1/56
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Mga Kategorya ng batis ng impormasyon
primarya at sekondarya
Primaryang Batis
Orihinal na pahayag, obserbasyon, o teksto na galing mismo sa isang tao, grupo, o institusyon na direktang nakaranas, nakakita, o nagsaliksik tungkol sa isang paksa o pangyayari.
Sekondaryang Batis
Hindi mismo ang direktang nakaranas o nagsaliksik ng isang paksa o pangyayari.
Batay lang ito sa naunang batis / sanggunian - second hand
Elektronikong Batis
Tumutukoy sa mga pinagmumulan ng kaalaman o datos na nakaimbak, naipapasa, at naa-access gamit ang makabagong teknolohiya at elektronikong kagamitan gaya ng kompyuter, internet, at iba pang digital na plataporma.
iskolarli
Mga orihinal na pag aaral na lumabas sa journal o aklat ng mga eksperto
Sinulat ng mga bihasang mananaliksik
Dumaan sa masusing pagsusuri bago mailatala
Madalas ay sinuri ng ibang eksperto sa larangan
May kumpletong listahan ng mga ginamit na sanggunian
Para sa mga taong may alam o interesado sa partikular na paksa
May mga teknikal o espesyalisadong salita sa disiplina
Popular / Pangmadla
Sinulat para sa mas malawak na mambabasa
Tintingnan ng editor bago ilathala
Madalang may sanggunian
Karaniwang matatagpuan sa website, blog at magasin
Kadalasang gawa ng mga mamahayag o freelance writers
Pagsasalin
Ang pagsasalin ay ang proseso ng paglilipat ng mensahe o diwa mula sa isang wika (source language o SL) patungo sa isa pang wika (target language o TL).
Santiago: ito ay paghahanap ng pinakamalapit na katumbas ng orihinal na diwa at istilo sa TL.
Rabin at Martinez et al. (2016): ito ay paglalapat ng parehong kahulugan ng sinabi o isinulat sa isang wika papunta sa ibang wika.
Proseso ng pagsasalin
Mailipat ang kahulugan at diwa, hindi lang ang mga salita.
Apat na antas sa pagsasalin
antas tekstwal
antas represensyal
antas kohesyon
antas natural
Antas tekstwal
literal na pagsasalin
Ito ang pinakapayak na antas kung saan ang salin ay halos salita-sa-salita (WORD-WORD) mula sa orihinal na teksto.
Nakatuon ito sa paglilipat ng mismong salita o pangungusap ayon sa gramatika, pero hindi pa gaanong isinasaalang-alang ang kabuuang kahulugan.
antas represensyal
pagunawa sa nilalaman
Sa antas na ito, ang tagasalin ay lumalalim sa kahulugan ng teksto, kinikilala ang mga obhektibong bagay at imahinasyon (tunay o likha), at bumubuo ng mental na larawan para mas maintindihan ito.
Bago isalin, naiintindihan muna nang buo ang diwa ng orihinal.
antas kohesyon
pagkakaugnay ugnay
Itinatama dito ang daloy ng ideya para maging maayos at magkaugnay ang mga kaisipan. Tinitingnan din ang tono, damdamin, at kung paano inaangkop ang istilo at layunin ng orihinal sa pagsasalin.
Layunin nitong buuin ang kabuuang larawan ng teksto sa malinaw at organisadong paraan.
antas natural
pagiging mas natural pakinggan
Sa huling antas, inaangkop ng tagasalin ang wika sa paraan ng pagsasalita ng mambabasa sa kasalukuyan.
