1/166
LESSONS 1-6 !! goodluck po bubba
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
FILIPINO
asignaturang pangwika na batay sa kasanayan na ang pokus ay linaging ang mga makrong kasanayan sa komunikasyon
LITERASI
kakayahan ng isang taong makapagbasa at makapagsulat at umunawa
KURIKULUM
ito ang lahat ng gawain, kagamitan, paksa, at mga layuning isinama sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan
LAPIT/PAGDULOG
ito ay set ng mga paniniwala o simulating hango sa mga teoryang pangwika
PANGKALAHATANG LAYUNIN NG KURIKULUM NG K-12
makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na literasi
5 MAKRONG KASANAYAN
pagsasalita
pagbabasa
pagsusulat
pakikinig
panonood
PAGSASALITA
kakahayan at kasanayan sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin, makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay ng mga karanasan, makapagbigay ng reaksiyon, makipanayam, atbp.
PAGBABASA
paghahanap ng kaalaman at katotohanan, pagapuhap ng kahulugan at kabuluhan ng mga bagay-bagay sa paligid o paglinang sa mapanuri at malikhang kaisipan
PAGSUSULAT
pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo (titik). Makatutulong din sa pagpapayahag ng saloobin, reaksiyon, o opinyon.
PAKIKINIG
pagkuha at pagunawa ng impormasyon at maging daan sa pagkakaunawaan ng isa’t isa
PANONOOD
kasanayan sa paghihinuha, pagwawakas, pagsusuri, paglalahat, pagkilatis sa katotohanan o opinyon, at maging alerto sa mga paligid
LAYUNIN NG PAGTUTURO NG FILIPINO NA MALINANG ANG
kakayahang komunikatibo
replektibo / mapanuring pag-iisip
pagpapahalagang pampanitikan
ANG PAGLINANG NG 3 LAYUNIN NG PAGTUTURO NG FILIPINO AY TUNGO SA PAGKAKAROON NG
pambansang pagkakakilanlan
kultural na literasi
patuloy na pagkatuto gamit ang teknolohiya
3 SUPORTA
suporta ng kurikulum / guro / kagamitang pampagtuturo
suporta ng lipunan, pribado, pampubliko, midya
suporta ng tahanan / pamahaalang lokal / administratibo
BUO AT GANAP NA FILIPINO NA MAY KAPAKI-PAKINABANG NA LITERASI
Mga batayang Pilosopikal, Legal, at Teoryang Pang-edukasyon
Mga teorya sa kalikasan ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring literasi, sa pagkatuto / pagtuturo ng wika at mga dulog sa pagtuturo ng mga tekstong palahad at panitikan
Pangangailangang panlipunan at global na pamayanan
kalikasan at pangangailangan ng mag-aaral
PAMANTAYAN NG PROGRAMA NG BAITANG 1-6
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.
PANGUNAHING PAMANTAYAN MULA SA KINDER-BAITANG 3
Nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga nrinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama
PANGUNAHING PAMANTAYAN MULA SA BAITANG 4-6
Naipapakita ng mga magaaral ang sigla sa pagtuklas at pagdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama
PAMANTAYAN SA BAITANG K
Naipamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahyag ng iniisip at damdamin sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa kapwa
PAMANTAYAN SA UNANG BAITANG
Inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura
PAMANTAYAN SA IKAWALANG BAITANG
Inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin, at karanasan nsa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura
PAMANTAYAN SA IKATLONG BAITANG
Inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura
PAMANTAYAN SA IKAAPAT NA BAITANG
Naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat, at pakikipagtalastasan nang wasto upang maiphayag ang kaalaman, ideya, at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan
PAMANTAYAN SA IKALIMANG BAITANG
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto / babasahing lokal at pambansa.
PAMANTAYAN SA IKAANIM NA BAITANG
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa
PN stands for?
Pag-unawa ng Napakinggan
PS stands for?
Wikang binibigkas
WG stands for?
Kayarian ng Wika
KP stands for?
