1/9
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Wika
Ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Wika
-Ito ay napakahalagang instrumento sa komunikasyon.
-Ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahesa isa’t isa.
-Sa tulong nito nagkakaintindihan tayo at nakapagbibigayan ng ating mga pananaw o ideya at mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao.
Henry Allan Gleason
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura
Archibald Hill
Ang wika ang pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao.
Thomas Carlyle
Ang wika ay itinuturing n saplot ng kaisipan; gayunpaman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan.
Benjamin Lee Whorf
Aniya, ang wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang kalikasan ng sistemang panlinggwistika ng bawat wika ay di lamang instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi tagahubog din ng mga ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing pangkaisipan. Dahil dito, nagkakaiba ang wikang nalilikha ng mga tao dahil sa iba’t ibang antas ng pagkalantad sa lipunan.
Edward Sapir
Ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika.
Chomsky
Sa mga transpormasyonal na pananaw, nanguna siya sa paniniwalang ang wika bilang isang sitema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan. Dagdag pa niya, ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.
Charles Darwin
Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbebake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
Katangian Ng Wika
Ang Wika Ay Masistemang Balangkas Ang Wika ay Sinasalitang Tunog Ang Wika ay Kabuhol Ng Kultura Ang Wika ay Dinamiko Ang Wika ay Arbitraryo Ang Wika ay Pantao