1/59
Koleksiyon ng 60 flashcards ukol sa mga konsepto, katangian, pandaigdigang institusyon, migrasyon, at limang dimensiyon ng globalisasyon batay sa kurikulum ng Araling Panlipunan 10.
Sa anong yugto o konsepto madalas iniuugnay ang Bagong Globalisasyon?
Madalas itong iniuugnay sa Globalization 4.0 o sa kasalukuyang ikaapat na yugto ng integrasyong pang-ekonomiya.
Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pokus ng lumang globalisasyon at bagong globalisasyon?
Ang lumang globalisasyon ay nakatuon sa pagtawid ng mga pisikal na produkto, paggawa, at tradisyonal na serbisyo, samantalang ang bagong globalisasyon ay nakatuon sa digital na palitan, artificial intelligence (AI), teknolohiya, inobasyon, at mabilis na pagdaloy ng ideya at kaalaman.
Ano ang tatlong salik na nagpapakita ng paglipat mula sa produkto tungo sa ideya at kaalaman sa bagong globalisasyon?
Digital na Ekonomiya, AI at Inobasyon, at Pagdaloy ng Kaalaman.
Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2019, ano ang apat na pangunahing katangian ng bagong globalisasyon na nakaaapekto sa Pilipinas?
Pagbabago o muling pagsasaayos sa paraan ng pagtakbo ng ekonomiya at kalakalan.
Economic Restructuring
Ano ang naging positibong tala sa di-pagkakapantay at kahirapan sa Pilipinas mula 2012 hanggang 2015?
Bumaba ang antas ng kahirapan nang humigit-kumulang 1.2% bawat taon noong 2012–2015.
Ano ang kahulugan ng Pandaigdigang Produktong Pampubliko (Global Public Goods)?
Ito ay mga produktong nakikinabang ang lahat ng mamamayan sa buong daigdig, tulad ng bakuna at pandaigdigang seguridad.
Ano ang 4 na paglalagom?
Ekonomiya, pagkakapantay, pandaigdigan, at lipunan
Bakit maaaring makinabang ang Pilipinas sa giyerang komersiyal (trade war) sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina?
Dahil sa mataas na taripang ipinataw ng Estados Unidos sa mga produktong elektroniks mula Tsina, naghahanap ang mga kompanya ng alternatibong lokasyon para sa produksiyon ng semiconductor at integrated circuit kung saan may export processing zones at maalam na lakas-paggawa ang Pilipinas.
Paano nakaapekto ang pag-unlad ng sosyal midya sa panlipunang pagtitiwala at pagkakaisa sa Pilipinas?
Naging laganap ang des-impormasyon o pekeng balita na maaaring magbunga ng pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan sa mga institusyon.
Ano ang pagkakaiba ng samahang pamahalaan at di-pamahalaan sa konteksto ng globalisasyon?
Ang samahang pamahalaan ay binubuo ng mga bansa o estado batay sa internasyonal na kasunduan para sa interes ng publiko, habang ang di-pamahalaan ay binubuo ng mga likas at legal na mamamayan batay sa pribadong kasunduan para sa interes ng kanilang pangkat.
Kailan itinatag ang United Nations (UN) at saan matatagpuan ang punong-himpilan nito?
Itinatag ito noong Oktubre 24, 1945 at ang punong-himpilan nito ay nasa New York, Estados Unidos.
Ano ang pangunahing layunin ng United Nations (UN)?
Itaguyod ang pandaigdigang kapayapaan, seguridad, karapatang pantao, at kaunlarang ekonomiko.
Kailan itinatag ang World Trade Organization (WTO) at ano ang pangunahing layunin nito?
Itinatag ito noong Enero 1, 1995 sa Geneva, Switzerland upang pangasiwaan ang pandaigdigang kalakalan at itaguyod ang patas na pagtrato sa mga kasapi sa pamamagitan ng negosasyon at pagresolba sa alitan.
Kailan itinatag ang International Monetary Fund (IMF) at ano ang pangunahing pokus nito?
Itinatag ito noong 1944 sa Washington, D.C., Estados Unidos at nakatuon sa katatagan ng pandaigdigang sistemang pinansiyal at palitan ng salapi.
