1/19
Mga talasalitaan at pangunahing konsepto tungkol sa soberanya, pambansang teritoryo, mga isyung pampolitika, Hague Arbitral Ruling, at mga batas sa pagpapatatag ng ekonomiya.
Soberanya (o Kasarinlan)
Ang kataas-taasang kapangyarihan at kakayahan ng isang bansa o estado na mamahala sa sarili at magpatupad ng mga batas nang walang pakikialam mula sa ibang mga bansa.
Soberanyang Panloob (Internal Sovereignty)
Ang kapangyarihan ng bansa na pamahalaan ang sarili nito sa loob ng teritoryo, tulad ng paggawa at pagpapatupad ng mga batas para sa mga mamamayan.
Soberanyang Panlabas (External Sovereignty)
Ang kalayaan ng estado mula sa kontrol o dikta ng iba pang bansa sa pakikipag-ugnayan sa pandaigdigang komunidad.
Teritoryo
Ang sukat ng lupa, tubig, at himpapawid na saklaw ng hurisdiksyon o kapangyarihan ng isang bansa o estado.
Mga Bahagi ng Teritoryo
Ang tatlong saklaw ng teritoryo ng isang bansa: Lupain (Terrestrial domain), Katubigan (Maritime/Fluvial domain), at Himpapawid (Aerial domain).
Isyung Pampolitika
Tumutukoy sa mga suliranin, paksa, o usaping may kinalaman sa pamahalaan, batas, kapangyarihan, at pamamalakad sa bansa o lipunan.
Mga Katangian ng Isyung Pampolitika
May kinalaman sa tatlong pangunahing aspeto: 1. May kinalaman sa kapangyarihan, 2. Ugnayan sa gobyerno, at 3. Epekto sa publiko.
Artikulo I ng 1987 Saligang Batas
Bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas na nagtatakda at naglalarawan ng Pambansang Teritoryo ng bansa.
Presidential Decree No. 1596
Kautusang pampanguluhan na nagtatag sa Kalayaan Group of Islands bilang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Republic Act No. 9522
Batas na kilala bilang Philippine Archipelagic Baselines Law na nagtatakda ng mga batayang guhit ng kapuluan ng Pilipinas.
Republic Act No. 5446
Ang Baselines Amendment Law of 1968 na nag-amyenda sa mga batayang guhit ng Pilipinas.
Hague Arbitral Ruling
Isang makasaysayang desisyon sa pandaigdigang batas pandagat na inilabas noong Hulyo 12, 2016 kaugnay ng kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China tungkol sa sigalot sa West Philippine Sea.
Permanent Court of Arbitration (PCA)
Isang permanenteng institusyon para sa internasyonal na arbitrasyon na nagbibigay ng administratibong tulong, arbitral framework, at paghirang ng mga arbitrator.
Pangunahing Desisyon sa Hague Arbitral Ruling
Nagpasya na walang legal na basehan ang nine-dash line ng China at pinagtibay ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ).
Mga Implikasyon ng Hague Arbitral Ruling sa Pilipinas
Nagdulot ng karapatan sa yamang dagat at langis (Ekonomiya), legal na depensa laban sa panghihimasok (Seguridad), at pagpapakita ng respeto sa international law (Diplomasiya).
UNCLOS
United Nations Convention on the Law of the Sea; ang pandaigdigang batas pandagat na naging saligan ng Hague Arbitral Ruling at kinikilala ng maraming bansa.
Layunin ng mga Batas Ukol sa Pagpapatatag ng Ekonomiya
Magbigay ng proteksyon sa mamamayan, magpatatag ng negosyo at industriya, at magpataas ng kita ng bansa.
Foreign Investment Act of 2022 (RA 11647)
Batas na nagbago sa dating Foreign Investment Act of 1991 upang mas buksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpayag sa mas maraming sektor na tumanggap ng dayuhang pamumuhunan.
Layunin at Epekto ng RA 11647
Naglalayong maghikayat ng higit na dayuhang kapital, magbigay ng trabaho, at magpalakas ng kompetisyon, na nagbubunga ng mas maraming oportunidad sa negosyo at trabaho.
DTI Go Lokal Program
Programa ng pamahalaan na naglalayong suportahan ang mga lokal na produkto at palakasin ang entrepreneurship sa komunidad, na nagbibigay ng dagdag na kita sa maliliit na negosyante.