1/29
Mga talasalitaan at mahahalagang konsepto ukol sa Relihiyon, Pagbagsak ng Constantinople, Renaissance, Repormasyon, at Kontra-Repormasyon.
Monoteismo
Uri ng relihiyon na naniniwala sa iisang diyos (one god).
Politeismo
Uri ng relihiyon na naniniwala sa maraming diyos (many gods).
Shahada
Ang unang haligi ng Islam na tumutukoy sa pagpapahayag ng pananampalataya.
Salah
Ang haligi ng Islam na tumutukoy sa pagdarasal.
Zakah
Ang haligi ng Islam na tumutukoy sa pagtulong o pagbibigay sa nangangailangan.
Sawm
Ang haligi ng Islam na tumutukoy sa pag-aayuno, lalo na sa panahon ng Ramadan.
Hajj
Ang haligi ng Islam na tumutukoy sa paglalakbay sa Mecca.
Animismo
Katutubong paniniwala na nag-iwan ng impluwensiya sa kulturang Pilipino, tulad ng paniniwala sa "tabi-tabi po".
Constantine
Emperador na nagdeklara ng Kristiyanismo bilang opicial na relihiyon ng Imperyong Romano.
Byzantium
Ang dating pangalan ng lungsod ng Constantinople.
Byzantine Empire
Tawag sa imperyong nagpatuloy sa Silangang bahagi ng Imperyong Romano.
Justinian I
Emperador na nagdala sa Byzantine Empire sa rurok ng kapangyarihan.
Hagia Sophia
Dakilang simbahan na itinayo bilang simbolo ng kapangyarihan at pananampalataya ng Byzantine Empire.
Renaissance
Salitang nagmula sa wikang Pranses na nangangahulugang "muling pagsilang", na tumutukoy sa panahon ng muling pagkakaroon ng interes sa klasikal na sining, kultura, kaalaman, at humanismo.
Humanismo
Kaisipan kung saan binigyang-diin ang kakayahan at halaga ng tao, kabilang ang kanyang kakayahang matuto, lumikha, at magsikap.
Donatello
Isang tanyag na eskultor na nagbalik ng klasikal na anyo at makatotohanang ekspresyon sa kanyang mga obra, kabilang ang David.
Michelangelo
Tanyag na pintor at eskultor na nakilala sa pagpipinta sa kisame ng Sistine Chapel at sa paggawa ng marmol na eskultura na La Pieta.
Pieter Bruegel
Dakilang pintor ng Flanders na nagpakita ng balanse ng buhay at damdamin sa kanyang mga obra.
William Shakespeare
Pinakatanyag na manunulat ng Elizabethan Age sa England.
Repormasyon
Kilusang naglayong baguhin ang mga maling gawain at katiwalian sa Simbahang Katoliko.
Martin Luther
Isang mongheng Aleman na nagpasimula ng Repormasyon at nakilala dahil sa kanyang 95 Theses.
Indulhensiya
Ang pagbebenta ng kapatawaran ng kasalanan na tinuligsa ni Martin Luther.
Ekskomunikasyon
Isang parusang panrelihiyon kung saan tuluyang inaalis ang isang tao mula sa Simbahan.
Charles V
Emperador ng Banal na Imperyong Romano na nakipaglaban upang maibalik ang Katolisismo.
Kontra-Repormasyon
Malawakang paglilinis at reporma sa loob ng Simbahang Katoliko bilang tugon sa Repormasyong Protestante.
Council of Trent
Pagpupulong ng mga lider ng Simbahang Katoliko na idinaos sa Italy noong 1545 upang pagtibayin ang pananampalataya at tugunan ang mga abuso sa Simbahan.
Teresa of Avila
Tagapagtatag ng mga kumbento na nagreporma sa Carmelite Order noong 1500s.
Index of Forbidden Books
Tala ng mga aklat na bawal basahin ng mga Katoliko noong 1559.
Ignatius Loyola
Nagtatag noong 1540 ng Society of Jesus (Jesuits) na may malaking ambag sa Repormasyong Katoliko.
Printing Press
Imbensiyon ni Johannes Gutenberg na nakatulong sa mabilis na pagpaparami ng mga aklat, pagpapakalat ng kaalaman, at mga mapa na may kaugnayan sa nabigasyon.