Kailang at saan itinatag ang World Bank (WB)? Ano ang layunin nito?
Itinatag noong 1944 sa Washington D.C., United States. Wakasan ang matinding kahirapan at itaguyod ang napapanatiling kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapautang na may mababa o walang interes para sa mga proyektong pangkaunlaran.
Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pokus ng IMF at World Bank?
Ang IMF ay nakatuon sa katatagan ng sistemang pinansiyal at pananalapi, samantalang ang World Bank ay mas nakatuon sa pangmatagalang kaunlaran at proyektong panlipunan.
Kailan itinatag ang International Chamber of Commerce (ICC) at saan ang punong-himpilan nito? Ano ang pangunahung layunin nito?
Itinatag ito noong 1919 at ang punong-himpilan nito ay nasa Paris, France. Ang layunin nito ay isulong ang pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan bilang instrumento para sa inklusibo at napapanatiling pah-unlad.
Kailan at saan itinatag ang International Labour Orgnanization? Ano ang pangunahing layunin nito?
Itinatag ito noong 1919 sa Geneva, Switzerland. Itinaguyod ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng paggalang sa mga manggagawa, pagtatakda ng mga pamantayan sa trabaho, at pagtataguyod ng karapatang pantao.
Kailan itinatag ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ano ang ibig sabihin ng prinsipyo nitong kolektibong depensa?
Itinatag ito noong Abril 4, 1949 sa Brussels, Belgium; ayon sa kolektibong depensa, ang pag-atake sa isang kasaping estado ay itinuturing na usapin at pag-atake sa buong alyansa.
Kailan at saan itinatag ang European Union? Ano ang layunin nito?
Itinatag ito noong Nobyember 1, 1993. Itinaguyod ang kapayapaan, seguridad, kalayaan, katarungan, pagkakapantay-pantay, pangangalaga sa kalikasan, at paggalang sa pagkakaibang kultura.
Ano ang pangunahing layunin ng G20 kung saan kabilang na rin ang African Union? Kailan rin ito itinatag?
Pinagsasama nito ang mga pangunahing ekonomiya upang mag-ugnayan sa mga polisiya, patatagin ang paglago, at tumugon sa mga krisis pang-ekonomiya sa daigdig. Itinatag ito noong Sept. 26, 1999 Washington D.C., Estados Unidos.
Kailan ito itinatag at ano ang gampanin ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC)?
Itinatag ito noong Sept. 1960 sa Baghdad, Iraq at mag-ugnay ng mga patakaran sa langis ng mga kasaping bansa upang makatulong sa katatagan ng presyo at masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng petrolyo.
Kailan ito itinatag at ano ang pangunahing adbokasiya ng Asian Development Bank (ADB)?
Itinatag ito noong December 19, 1966 sa Maynila, Pilipinas at isulong ang inklusibo at napapanatiling pag-unlad at pagbabawas ng kahirapan sa rehiyon ng Asya at Pasipiko sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga proyekto.
Ano ang dahilan sa likod ng ekonomikong migrasyon?
Ang paglipat sa ibang pook o bansa upang makahanap ng mas mataas na sahod at mas magandang oportunidad sa trabaho.
Bakit nagaganap ang migrasyon ng mga refugee?
Nalilikas sila dahil sa digmaan, karahasan, o pag-uusig upang humanap ng asylum o proteksiyon.
Ano ang pagkakaiba ng brain drain at brain gain sa konteksto ng migrasyon?
Ang brain drain ay ang pagkaubos o pag-alis ng mga propesyonal at dalubhasa mula sa sariling bansa, habang ang brain gain ay ang pagbabalik at pagbabahagi ng kanilang mga kasanayan at kaalaman.
Ano ang pampamilyang migrasyon?
Paglipat ng tirahan upang sumama o muling makapiling ang kamag-anak o pamilyang naninirahan na sa ibang bansa.
Bakit lumilipat ang mga tao sa ilalim ng migrasyong pang-edukasyon?
