AP Term Exam 1.1

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/41

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

flip this sub bro

42 Terms

1
New cards

Pakikibaka

tumutukoy sa iba’t ibang anyo ng pagtutol, pagtataguyod, at pagkilos ng mga tao upang makamit ang katarungan, kalayaan, at pagbabago ng lipunan.

2
New cards

Sa Antas Indibidwal

bawat Pilipino na tumutol sa pang aapi, kahit sa simpleng paraan, ay bahagi ng malawak na pakikibaka

3
New cards

Sa Antas Kolektibo

ang mga grupo, kilusan, at organisasyon na nagkakaisa para sa isang layunin ay nagpapalakas ng boses ng pakikibaka

4
New cards

Sa Antas Nasyonal

ang pakikibaka ay buong bansa para sa kalayaan at soberanya at nagbibigay hugis sa kamalayang Pilipino

5
New cards
  1. Armadong Pakikibaka

  2. Mapayapang Pakikibaka


Dalawang Pangunahing Anyo ng Pakikibaka

6
New cards

Armadong Pakikibaka

paggamit ng pisikal na lakas at sandatahang aksyon upang direktang harapin ang kaaway o umaapi. Ito ay karaniwang nangyayari kapag ang lahat ng mapayapang paraan ay naging walang saysay, at ang pang aapi ay naging labis na hindi matanggap

7
New cards

Himagsikan ng 1896

Pinamunuan ni Andres Bonifacio at ng Katipunan. Direktang labanan laban sa kolonyalismong Espanyol.

8
New cards

Paglaban sa mga Amerikano (1899)

Digmaang Pilipino/Amerikano sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo para ipagtanggol ang kalayaan.

9
New cards

Guerrilla Warfare vs. Hapones

Mga lihim na yunit ng paglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

10
New cards

Mapayapang Pakikibaka

gumagamit ng salita, sining, edukasyon, at organisasyon upang baguhin ang lipunan nang hindi gumagamit ng karahasan. Ito ay naglalayong baguhin ang mga batas, patakaran, at kaisipan ng tao sa pamamagitan ng maayos na pakikipag ugnayan.

11
New cards

La Solidaridad

Opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda na naglalayong baguhin ang patakarang Espanyol.

12
New cards

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

mga libro na nagbukas ng mata ng mga Pilipino sa katotohanan ng kolonyalismo.

13
New cards

Kilusang Propaganda (1880-1895)

isang mapayapang kilusan ng mga ilustrado o edukadong Pilipino na naglayong makamit ang reporma sa ilalim ng Espanya. Naghangad ng pantay na karapatan at representasyon sa gobyernong Espanyol

14
New cards

Katipunan at Sigaw ng Pugad Lawin

Dalawang Halimbawa ng Himagsikan noong 1896

15
New cards

Katipunan (1892)

Isang lihim na samahan na naglayong makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng armadong rebolusyon. Nagbunsod ito ng pinakamalaking kolektibong kilusan ng mga Pilipino laban sa Espanya. Itinatag ni Andres Bonifacio.

16
New cards

Sigaw ng Pugad Lawin

Simbolo ng determinasyon ng mga Pilipino pinunit ng mga kasapi ang kanilang mga cedula at sumigaw ng "Kalayaan!" isang makasaysayang sandali ng pagkakaisa at pambansang kamalayan.

17
New cards

Panlipunan

Isyung sa panahon ng Kolonyalismong Espanyol na ipinakilala ang sistema ng encomienda at barangay na napailalim sa kontrol ng mga Espanyol. Lumitaw ang bagong uring panlipunan ang ilustrado at principalia na may pribilehiyo kumpara sa karaniwang tao.

18
New cards

Sistema ng Tributo

ang sapilitang buwis na ibinabayad ng mga Pilipino sa mga Espanyol.

19
New cards

Galleon Trade (1565-1815)

ay nagpayaman sa Espanya ngunit hindi nagbigay ng sapat na benepisyo sa mga katutubo.

