1/54
Looks like no tags are added yet.
Renato Constantino
Ayon sa kaniya, ang mga lokal na pag-aalsa at intelektuwal na laban ng Kilusang Propaganda, hanggang sa kolektibong rebolusyon, pagkilos ng mga feminista, at digmaang gerilya ay mga antas ng lumalalim na kamalayang Pilipino.
Zeus Salazar
Siya ang nagpaliwanag ng tungalian ng bayan at nacion (wika at kalinangan sa likod ng mga kilusan na dulot ng kamalayang Pilipino.
dinastiyang politikal at oligarkiya
Bagaman ang Pilipinas ay isang Republika, ang kapangyarihang pampolitika ay malimit na nananatili sa kamay ng iilang _______ ______ at _______.
patron-kliyente
Ito ang sistema kung saan nagkakatoon ng maling paggamit sa konsepto ng utang na loob na nagiging hadlang sa tunay na pananagitan.
Dinastiyang politikal
Kalagayan kung saan ang kapangyarihang politikal at yaman ng publiko ay kontrolado ng iilang pamilya na nagsasalitan sa pag-upo sa magkapareho o magkakaugnay na puwesto sa pamahalaan.
Oligarkiya
“Pamumuno ng iilan,” tumutukoy sa piling mga pamilyang may malawak na impluwensiya sa pamahalaan, politika, at ekonomiya.
de facto
Sa Pilipinas, ang ilang pamilya bilang pambansang oligarkiya dahil sila ang _______ na kumokontrol sa kapangyarihan kahit may halalan at demokratikong mekanismo pa.
Demokrasyang elit
Kaayusang pampulitika kung saan umiiral ang eleksiyon at ilang demokratikong proseso ngunit kontrolado pa rin ng elit ang resulta at direksiyon ng kapangyarihan.
Patron-kliyente
Ugnayan ng politiko (patron) at botante (kliyente) na binibigkis ng utang na loob dahil sa mga pabor, ayuda, at serbisyong ibinibigay lalo na tuwing malapit ang halalan.
patron
Ito ang tawag sa politiko
kliyente
Ito ang tawag sa botante
Hapon
Ang kanilang pananakop ay itinuturing na isa sa pinakamadugong
bahagi ng kasaysayang Pilipino.
1.1 milyong Pilipino
Ilang mga Pilipino ang tinatayang nasawi sa panahon ng mga Hapones?
Tatlong Taong Walang Diyos
Ano ang tawag sa taon nang nagkaroon ng karahasan sa Panahon ng Hapones?
Abril 1942
Kailan naganap ang Bataan Death March?
75,000
Ilang mga sundalong Pilipino at Amerikano ang pinaglakad ng mga Hapones matapos bumagsak ang bataan?
Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga (65 milya)
Saan at anong distansya naganap ang Bataan Death March?
Camp O’Donnell sa Carpas, Tarlac
Saan ikinulong ang mga sundalong Pilipino at Amerikano matapos sila paglakarin ng mga Hapones?
bayoneta
Ano ang ginamit upang patayin ang mga nanghihina sa Bataan Death March?
ianjo
Ito ang tawag sa mga comfort station kung saan dinukot at pinanatili ang mga babae?
Comfort Women
Ang mga kababaihang Pilipino ay naging biktima ng sistematikong pang-aabusong seksuwal na ito.
1,000 estasyon
Ilang ianjo ang nasa buong Pilipinas?
Pebrero 1945
Kailan naganap ang labanan sa Maynila
scorched earth policy
Sa huling yugto ng digmaan, nang matunghayan ng mga Hapones ang kanilang pagkatalo, nagsagawa sila ng malawakang pagwasak sa Maynila o tinatawag na…
Labanan sa Maynila
Sa labanang ito ay sinunog ang mga kabahayan habang nakakulong sa loob ang mga pamilyang Pilipino.
100,000 Pilipino
Ilang mga Pilipino ang namatay mula sa Labanan sa Maynila?
200,000
Ilang mga Malinenyo ang nawalan ng tirahan dahil sa Labanan sa Maynila at pagkawasak ng lungsod?