Lumilipat sila upang mag-aral at magkaroon ng mas malawak na akses sa mas mataas o de-kalidad na edukasyon sa ibang bansa.
Ano ang layunin ng migrasyon para sa pagreretiro?
Paglipat sa isang bansang may mas paborableng gastusin sa pamumuhay o mas magandang klima matapos magretiro sa trabaho.
Ano ang depinisyon ng Globalisasyon ayon sa talakayan?
Ito ay ang mas malawak, mas mabilis, at mas malalim na pagkakaugnayan ng mga tao at bansa sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Bakit itinuturing na isang 'proseso' ang globalisasyon at hindi isang bagay na nahahawakan?
Dahil ito ay patuloy na daloy ng ugnayan ng mga tao at bansa, palitan ng produkto at ideya, lumalalim na interdependence, at pagbabagong nagdudulot ng iba't ibang bunga.
Nagsimula ba ang globalisasyon sa pagkakaimbento ng internet? Ipaliwanag.
Hindi; may mga ugat na ito sa naunang mga eksplorasyon, kalakalan, industrialisasyon, at modernisasyon ng transportasyon at komunikasyon bago pa man sumapit ang Digital Age.
Paano ipinapakita ng paggawa ng isang cellphone ang diwa ng globalisasyon?
Ipinapakita nito na ang disenyo, mga piyesa, assembly, merkado, at mismong gagamit ng produkto ay maaaring magmula at maganap sa magkakaibang bansa.
Ano ang limang dimensiyon ng globalisasyon?
Ekonomiko, Politikal, Sosyokultural, Teknolohiko, at Moral.
Ano ang saklaw ng Dimensiyong Ekonomiko ng globalisasyon?
Ang pagkakaugnay ng mga ekonomiya sa pamamagitan ng kalakalan, pamilihan, produkto, serbisyo, puhunan, produksiyon, at trabaho.
Ano ang saklaw ng Dimensiyong Politikal ng globalisasyon?
Ang ugnayan at pakikipagtulungan ng mga pamahalaan, diplomasya, mga pandaigdigang organisasyon, kasunduan, at pagharap sa mga suliraning panlahat.
Bakit kailangan ang pandaigdigang kooperasyong politikal sa mga isyu tulad ng climate change at pandemics?
Dahil ang mga suliraning ito ay hindi humihinto sa hangganan ng isang bansa at hindi kayang lutasin ng iisang estado lamang nang mag-isa.
Ano ang saklaw ng Dimensiyong Sosyokultural ng globalisasyon?
Ang paglawak ng ugnayan at palitan ng kultura at pamumuhay tulad ng musika, pagkain, fashion, pelikula, wika, tradisyon, at mga ideya.
Ano ang pangunahing katangian ng Dimensiyong Teknolohiko ng globalisasyon?
Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng internet, smartphones, at digital platforms na nagpapabilis sa komunikasyon at nagpapaliit sa hadlang ng oras at distansiya.
Ano ang pokus ng Dimensiyong Moral ng globalisasyon?
Ang mga pagpapahalaga, pananagutan, karapatang pantao, corporate social responsibility, at etikal na pamantayan sa gitna ng lumalawak na koneksiyon ng mundo.
Ano ang pagkakaiba ng 'dimensiyon' at 'epekto' ng globalisasyon?
Ang dimensiyon ay tumutukoy sa aspeto kung saan nagaganap ang globalisasyon, samantalang ang epekto ay ang kongkretong bunga o resulta nito (maaaring positibo o negatibo).
Sa anong dimensiyon kabilang ang sitwasyong: 'Sinusuri kung makatarungan at responsable ang labor practices ng isang multinational company'?
Dimensiyong Moral.
Sa anong dimensiyon kabilang ang sitwasyong: 'Isang mamimiling Pilipino ang bumili ng imported na smartphone sa lokal na pamilihan'?
Dimensiyong Ekonomiko.
Sa anong dimensiyon kabilang ang sitwasyong: 'Pagiging sikat ng mga foreign music trend tulad ng K-Pop sa mga kabataang Pilipino'?
Dimensiyong Sosyokultural.
