FILIPINO SA PILING LARANG EXAM REVIEWER 1

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/32

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 4:15 AM on 10/6/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

33 Terms

1
New cards

Pagsusulat

Ito isang sining sa pagpapahayag ng saloobin at damdamin

2
New cards

Mabini (2012)

Ayon sakanya, ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon

3
New cards

Panonood, Pagsasalita, Pagbabasa, Pagsusulat

Ito ay isang makrong kasanayan kung saan ang kaalaman o ideya na tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik o simbolo

4
New cards

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

-Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa

-Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang

-Mabibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa

5
New cards

Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.

Bagama't maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na makauunawa lamang nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan

6
New cards

Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao

7
New cards

Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

-Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon

-Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.

-Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling bahaging isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman Review of Related Literature (RRL)

8
New cards

Review Related Literature (RRL)

Ito ay kaugnay ng mga literatura ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik

9
New cards

Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

-Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal,lathalain, artikulo, at iba pa

-Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo at telebisyon


10
New cards

Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

-Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan

-Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik

-Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba't ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik


11
New cards

Carmelita Alejo, et al.

Ayon sakanila, sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (2005), ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan

12
New cards

Edwin Mabilin, et al. (2015)

Ayon sa kanila, ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat

13
New cards

Konprehensyong Paksa

-ito ay interes ng manunulat

-napapanahong isyu (pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, atbp.)

14
New cards

Angkop ng Layunin

-Ito ay nagtatakda ng layunin

-magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan

-manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad

15
New cards

Gabay ng balangkas

Ito ay para organisahin ang ideya ng sulatin

16
New cards

Balangkas na Paksa

Ito ay isang nakasulat na plano ng isang sulatin o pananaliksik na gumagamit lamang ng mga salita o parirala para sa mga pangunahin at sumusuportang ideya

17
New cards

Balangkas na Pangungusap

Binubuo ng mga buong pangungusap para sa bawat bahagi

18
New cards

Balangkas na Talata

gumagamit ng buod o talata upang ipaliwanag ang paksa

19
New cards

Halaga ng Datos

Ito ay pinakamahalagang yunit sa pananaliksik

20
New cards

Primary o Pangunahing Sanggunian

Ito ay orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa

21
New cards

Secondary o Pangalawang Sanggunian

Ito ay makikita sariling interpretasyon batay sa pangunahing impormasyon

22
New cards

Epektibong Pagsusuri

Ito ay lohikal ang dapat na gawing pagsusuri

23
New cards

Tugon ng Konklusyon

makikita sa kongklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan

24
New cards

Pagbubuod

Ito ay ang proseso ng pagsusuri at pagpapaliwanag ng pinakamahahalagang punto o ideya ng isang teksto o pangyayari sa isang mas maikling bersyon. Ito ay naglalayong bigyang-diin ang pangunahing impormasyon nang hindi na kinakailangang banggitin ang lahat ng mga detalye

25
New cards

Bionote

-Isang anyo ng sulating nagpapakilala sa isang tao. Madalas, ito ay nasa likod ng pabalat ng aklat na nagpapakilala sa isang manunulat. Gayundin, ito ay sa huling bahagi ng isang pag-aaral o papel-pananaliksik

-Ito ay isang maikling pahayag na naglalaman ng pangunahing impormasyon tungkol sa isang tao. Karaniwang ginagamit ito para sa pagpapakilala ng isang indibidwal sa iba. Ito ay mas personal at hindi gaanong detalyado kumpara sa talambuhay, resume, o curriculum vitae

26
New cards

Personal na Impormasyon

Ito ay naglalaman ng pangalan, edad, kasarian, at iba pang personal na detalye na makakatulong sa pagpapakilala ng indibidwal

27
New cards

Kaligirang pang-edukasyon

Ito ay naglalarawan ng edukasyonal na background ng manunulat, kabilang ang mga institusyon na pinag-aralan at natapos, mga kurso na kinuha, mga karangalan at pagkilala, at iba pang kaugnay na impormasyon

28
New cards

Ambag sa Larangang Kinabibilangan

Ito ay nagpapakita ng mga karanasan sa trabaho, mga posisyon na nakuha, mga tagumpay at parangal, at iba pang impormasyon na nagpapakita ng kahusayan at kakayahan ng manunulat sa kanyang larangan

29
New cards

Layunin at Gamit

Maipakilala ang manunulat at mananaliksik sa mga mambabasa at upang magkaroon din sila ng pahapyaw na ideya sa pinagmulang pananaw. paniniwala, o kaalaman ng manunulat

30
New cards

Anyo at Katangian

Ang isang bionote ay may maikling nilalaman, gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw at inverted pyramid, nakatuon lamang sa angkop na kasanayan o katangian, at matapat sa pagbabahagi ng impormasyon

31
New cards

Talambuhay

Ito ay isang malawakang salaysay na naglalarawan ng buhay ng isang tao mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Karaniwang may malalim na pagsusuri at detalyadong kwento tungkol sa iba't ibang yugto ng buhay ng tao

32
New cards

Resume

Ito ay isang maikling talaan ng mga impormasyon tungkol sa edukasyon, karanasan sa trabaho, at iba pang kasanayan ng isang tao. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga aplikasyon para sa trabaho o oportunidad sa propesyonal na larangan

33
New cards

Curriculum Vitae

Ito ay isang mas detalyadong talaan ng impormasyon tungkol sa edukasyon, karanasan sa trabaho, pagsasaliksik, at iba pang mga kakayahan ng isang tao.

Karaniwang ginagamit ito sa mga akademikong setting, lalo na sa pag-aapply para sa mga propesyonal na posisyon o mga akademikong oportunidad