Kamalayang Ponolohiya
AL stands for?
Kaalaman sa Aklat at Limbag
PP stands for?
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PT stands for?
Pag-unlad ng Talasalitaan
PB stands for?
Pag-unawa sa Binasa
PU stands for?
Pagsulat at Pagbaybay
KM stands for?
Komposisyon
EP stands for?
Estratehiya sa Pag-aaral
PL stands for?
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA UNANG BAITANG
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan;
Naipamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin;
Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at mga tunog;
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan;
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita;
Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at sa ugnayan ng simbolo at wika;
Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat;
Nauunawaan na may iba’t ibang dahila ng pagsulat;
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA IKALAWA AT IKATLONG BAITANG
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan;
Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at dadamin;
Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog;
Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika;
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita;
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan;
Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat;
Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat;
Naipamamalas ang iba’t ibang dahilan ng pagsulat;
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA IKAAPAT AT IKAANIM NA BAITANG
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan;
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin;
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan;
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto;
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin;
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng patalastas at maikling pelikula; at
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.
ARTIKULO 14, SEKSIYON 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
Artikulo 14, Seksiyon 7
Para sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles.
BP 232, EDUCATIONAL ACT OF 1982
Ito ay isang batas na nagbibigay para sa pagtatatag at pagpapanatili ng isang pinagsamang sistema ng edukasyon. Alinsunod sa Seksyon 2, ang batas na ito ay dapat ilapat sa at pamahalaan ang parehong pormal at hindi pormal na sistema sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ng buong sistema ng edukasyon
R.A. 9155 O GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT OF 2001
Pormal na pinalitan ng pangalan ang DECS bilang Departamento ng Edukasyon at inilipat ang “kultura” at “isports" sa National Commission for the Culture and the Arts at Philippine Sports Commission. Nagbibigay ng pangkalahatang balangkas para sa empowerment ng punong guro sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga layunin ng punong guro at pamumuno, at pamamahalang nakabase sa lokal na paaralan sa loob ng konteksto ng transparency at lokal na pananagutan.
4 PILLARS OF EDUCATION
Learning to KNOW
Learning to DO
Learning to LIVE TOGETHER
Learning to BE
EDCOM REPORT OF 1991
Ang Ulat ng EDCOM noong 1991 ay ibinunyag ang kalagayan ng edukasyon ng ang Pilipinas na lumalala. Ito ay nabigyang-katwiran ng resulta ng ating Achievement Tests na malayo sa target na rating. Inirerekomenda ng EDCOM higit na kahusayan at higit pang pagiging produktibo mula sa ating education budget at education establishment
BESRA (BASIC EDUCATION SECTOR REFORM AGENDA)
Ang mga aksyong patakaran na binubuo ng BESRA ay naglalayong lumikha ng isang pangunahing edukasyon sektor na may kakayahang makamit ang Education for All na layunin ng bansa
DEVELOPMENTAL STAGES OF LEARNING IS DEVELOPED BY?
Jean Piaget
JEAN PIAGET’S DEVELOPMENTAL STAGES OF LEARNING
Ang simpleng tanong sa isang matanda ay lubhang kumplikado sa isang bata.
4 DEVELOPMENTAL STAGES OF LEARNING
Sensorimotor lebel (0-2 taong gulang)
Preoperational lebel (2-7 taong gulang)
Concrete Operations (7-11 taong gulang)
Formal Operations (11 taong gulang pataas)
COOPERATIVE LEARNING IS DEVELOPED BY?
Lev Vygotsky
LEV VYGOTSKY’S COOPERATIVE LEARNING
Ang pagkatuto ng isang bata ay nagmumula sa pakikisalamuha o interaksyon niya sa iba (bata man o matanda). Ang mga kaalaman at kasanayan na ito ay kanyang pinagninilay-nilayan at sa huli ay magamit nya ang kaalamang ito.
DISCOVERY LEARNING WAS DEVELOPED BY?
