1/23
Mga bokabularyo at mahahalagang konseptong nauugnay sa mga sinaunang kabihasnan ng Sumerian, Indus, Tsino, at Ehipto mula sa aralin.
Kabihasnan
Nagmula sa salitang-ugat na "bihasa" (expert), saklaw nito ang pamumuhay sa lungsod pati na rin ang pamumuhay sa labas ng lungsod.
Sibilisasyon
Nagmula sa salitang Latin na "civitas" (lungsod/state), tumutukoy ito sa pamamaraan ng pamumuhay sa loob lamang ng isang lungsod.
Mesopotamia
Tinaguriang "lupain sa pagitan ng dalawang ilog" (Ilog Tigris at Ilog Euphrates) kung saan umusbong ang Kabihasnang Sumerian.
Fertile Crescent
Isang hugis arkong lupain na nagkaloob ng napakayamang lupaing sakahan sa rehiyon ng Mesopotamia.
Lugal
Ang tawag sa hari sa lipunang Sumerian, na kabilang sa pinakamataas na uri sa lipunan kasama ang mga pari.
Ziggurat
Isang monumental na templong arkitekturang panrelihiyon na nagsilbing sentro ng relihiyon at pamahalaan sa mga lungsod-estado ng Sumer.
Sexagesimal System
Sistema ng numero ng mga Sumerian na nakabatay sa 60, na pinagmulan ng pagsusukat ng oras (60 segundo=1 minuto) at 360 digri ng isang sirkulo.
Cuneiform
Ang sistema ng pagsulat na binuo at ginamit ng mga Sumerian.
Epiko ni Gilgamesh
Ang pinakamatandang epiko sa buong mundo na natuklasan sa Mesopotamia.
Great Bath
Isang pampublikong paliguan sa Mohenjo-Daro sa Kabihasnang Indus na posibleng ginamit sa mga seremonya o gawaing panrelihiyon.

Indus Script
Sistema ng pagsusulat sa Kabihasnang Indus na binubuo ng humigit-kumulang 400 na simbolo sa mga selyo (seals) at hindi pa ganap na naisasalin.

Hieroglyphics
Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Ehipsiyo na binubuo ng mga simbolo o larawan na kumakatawan sa mga salita, tunog, o ideya.
Sarcophagus
Isang kabaong na karaniwang gawa sa bato na ginagamit sa Sinaunang Ehipto upang ilibing ang katawan ng mga mahahalagang tao tulad ng paraon.

Canopic Jars
Mga garapon na ginamit ng mga Sinaunang Ehipsiyo upang itago at protektahan ang mga internal na organo ng namatay sa proseso ng mummification.

Oracle Bone Script
Ang pinakamatandang uri ng pagsusulat sa China na inukit sa mga buto ng hayop o shell ng pagong noong Shang Dynasty (1600–1046 BCE) para sa panghuhula.

Sericulture
Ang sinaunang industriya sa Tsina ng pag-aalaga ng mga silkworm upang makuha ang kanilang cocoon para sa paggawa ng seda.

Huang He River
Tinaguriang "Lupang Sibilisasyon," "China's Pride," at "China's Sorrow" kung saan umusbong ang mga unang organisadong lipunan sa Tsina.

Silk Road
Sinaunang rutang pangkalakalan na nag-ugnay sa Tsina, Kanlurang Asya, at Europa.
Confucianism
Pilosopiyang Tsino na nagbibigay-diin sa respeto, moralidad, at tamang asal sa lipunan.
Taoism
Pilosopiyang Tsino na nagtuturo ng pagbabalik-loob sa kalikasan at pamumuhay nang simple.
Legalism
Pilosopiyang Tsino na naniniwalang ang mahigpit na batas at mabigat na parusa ang kailangan upang mapanatili ang kaayusan.
Terracotta Army
Koleksyon ng mga estatwang sundalo na ipinagawa ni Emperador Qin Shi Huang at natuklasan noong 1974.
Sphinx
Isang malaking estatwa sa Ehipto na may katawan ng leon at ulo ng tao, na sumisimbolo sa kapangyarihan at katalinuhan.
Rosetta Stone
Bato mula sa Ptolemaic dynasty na natagpuan noong 1799 na naglaman ng hieroglyphics at naging susi ni Jean-François Champollion sa pag-unawa nito.