Mapanuring Pagbasa, Pagdadalumat, at Mga Salita ng Taon

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/34

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Mapanuring pagbasa, mga teorya sa pagbasa, pagdadalumat, at mga terminolohiya mula sa Sawikaan at Ambagan.

Last updated 12:43 AM on 10/3/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

35 Terms

1
New cards

Ano ang kahulugan ng "Jueteng lord" ayon sa talaan ng mga salitang may kaugnayan sa huweteng?

Tumutukoy ito sa pinakamataas na tao sa herarkiya ng operasyon ng huweteng.

2
New cards

Ano ang ibig sabihin ng terminong "Juetengate"?

Tumutukoy ito sa malawakang kasong pagtanggap ng suhol.

3
New cards

Ano ang kahulugan ng "Huweteng intelehensya"?

Tumutukoy ito sa suhol ng mga opisyal ng gobyerno.

4
New cards

Ano ang ibig sabihin ng salitang "Dengvaxia" na isinulong nina RalphFonte at AriSantiago noong Sawikaan 2018?

Bakuna laban sa dengue na naging kontrobersiyal nang aminin ng Sanofi Pasteur na may malalang epekto ito at nagkakaimpeksyon.

5
New cards

Paano binigyang-kahulugan ni Schedar Joson ang salitang "DDS" noong 2018?

Nangangahulugang "Davao death squad" na ginamit na pangangampanya ng "Duterte Diehard Supporters" noong 2016.

6
New cards

Ano ang kahulugan ng salitang "DILAWAN" noong 2018?

Pangungutya sa yellow crowd, o mga tagasuporta ng pamilya Aquino at ng Liberal Party.

7
New cards

Ano ang kahulugan ng "FAKE NEWS" ayon kay Danilo Arao noong 2018?

Tawag ng mga tao sa tunay na balita na hindi nila gusto.

8
New cards

Ano ang kahulugan ng "FEDERALISMO" sa mga nakatalang salita noong 2018?

Isang sistema na naghahati ng kapangyarihan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan na isinusulong ng administrasyong Duterte.

9
New cards

Sino ang tinutukoy na "FOODIE"?

Taong mahilig kumain o mahilig sumubok ng mga bagong putahe at kadalasang kinukunan ng litrato ang kanilang pagkain.

10
New cards

Ano ang kahulugan ng petisyong "QUO WARRANTO" ayon kay Aileen Sicat?

Petisyong kumukwestiyon sa kwalipikasyon ng opisyal sa isang posisyon.

11
New cards

Ano ang ibig sabihin ng batas na "TRAIN"?

Tax Reform for Acceleration Inclusion Law, isang batas na nagbaba ng income tax rate pero nagpataw ng buwis sa ilang produkto at serbisyo.

12
New cards

Ano ang kahulugan ng salitang "TROLL" sa social media?

Social Media User na nag-iinis o nanghahamon para sumagot nang pagalit ang nagpost o iba pang nagbabasa.

13
New cards

Ano-ano ang limang komponent ng pagbasa batay sa akronym na A, K, P, B, K?

Atityud o Motibasyon, Katatasan sa Pagbasa, Pag-unawa, Bokabularyo, at Kamalayang Ponolohiko.

14
New cards

Ano ang kahulugan ng "Kamalayang Ponolohiko"?

Ang kakayahang kilalanin, unawain, at paglaruan ang mga tunog na bumubuo sa isang pasalitang wika.

15
New cards

Ano-ano ang apat na antas ng pagbasa batay sa akronym na PAMBANSANG (E, I, A, S)?

Pagbasang Elementarya, Pagbasang Inspeksyunal, Pagbasang Analitikal, at Pagbasang Sintopikal.

16
New cards

Ano ang pangunahing katangian ng Pagbasang Elementarya?

Ito ay primaryang antas na nakatali sa literal na kahulugan at sumasagot sa mga tanong na ano, sino, kailan, at saan.

17
New cards

Ano ang katangian ng Pagbasang Inspeksyunal?

Ito ay mapagsiyasat na antas ng mabilisang pagtukoy sa mga detalyeng nakapaloob sa babasahing akda.

