1/23
Looks like no tags are added yet.
Pananaliksik
Tumutukoy sa sistematikong pangangalap ng makabuluhang datos o impormasyon hinggil sa isang partikular na paksa.
Kwalitatibong Pananaliksik
Uri ng pananaliksik kung saan nakatuon ito sa mga salita, kahulugan, karanasan, pananaw, at katangian.
Kuwantitibong Pananaliksik
Uri ng pananaliksik kung saan nakatuon ito sa mga numero, estadistika, sukat, at dami. Kinakatawan ang mga datos sa pamamagitan ng graphs, tables, at percentages.
Teoryang Sosyolohikal
Naglalarawan sa mga panyayari sa lipunan partikular sa mga suliraning kinasasangkutan ng mamayanan. Sinusuri nito ang ugnayan ng manunulat sa kaniyang lipunan.
Patrocinio V. Villafuerte
Batay sa kanya, hindi ang akda ang pinagtutuunan ng pansin sa teoryang sosyolohikal kundi ang naging impluwensiya nito sa mambabasa.
Tula
Isang masalimuot na sining na ang bawat talinghaga at simbolo ay kailangang himaying mabuti para sa wastong interpretasyon.
Lamberto Antonio
Batay sa kaniya ang pinakamagandang depinisyon ng tula ay "masarap basahin ang isang tula kung ito ay makatao, makamasa, makabuhay, maka-agham, at nagtataglay ng kongkretong ideya at sariwang talinghaga."
Persona
Ito ang pinagsasalita ng makata sa kaniyang isinulat na tula na maaring sariling danas o karanasan ng iba.
Sukat
Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
Tugma
Ito ang pagkakapareho ng tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Talutod at Saknong
Ito ang mga linya ng tula at tawag sa grupo ng mga ito.
Talinghaga
Nakapaloob na kahulugan o mensahe sa tula.
Tema
Tumutukoy sa paksang tinalakay at itinatampok ng makata sa tula na maaring tungkol sa pag-ibig, kalikasan, kabayanihan, kahirapan, pagkagalit, at pang-uuyam.
Tono
Tumutukoy ito sa damdamin o saloobing pinalilitaw ng makata sa tula.
Imahen
Napalulutang ang imahen o larawang-diwa sa tula gamit ang malinaw, matingkad, at buhay na larawan na mabubuo ng kaisipan ng makata.
Tesis
Ang kabuuang paninindigan o mensahe ng komposisyon.
Pangunahing Ideya
Gabay sa pagkakabuo ng talata.
Coherance
Ito ang lihikal na pagkakasunod-sunod ng mga talata.
Cohesion
Importante upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon.
Kaisahan
Importante ang pinupunto ng mga takata ayon sa tesis ng komposisyon. Kailangang sumusuporta ang nilalaman ng mga talata sa isa't-isa.
Kabuuan
Dapat ay buo at may sapat na paliwanag at halimbawa ang talata.
Panimulang Talata
Ito ang bukana ng komposisyon na binubuo ng isa o hanggang dalawang talata.
Talatang Ganap
Matatagpuan sa gitang bahagi ng komposisyon. Tungkulin ito ang payabungin ang pangunahing paksa.
Talatang Pabuod
Ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.