Pinipili ang mga natural at pamilyar na salita, kaya ang salin ay madaling basahin at hindi halatang isinalin mula sa ibang wika.
uri ng tala at dokumentasyon
direktang sipi
sinospis
parapreys
presi
direktang sipi
Pagtatala ng mahahalagang pangugusap o pahayag mula sa mga sangguiniang pinagkuhanan ng datos
Walang pagbabago
Tagapaghatid ng impormasyon
Mapatunayan ang punto
Mapasimulan ang diskusyon
Brain storming
Mga kaisipang nakatulad o naiiba sa siniping impormasyon
Sinopsis
Sama sama ng mga pangunahing ideya ng mga manunulat gamit ang sariling pangungusap
Mas maigsi sa orihinal at naglalaman ng kabuuuang kaisipan ng pinagkunang material
Nais magbigay ng background / pananaw sa isang paksa
Pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian ukol sa paksa
Matuloy ang pangunahing ideya ng pinagbatayan na teksto
Parapreys
Sternglass (1991) - paguulit ng ideya mula sa ibang sanggunian gamit ang sariling pananalita
Spatt (1987) pagbuo ng ideya gamit ang sariling pangungusap para mas maipaliwanag sa mambabasa ang nilalaman ng orihinal
Karaniwang mas mahaba ang hawig kaysa sa orihinal dahil ginagamit dito ang sariling pananalita upang mas malinaw na maipalawinag ang ideya
Kung gusto mong mas malinaw na maipaliwanag ang punto o mensahe ng isang teksto
Kung may bahagi ng teksto na mahirap intindihin, puwedeng parapreysin gamit ang simpleng salita.
Presi (Precis)
Mas maikli sa buod ng isang mahabang teksto
Tinututukan nito ang mahahalagang detalye at ideya.
Layunin nitong maipahayag ang pinaka-punto ng teksto para maintindihan agad ng mambabasa ang pangunahing nilalaman.
Pinaiikli ito pero may kaunting pagbabago sa pananalita.
Dapat sunod-sunod pa rin ang ideya gaya ng nasa orihinal.
Karaniwang ang haba nito ay 1/5 ng orihinal.
Iwasan ang pagkopya ng mismong mga salita o pangungusap mula sa teksto.
Bago
Isinulat, initala, o ipinost ang impormasyon sa panahong angkop sa paksa.
Nirebisa o na-update ang impormasyon kung kinakailangan.
Ginamit ang pinakabagong impormasyon kung ito ang hinihingi ng paksa.
Aktibo at naa-access pa ang mga link ng sanggunian.
Maaring gamitin ang lumang sanggunian kung ito ay pa rin kapaki-pakinabang sa kasalukuyang pananaliksik.
Kahalagahan
May malinaw na kaugnayan ang impormasyon sa paksa ng pananaliksik.
Nakakatugon ito sa layunin o tanong ng pananaliksik.
Akma ito sa antas ng kaalaman ng mambabasa o target audience.
Nagmula ito matapos suriin at paghambingin ang iba’t ibang sanggunian.
Komportableng gamitin at banggitin ang sanggunian sa pananaliksik.
Awtoriti
May tiyak na awtor, tagapaglathala, o institusyong pinanggalingan ang impormasyon.
Ang awtor ay may sapat na kwalipikasyon o kadalubhasaan sa paksa.
Kasapi sa kinikilalang organisasyon ang awtor kung naaangkop.
May paraan para makontak ang awtor o may malinaw na pagkakakilanlan.
Ang URL ay nagpapakita ng lehitimong pinagmulan (hal. .edu, .gov, .org, .net).
Layunin
Intensyon ng Impormasyon
Malinaw ang layunin ng impormasyong inilahad.
Maaaring ito ay para magbigay-kaalaman, magpahayag ng opinyon, o manghikayat.
Nakabatay sa katotohanan at hindi lamang sa opinyon o propaganda.
Obhetibo ang pananaw ng awtor.