Sa anong dimensiyon kabilang ang sitwasyong: 'Pakikipagkasundo ng Pilipinas sa ibang bansa hinggil sa pandaigdigang seguridad sa ilalim ng UN'?
Dimensiyong Politikal.
Sa anong dimensiyon kabilang ang sitwasyong: 'Pakikipag-video call sa kaibigan sa ibang bansa sa loob lamang ng ilang segundo gamit ang internet'?
Dimensiyong Teknolohiko.
Ano ang apat na hakbang sa balangkas ng pagsusuri ng epekto ng globalisasyon?
Magbigay ng dalawang positibong epekto ng globalisasyon sa Dimensiyong Ekonomiko.
Pagtaas ng oportunidad sa malayang kalakalan at paglikha ng karagdagang empleo at produksiyon mula sa dayuhang pamumuhunan.
Magbigay ng dalawang negatibong epekto ng globalisasyon sa Dimensiyong Ekonomiko.
Pagkalugi o paghihirap ng mga lokal na negosyo dahil sa matinding kompetisyon at paglaganap ng mababang pasahod o kawalan ng seguridad sa trabaho (contractualization).
Ano ang isang posibleng positibong epekto ng Dimensiyong Politikal ng globalisasyon?
Mas malawak na oportunidad para sa diplomasya, pandaigdigang negosasyon, at paglaganap ng demokrasya at karapatang pantao.
Ano ang isang posibleng banta o negatibong epekto sa Dimensiyong Politikal ng globalisasyon?
Pagkawala ng bahagi ng pambansang soberanya at panghihimasok ng malalakas na bansa sa mga patakaran ng mas mahihinang bansa.
Ano ang positibong epekto ng globalisasyon sa Dimensiyong Sosyokultural?
Pagtanggal ng cultural barriers, pagpapadali sa akses sa sining at kulturang banyaga, at pagpapalawak ng cultural exchange.
Ano ang posibleng negatibong epekto ng globalisasyon sa Dimensiyong Sosyokultural?
Pagkawala ng sariling cultural identity, pagkalimot o pag-unti ng paggamit ng katutubong wika, at paglaganap ng labis na consumer culture.
Ano ang isang pangunahing positibong epekto ng Dimensiyong Teknolohiko ng globalisasyon?
Mabilis na daloy ng impormasyon, pagtataguyod ng inobasyon, at malawak na akses sa mga solusyong pangkalusugan at pangkapaligiran.
Ano ang ibig sabihin ng 'digital divide' bilang negatibong hamon sa Dimensiyong Teknolohiko?
Ito ang hindi pantay na akses sa teknolohiya at impormasyon na nagpapalalim sa agwat ng mga bansa o sektor na may mababa at mataas na technological capacity.
Ano ang panganib ng automation at AI sa mga manggagawa sa ilalim ng teknolohikal na dimensiyon?
Maaari itong magresulta sa job displacement o pagkawala ng trabaho dahil sa pagpapalit ng mga makina at artificial intelligence sa gawaing pantao.
Paano nakatutulong ang Dimensiyong Moral sa pagpapatakbo ng mga pandaigdigang korporasyon?
Itinataguyod nito ang corporate social responsibility (CSR) at mas mataas na kamalayan sa pananagutan sa kapakanan ng mga manggagawa, mamimili, at kapaligiran.
Ano ang posibleng negatibong bunga ng pagkakaiba-iba ng moral standards sa panahon ng globalisasyon?
Maaari itong magdulot ng hindi pagkakaunawaan, cultural tensions, at pagkiling ng mga dayuhang kompanya sa sarili nilang interes nang walang pagsasaalang-alang sa konteksto ng lokal na komunidad.
Bakit sinasabing ang iisang pangyayari sa globalisasyon ay nagdudulot ng magkakaibang epekto sa iba't ibang grupo?
Dahil ang iisang kaganapan tulad ng pagpasok ng dayuhang negosyo ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mamimili (mas maraming pagpipilian) ngunit maaaring maging banta sa mga lokal na negosyo (matinding kumpetisyon) at manggagawa (posibleng kawalan ng kaseguruhan sa trabaho).