Jerome Bruner
JEROME BRUNER’S DISCOVERY LEARNING
Kung ang mga bata ang makatuklas sa kanilang sariling pagkatuto, madedebelop ang kanilang responsibilidad matuto nagn mag-isa at mamotivate pang lalong matuto.
ENACTIVE
paggalaw
ex. bumuo ng isang modelo ng isang dinosaur
ICONIC
mga larawan / modelo
ex. manood ng pelikula tungkol sa dinosaur
SYMBOLIC
mga abstract symbols
ex. kumonsulta sa mga sangguniang teksto at talakayin ang mga natuklasan
HIERARCHY OF LEARNING WAS DEVELOPED BY?
Robert Gagne
ROBERT GAGNE’S HIERARCHY OF LEARNING
Set ng mga (basic) kasanayan na kinakailangang matutuhan at siyang bubuo sa mas malawak na kasanayang nararapat matutuhan ng mga bata.
GAGNE’S HIERARCHY OF LEARNING (SIMPLE TO COMPLEX)
signal learning
stimulus response
chaining
verbal association
discrimination learning
concept learning
rule learning
problem solving
INTERACTIVE / INTEGRATED LEARNING WAS DEVELOPED BY?
David Ausubel
DAVID AUSUBEL’S INTERACTIVE / INTEGRATED LEARNING
Ang mga bagong kaalaman ay nakabatay sa mga nauna nang kaalaman. Natututo tayo batay sa paguugnay-ugnay ng mga kaalaman.
BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATION SKILLS (BICS)
Ito ang wikang ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay gaya ng pakikipag-usap sa mga kaibigan, kapag may kausap sa telepono, kapag nasa isang party (social language).
COGNITIVE ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY SKILLS (CALPS) WAS DEVELOPED BY?
Jim Cummins
COGNITIVE ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENY SKILLS (CALPS)
Mga kinakailangang wika upang maintindhan ang mga aralin sa loob ng klase (wikang pang-akademiko).
TEORYA BATAY SA GAWI (BEHAVIORIST) WAS DEVELOPED BY?
Skinner / B.F. Skinner
TEORYA BATAY SA GAWI (BEHAVIORIST)
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagganyak , pagsasanay at pagpapatibay upang malinang ang intelektwal na kakayahan sa wika ng mag-aaral.
TEORYA BATAY SA KALIKASAN NG MAG-AARAL WAS DEVELOPED BY?
Chomsky / Noam Chomsky
TEORYA BATAY SA KALIKASAN NG MAG-AARAL
Likas sa mga bata ang pagkatuto ng wika, nagaganap ito sa pakikipamuhay ng isang bata sa kanyang sosyal na kumunidad.
TEORYANG KOGNITIB
Habang ginagamit ng tao ang wika, nakakagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa proseso siya ay nakabubuo ng mga tuntunin sa wika.
TEORYANG MAKATAO (HUMANIST)
Isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mga mag-aaral sa klasrum upang maging lubos ang pagkatuto niya.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SA KASALUKUYAN
Kaligirang Sosyal
Kaligirang Saykolinggwistik
Linggwistik
KALIGIRANG SOSYAL AY MAYROONG TATLONG BAHAGI
Gamit ng Wika
Barayti ng Wika
Kaalamang Kultural
GAMIT NG WIKA
May layunin ba itong magbigay-impormasyon, magtanong, magpahayag ng damdamin, sumang-ayon o sumalungat, manghikayat o makipag-ugnayan?
BARAYTI NG WIKA
Isinasaalang-alang ba ang gamit ng diyalekto, kaligiran ng talastasan at register ng wika (pormal, impormal)?
KAALAMANG KULTURAL
Inuunawa ba ang implikasyon ng wika sa kultura
KALIGIRANG SAYKOLINGGWISTIK
Isinasaalang-alang ba ang mga gamit ng wika at sitwasyon?
LINGGWISTIK
Binibigyang-pansin ba ang kahalagahan ng yunit ng tunog, salita, bokabularyo at gramatika sa pagbuo ng pahayag?
