailangang ipakita
Mapa
nagpapakita ng lokasyon
Layunin ng pigura:
magbigay ng biswal na representasyon na nagpapalinaw o sumusuporta sa teksto ā larawan, ilustrasyon, mapa, o graphics.
Halimbawa sa Aklat (p. 140ā142)
Mapa ng Operasyong Pagmimina ā nagpapakita ng mga lugar kung saan nakatuon ang pagmimina ng ginto, tanso, at chromite sa iba't ibang rehiyon.
Mapa ng Flood Susceptibility (Greater Manila Area) ā gumagamit ng antas ng kulay (light gray, dark gray, itim) upang ipakita ang antas ng panganib sa pagbaha bawat lugar
Communication Accommodation Theory (Giles, 1984)
Inaangkop ng tagapagsalita ang estilo ng pagpapahayagāwika, tono, at di-berbal na pahiwatigābatay sa kausap.
Ipinapakita nito ang pagkakalapit o distansya at ang relasyon sa audience.
Sa akademikong diskusyon: pasimplehin ang jargon kapag ang kausap ay hindi eksperto.
Gumamit ng tiyak na terminolohiya kapag ang kausap ay bihasa sa larangan.
Audience Design (Clark & Murphy, 1982; Bell, 1984)
Konsepto sa sosyolingguwistika na nagpapakita kung paanong iniaangkop ng tagapagsalita ang estilo batay sa kausap nito
Inaangkop ang estilo ng pananalita batay sa kausap. May dalawang direksiyon:
Converge ( Makibagay)
Diverge (Lumihis)
Converge (Makibagay)
Lumalapit sa paraan ng pagsasalita ng audience
Nagpapakita ng pakikipagkapwa at pag-unawa
Hal. gumagamit ng mga terminong pamilyar sa kausap
Diverge (Lumihis)
Nagpapanatili ng sariling estilo o antas ng wika
Maaaring magpakita ng distansya o awtoridad
Hal. pananatili sa pormal na wika pormal na lektura
Pormalidad
Katiyakan
Pagiging Obhetibo
Tono at Estruktura sa Akademikong Komunikasyon
Pormalidad
Angkop na wika at tono sa akademikong konteksto
Iwasan ang kolokyalismo at pinaikling salita
Katiyakan
Tiyak at malinaw na pahayag
Maayos na pagkakasunod ng ideya
Pagiging Obhetibo
Batay sa ebidensya
Iwasan ang personal na bias
Isyu (Exigence)
Retorikal na Audience
Mga Hadlang (Constraints)
Retorikal na Sitwasyon (Lloyd Bitzer, 2009)
Mabisang retorika ay nagmumula sa tiyak na sitwasyong binubuo ng tatlong ito
Isyu (Exigence)
Ang dahilan o suliraning nag-uudyok magsalita
Retorikal na Audience
Mga kausap na may kakayahang kumilos batay sa mensahe
Mga Hadlang (Constraints)
Paniniwala, kultural na pamantayan, at saloobing nakaaapekto sa mensahe
Invitational Rhetoric (Cindy Griffin, 1996)
Isang paraan ng komunikasyon na lumilikha ng kaligtasan, pagpapahalaga, at kalayaan
Komunikasyong naghihikayat ng bukas at magalang na talakayan, hindi ng panghihimok o pagpapatahimik
Kaligtasan
Pagpapahalaga
Kalayaan
Invitational Rhetoric (Cindy Griffin, 1996)
Kaligtasan
Ligtas ang lahat na magbahagi
Pagpapahalaga
Pinahahalagahan ang bawat pananaw
Kalayaan
Walang presyur magtanong o magsalita
Paghahanda
Aktibong Pakikinig
Pagtatanong at Feedback
Magalang na komunikasyon
Apat na Estratehiya sa Epektibong Pakikilahok
Estratehiya 1: Paghahanda Bago ang Sesyon
Alamin ang paksa bago ang sesyon
Magtakda ng layunin
Alamin ang paksa nang maaga.
Basahin at sur in ang outline ng lektura upang masundan nang mas madali ang masalimuot na talakayan (Brown & Atkins, 1988).
Magtakda ng malinaw na layunin sa pakikinig at pakikilahok.
Ihanda ang kagamitan: kuwaderno o device para sa pagtatala.
Estratehiya 1: Paghahanda Bago ang Sesyon
Checklist
ā Nabasa ang outline
ā May layunin sa pakikinig
ā Handa ang kuwaderno/device
ā May isang tanong na nakahanda

Estratehiya 2: Aktibong Pakikinig at Cornell Notes
Eye contact
Tukuyin ang punto, argumento, at ebidensya
Panatilihin ang eye contact (Rost, 2011).
Iwasan ang abala.
Tukuyin ang mahahalagang punto, argumento, at ebidensya
Estratehiya 3 at 4: Pagtatanong, Feedback, at Paggalang
Mabisang Pagtatanong
Magtanong para sa paglilinaw: āMaaari po bang dagdagan ang paliwanag tungkol saā¦?ā
Magbigay ng komentong kaugnay ng paksa
Balanse sa Talakayan
Ibalanse ang pagsasalita at pakikinig
Huwag mamonopolyo ang talakayan
Bigyan ng pagkakataon ang iba
Magalang na Komunikasyon
Mag-ingat sa tono at wika
Igalang ang pananaw kahit hindi sang-ayon
Maging sensitibo sa kultura at paniniwala