Makabayang Katipunan ng mga Pilipino
Ano ang ibig-sabihin ng MAKAPILI?
Ang MAKAPILI
Pagmamanman at pagturo sa mga lumalaban sa Hapon,
na nagreresulta sa kagarang pagpatay sa mga itinuturo nila.
bayong
Ang mga MAKAPILI ay nagsusuot ng _____ sa ulo na may butas sa mata upang makapagturo ng mga gerilya nang hindi nakikilala ng kanilang mga biktima.
gerilya
Ang mga MAKAPILI ay ang katuwang ng mga Hapon sa paghuli sa mga ____.
Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
Ano ang ibig-sabihin ng KALIBAPI?
Jose P. Laurel
Siya ang pangulo ng “Puppet Republic”
1943
Anong taon idineklara ng Japan ang “kalayaan” ng Pilipinas kung saan naging pangulo si Jose P. Laurel?
"magsilbing shock absorber"
Iginiit nina Laurel na napilitan lamang sila upang “______ ____ ________” o bawasan ang bagsik ng Hapon laban sa mga sibilyan.
Artemio Ricarte
Isang siyang dating Katipunero na matindi ang galit sa mga Amerikano. Naniniwala siyang ang Japan ang magpapalaya sa Asya mula sa Kanluraning imperyalismo. (Pan-Asyanismo)
pag-atake at pag-atras
Ang mga gerilya ay mga pangkat na gumagamit ng taktikang ito. Dahil dehado sa armas, ginamit nila ang kapaligiran, pananambang, at surpresang pagsalakay upang maisahan ang mas malakas na puwersa ng Hapon.
Vinzons Fighters for Freedom
Ano ang ibig-sabihin ng VFFF?
Wenceslao Vinzons
Siya ang nagtatag ng VFFF.
Camarines Norte
Saan itinatag ang VFFF?
Wenceslao Vinzons
Kilala bilang "Ama ng Aktibismong Pangmag-aaral." Pinangunahan niya ang pagbawi sa Daet mula sa mga Hapon.
Hunters Reserved Officers Training Corps (Terry’s Hunters)
Ito ang buong kahulugan ng ROTC.
Eleuterio "Terry" Adevoso
Sino ang nagtatag ng ROTC?
PMA, UP, UST
Mula saang mga paaralan ang mga kadete ng ROTC?
ROTC
Sila ang instrumental sa madulang pagpapalaya sa mahigit 2 000 bilanggo sa Los Baños, Laguna noong Pebrero 23, 1945.
Hukbong Bayan Laban sa Hapon
Ano ang buong kahulugan ng HUKBALAHAP?
HUKBALAHAP
Ito ang pinakamalaking kilusang gerilya na binubuo ng mga manggagawa at magsasaka sa Gitnang Luzon.
200,000
Hanggang sa gaano karami umabot ang populasyon ng mga kasapi sa HUKBALAHAP?
25,000
Ang HUKBALAHAP ay nakapatay ng tinatayang ganitong karaming Hapones at kolaborador sa pamamagitan ng pagputol sa suplay ng pagkain at mga pananambang.
Ang mga "Amazonang Huk"
Ito ang kilusan ng mga babaeng nagsilbing mga espiya, mensahero, nars, at maging mga mandirigma.
Kumander Dayang-Dayang (Felipa Culala)
Ang kaisa-isang babaeng nahalal sa pinakamataas na pamunuan ng HUKBALAHAP.
Gitnang Luzon; 1942
Pinamunuan ni Felipa Culala ang matagumpay na pagsalakay sa ________ _____ noong ____.
Battle of the Pockets
Malaki ang papel ng mga Igorot dito sa Bataan.
Igorot
Nagsilbi silang "mata" ng mga tankeng United States Armed Forces in the Far East (USAFFE) sa masukal na gubat.
2,000
Habang nasa ibabaw ng tangke, ang mga Igorot ang nagbibigay ng direksyon at pumuputol sa mga sanga upang makadaan ang mga tropa, na nagresulta sa pagkalipol ng _____ Hapones.