18
New cards

Ano ang katangian ng Pagbasang Analitikal?

Kinukuha nito ang proposisyon, argumento, at mahahalagang terminong makikita sa teksto upang matukoy ang kahinaan at kalakasan ng akda.

19
New cards

Ano ang katangian ng Pagbasang Sintopikal?

Hindi lamang ito nakatuon sa iisang teksto dahil maaaring magbasa ang mambabasa ng iba't ibang tekstong may iisang paksa.

20
New cards

Ano-ano ang limang yugto ng pagbasa batay sa akronym na (B, P, P, E, A)?

Bago Magbasa, Pagbabasa, Pagtugon, Eksplorasyon, at Aplikasyon.

21
New cards

Ano-ano ang limang antas ng pag-unawa batay sa akronym na (L, L, I, A, A)?

Pag-unawang Leksikal, Pag-unawang Literal, Pag-unawang Interpretatibo, Pag-unawang Aplayd, at Pag-unawang Apektibo.

22
New cards

Anong mga tanong ang sinasagot sa Pag-unawang Interpretatibo?

Sinasagot nito ang mga tanong na Paano, Bakit, at Paano kung.

23
New cards

Ano ang ibig sabihin ng Analisis sa mapanuring pagbasa?

Pagtingin sa mga bahagi ng teksto upang matukoy ang mga umiiral na patern sa loob nito.

24
New cards

Ano ang ibig sabihin ng Interpretasyon sa mapanuring pagbasa?

Pag-unawa sa mga argumento ng awtor habang malay sa kontekstong kultural, historikal, at sa buhay ng awtor.

25
New cards

Ano ang ibig sabihin ng Ebalwasyon sa mapanuring pagbasa?

Pagbuo ng mga husga ukol sa intelektwal, kognitibo, estetiko, moral, at praktikal na halaga ng teksto sa konteksto ng tunggalian sa disiplina.

26
New cards

Ano ang sinasaad ng Teoryang Iskema sa pagbasa?

Ang bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskema ng mambabasa.

27
New cards

Ano ang proseso ng Teoryang Bottom-up?

Nagsisimula ang proseso sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up) sa pamamagitan ng pagkilala sa serye ng mga nakasulat na simbolo.

28
New cards

Ano ang proseso ng Teoryang Top-Down?

Nagsisimula ang proseso sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down), kung saan ang kaalaman ay nagmumula sa karanasan ng mambabasa.

29
New cards

Ano ang itinuturing sa Teoryang Interaktib?

Nagaganap dito ang interaksyon sa pagitan ng awtor-mambabasa at mambabasa-awtor kung saan mahalaga ang metakognisyon.

30
New cards

Ano ang kahulugan ng "dalumat" ayon kay Panganiban (1973)?

Kasingkahulugan ito ng paglilirip at ang katumbas sa Ingles ay "very deep thought", na tumutukoy sa malalim, masusi, at kritikal na pag-iisip.

31
New cards

Ano ang kahulugan ng "Pagdadalumat"?

Ang pagbuo o paggamit ng konsepto o ideya upang maipaliwanag ang relasyon ng mga bagay, sanhi at bunga ng mga pangyayari, at mga penomena sa lipunan at kultura.

32
New cards

Ano ang kahulugan ng "Dalumat-salita"?

Mataas na antas ng paggamit ng wika o pagte-teorya gamit ang maingat at kritikal na pagsusuri sa mga salita at konsepto.

33
New cards

Gaano kadalas ginaganap ang kumperensiyang Ambagan at ano ang layunin nito?

Ginaganap ito tuwing dalawang taon upang pagyamanin ang iba't ibang wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkonsulta sa gramatika, mga aralin, at kaalaman mula sa iba't ibang wika.

34
New cards

Ano-anong mga organisasyon ang nag-oorganisa ng proyekto ng Sawikaan?

Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT), Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

35
New cards

Ano-ano ang apat na pamantayan sa pagpili ng Salita ng Taon sa Sawikaan?

Kabuluhan, Pagsasalamin sa Lipunan, Lalim ng Saliksik, at Paraan ng Presentasyon.