Walang halatang pagkiling politikal, ideyolohikal, kultural, panrelihiyon, o personal
Pagbabasa
Proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o letra ng isang wika
Pag alam sa kahulugan at mensaheng nakasulat
Masalimuot na proseso para maging epektibo
Pang unawang Literal
Pinakamababang antas
simpleng pagalam sa impormasyon mula sa binasa
Batayang Kontesktuwal
Pagtukoy sa disiplina ng teksto, may akda at panahong isinulat
Isinasaalang-alang mo ang may-akda, ang panahon kung kailan ito isinulat, at ang disiplinang saklaw nito (e.g. kasaysayan, panitikan, agham, relihiyon).
Layunin nito ay makita ang mas malalim na kahulugan batay sa pinagmulan at sitwasyon.
Pagsusuri
Pagkilatis sa ideya at ebidensyang ginamit, pati simbolismo kung kwento, at katibayan kung sanaysay o artikulo.
Tinitingnan kung lohikal at kapani-paniwala ba ang ideya at ebidensya.
Kung kuwento: binibigyang pansin ang simbolismo at kahulugan ng mga tauhan at pangyayari.
Kung sanaysay/artikulo: sinusuri ang katibayan o datos na ginamit ng may-akda.
Aplikasyon/ Repleksyon
Pag-uugnay ng binasa sa sariling karanasan, pananaw, at reaksyon
Sintesis
Pagbubuod na may sariling interpretasyon at pananaw batay sa binasa
Dito, hindi lang basta inuulit ang teksto—pinagbubuo mo ang mga ideya at binibigyan ng sariling interpretasyon.
Lumilikha ka ng buod na may sariling pananaw na bunga ng lahat ng pag-unawa mula literal hanggang replektibo.
agham oanlipunan
nakatuon sa lipunan, kultura, ugnaayan ng mga tao at insitusyon
Hindi piksyon; tiyak at teknikal ang bokabularyo.
May glosaryo at eksaktong datos, bunga ng pananaliksik.
Pormal ang tono at may sapat na ebidensya.
Layunin: Magpaliwanag at mangatwiran.
“Bakit tumataas ang inflation?” “Paano nakaaapekto ang social media sa botohan?”
Layunin: Magpaliwanag at mangatwiran gamit ang datos ng lipunan para makagawa ng patakaran o paliwanag.
Humanidades
Nakatuon sa karanasan, kahulugan, pagpapahalaga, wika, at sining. Kadalasang estetiko o interpretatibo ang lapit.
Maaaring piksyon o di-piksyon.
Gamit ang malikhaing imahinasyon (hal. tula, nobela, dula) o makatotohanang pagsasalaysay (hal. talambuhay, sanaysay).
Madalas gumamit ng idyoma, tayutay, at makalumang pananalita.
Wika at imahinasyon ang gamit, hindi grap o tsart.
“Ano ang temang moral sa nobela?” “Paano nililikha ng tula ang damdamin ng pangungulila?”
Layunin: Umunawa at magpaliwanag ng kahulugan, simbolo, at pagpapahalaga.
Likas na agham / agham pisikal
Nakatuon sa pisikal na mundo at penomenong nasusukat: biyolohiya, kimika, pisika, geolohiya, atbp.
Di-piksyon at batay sa katotohanan.
Naglalarawan, nagpapaliwanag, o nangangatwiran.
Gamit ang teknikal at makabagong termino, kadalasang may grap, tsart, larawan, at glosaryo.
May malinaw na sanggunian ng may-akda.
“Ano ang mekanismo ng bakuna?” “Bakit umiinit ang mundo sa antas molekular/atmosperiko?”
Layunin: Maglarawan at magpaliwanag ng pisikal na sanhi-bunga batay sa eksperimento at sukat
Pananaliksik
Lohikal at sistematikong paghahanap ng bags at makabuluhang impormasyon hinggil sa isang to yak na paksa
Good (1963)
Maingat, kritikal, disiplinadong inquiry gamit ang ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan ng suliranin
Aquino (1974)
sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon hinggil sa isang paksa o suliranin
Manuel and Medel (1976)
Proseso ng pangangalap ng datos upang malutas ang suliranin na siyentipikong pamamaraan.