ANO ANG KAKAYAHANG KOMUNKATIBO AYON KAY CHOMSKY?
Ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence at language performance
ANO ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO AYON KAY TITON?
Ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanyan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap
CANALE AND SWAIN MODEL
Kakayahang linggwistik
Kakayahang sosyolinggwistik
Kakayahang istratejik
Kakayahang pandiskors
KAKAYAHANG LINGGWISTIK / GRAMATIKAL
Pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
Ang kakahang sosyolinggwistiko ay naglalarawan sa kakayanan ng mga indibidwal na makamit ang atensyon ng madla.
KAKAYAHANG ISTRATEJIK
Kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon
KAKAYAHANG PANDISKORS
Isang bahagi na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
3 BATAYANG SIMULAIN SA PAGTUTURO NG WIKA
Simulaing Kognitib
Simulaing Linggwistik
Simulaing Pansaloobin
SIMULAING KOGNITIB
Awtomatik na paggamit ng wika, pag-uugnay na pinag-aaralan sa tunay na pangyayari, pangganyak sa tulong ng gantimpala, fidbak at papuri, pansariling istratehiya sa pagkatuto
SIMULAING LINGGWISTIK
Awtomatik na paggamit ng istruktura sa talastasan
SIMULAING PANSALOOBIN
Kasiyahan sa mga mapanghamong gawaing pangwika, pag-uugnay ng wika sa kultura
ANO ANG TEORYA?
Siyentipikong pag-aaral patungkol sa pinagmulan ng isang bagay ngunit hindi pa lubusang napapatunayan
TEORYANG BABEL
May iisang wika lamang ang ginagamit ng mundo, dahilan upang ang lahat ng tao ay magkaintindihan sa isa’t isa. Naging mapangahas ang tao kaya binuo nila ang Tore ng Babel upang maabot ang langit at mahigitan ang kapangyarihan ng Diyos. Sinira ng Diyos ang tore upang magkawatak-watak at hindi na magkaintindihan ang mga tao, ginawa niyang magkaiiba-iba ang wikang ginagamit ng bawat isa.
TEORYANG POOH-POOH
Nagmula ang wika dahil sa mga bulalas o ekspresyon ng mga tao. Dahil sa hindi sinasadyang pagbubulas ng mga tao bunga ng kanilang masisidhing damdamin tulad ng saya, takot, sakit, gulat, at lungkot dahil nabuo ang mga salita. ex. ‘aray’, ‘naku’, ‘yehey’
TEORYANG BOW-WOW
Nagsimula ang wika dahil sa panggagaya ng tao sa mga tunog mula sa kalikasan.
TEORYANG DINGDONG
Simbolismo ng tunog. Lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan o sumisimbolo rito. Nabuo ang wika ng mga tao dahil sa patuloy na panggagaya sa mga tunog na nililikha ng kalikasan at sa mga bagay na nilikha ng tao.
TEORYANG YO-HE-YO
Ayon kay A.S. Diamond, natutong magsalita ang tao dahil sa kanyang pwersang pisikal.
TEORYANG TA-TA
Nakabubuo ng tunog ang tao dahil sa panggagaya sa ating dila sa mga pagkumpas o paggalaw ng mga kamay. Tinatawag din itong ‘ta-tana’ sa wikang Pranses.
TEORYANG YUM-YUM
Isinasaad ng teoryang ito na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas ng alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
TEORYANG SING-SONG
Iminungkahi ni Jesperson, ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtatawa, panliligaw, pagkausap sa sarili, at iba pang bulalas-emosyunal. Ito’y higit na mahaba at musikal.
TEORYANG COO-COO
Nabuo ang wika dahil sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol at ginamit at ginaya ito ng mga matatanda upang ipangalan sa mga bagay-bagay na nasa paligid.
TEORYANG EUREKA
Sinadyang imbentuhin ng tao ang wika. Mayroon nang ideya ang mga sinaunang tao sa pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga bagay.