Parel (1966)
Sistematikong pag aaral o imbestigasyon upang masagot ang tanong mananaliksik
Trece and Trece (1973)
Pagtatangka upang makakuha ng solusyon sa mga suliranin
Paglalagom Calderon & Gonzales. 1993
Isang purposive, systematic and scientificprocess ng pagkolekta, pagsusuri, pag aayos, at interpretasyon ng datos para sa solusyon ng problema, prediksyonn, imbensyon, pagtuklas ng katotohanan, o pagpapalawak, beripikasyon ng kaalaman
Basic / Fundamental / Teoretikal
imbestigasyon ng pangunahing prinsipyo at dahilan ng kaganapan ng isang penomenon
Nakatuon sa teorya
applied / praktikal
nagbibigay solusyon sa problema gamit ang tiyak at tanngap na teorya
Kwantitatibo
ginagamit upabng maunawaan ang dahilan, opinyon, at motibasyon
objective
naglalahad ng kaisipan hinggil sa suliranin at bumumbuo ng ideya o hipotesis
hindi binabalangkas o bahagyang nakakabalangkas
Kwantitatibo
Ginagamit upang matukoy ang problema sa pamamagitan ng numerikal na datos.
subjective
Sinusukat ang attitude, opinyon, kilos, at baryabol ng mas malaking populasyon.
matukoy ang dahilan at epekto ng ugnayan sa pagitan ng baryabol
Tinatawag ding empirikal na pananaliksik (nasusukat at tiyak). maaaring nakategorya, naka-ranggo, o may unit ng sukat
Kabatiran at Pagsang-ayon
Mahalaga ang malinaw na komunikasyon sa partisipant. Dapat ipaliwanag ang layunin, proseso, at posibleng epekto ng pananaliksik. Kailangang makuha ang informed consent bago simulan ang aktwal na pananaliksik.
Proteksyon ng Participant
dapat isaalang alang ang kalagayan ng kalahok
sikolohokal na abuso
pisikal na kapamahakan
asuntong legal
Praybasi at Confidentiality
karapatan ng kalahok sa ari-arian at sensitibong impormasyon
Kasanayan at kaalaman ng mananaliksik
relasyon ng lahat ng taong may kinalaman sa pananaliksik
Pulitikal na isyu
produksyon ng kaalaman bilang usaping politikal. pananaliksik ay maaaring gamitin para sa agenda, kaya’t dapat maging mapanuri at patas.
panlipunang pakinabang
pananaliksik ay dapat may implikasyon sa polisiya at batas
pladyarismo
pagkilatis ng impormasyon / ideya ng walang pahintulot at hindi pagkilala o sadyang hindi pagkilala sa awtor
diseminsayon at publikasyon
pananaliksik dapat mailimbang at maikalat
ganap na pladyarismo (complete)
Pinakamalala; direktang pag-angkin sa buong akda ng iba.
batay sa sanggunian (source based)
Pagdaragdag ng mga sanggunian na hindi naman talaga ginamit.
Tuwirang pladyarismo (direct)
Pagkopya nang salita-sa-salita (verbatim) mula sa orihinal. Walang panipi at walang wastong pagkilala sa pinagmulan
Sarili / awto-pladyarismo (self/auto)
duplikasyon, muling paggamit ng sariling nang nailathalang gawa nang walang tamang citation
Plasyarismo Pinapahayag (paraphrasing)
Binabago nang kaunti ang pagkakasulat pero ang ideya ay galing pa rin sa iba. Inaangkin bilang sariling ideya
Hindi pagbanngit ng may akda (inaccurate authorship)
Mali o kulang ang pagbibigay ng kredito sa mga totoong may-akda
Pladyarismong Mosaiko (Mosaic / patchwork)
Pagpili ng mga parirala o ideya mula sa iba’t ibang sanggunian at pinagsasama-sama. Hindi kinikilala ang mga orihinal na pinagmulan.