20
New cards

Polo y servicios

Ang mga Pilipino ay pinilit magtrabaho nang walang bayad sa pamamagitan ng ___________

21
New cards

Gobernador-Heneral

ang kapangyarihang politikal ay nasa kamay ng mga __________. na hinirang ng Hari ng Espanya.

22
New cards

Diskriminasyon at Pagkiling

Uri ng suliraning panlipunang na ang mga Pilipinong may katutubong dugo ay itinuring na mabababa kumpara sa mga Espanyol at mestizo.

23
New cards

Impluwensya ng Simbahan

Uri ng suliraning Panlipunan na ang mga prayle ay nagkaroon ng kapangyarihang pang-ekonomiya at panlipunan na nagdulot ng korupsyon at pang-abuso sa komunidad

24
New cards

Tributo at Polo y Servicios

Uri ng suliraning ekonomiko kung sapilitang buwis at libreng paggawa ang nagpahirap sa mga Pilipino. Marami ang namatay dahil sa sobrang pagod at mahirap na kondisyon sa mga proyektong Espanyol.

25
New cards

Kawalan ng Representasyon

Uri ng suliraning politikal kung hindi maaaring lumahok ang mga Pilipino sa paggawa ng batas. Ang lahat ng desisyon ay ginawa ng mga Espanyol para sa kanilang sarili

26
New cards

1937, plebisito

Ipinaglaban ng mga kababaihang Pilipino ang kanilang karapatang bumoto noong ______ ginamit ng ______, nagtagumpay sila at nakuha ang karapatang bumoto isang makasaysayang tagumpay ng pakikibaka ng kababaihan.

27
New cards
  1. Gabriela Silang

  2. Trinidad Tecson

  3. Mga Suffragette


Mga Natatanging Babae sa Pakikibaka

28
New cards

Gabriela Silang

Nang mamatay ang kanyang asawa, ipinagpatuloy niya ang armadong paglaban laban sa mga Espanyol sa Ilocos. Siya ay isang simbolo ng tapang at pagmamahal sa bayan.

29
New cards

Trinidad Tecson

Kilala bilang "Ina ng Kapampangan" at aktibong kalahok sa Himagsikan ng 1896. Naglingkod bilang nurse at mandirigma sa Katipunan.

30
New cards

Mga Suffragette

Ang mga babaeng nagmartsa at nagpetisyon para sa karapatang bumoto. Nagtagumpay sila noong 1937

31
New cards

Propaganda

Ginamit ng mga Hapones ang _________ upang kumbinsihin ang mga Pilipino na sila ay "kapatid" sa ilalim ng "Greater East Asia Co-Prosperity Sphere."

32
New cards

Mickey Mouse money

ang pera na inilabas ng Hapon ay halos walang halaga, na nagdulot ng matinding implasyon at ekonomikong kaguluhan sa bansa.

33
New cards

Puppet government

Tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Hapones na may anyong malaya ngunit kontrolado ng dayuhang kapangyarihan

34
New cards

Guerrila Movement at Intelligence Network

Paglaban ng mga Pilipino sa Pananakop ng Hapon

35
New cards

Guerrilla Movement

Sa kabundukan at kagubatan, libo libong Pilipino ang sumali sa units mga lihim na grupo ng mga mandirigma na patuloy na lumalaban sa Hapon.

36
New cards

Hukbalahap

Kabilang dito sa Guerilla movement ang mga ____________ sa Gitnang Luzon at iba pang panlalawigang grupo na nagtulungan sa mga Amerikanong sundalo.

37
New cards

Intelligence Network

Nagtalaga ang mga Pilipino ng mga espiya at tagapagtubos ng impormasyon upang matulungan ang mga Allied Forces sa pagbawi ng Pilipinas.

38
New cards
  1. Ang Pagtatago ng mga POWS

  2. Bataan Death March

  3. Pakikiisa ng Simbahan


Mga Simbolo ng Paglaban

39
New cards

Ang Pagtatago ng mga POWS

Maraming Pilipino ang nagkubli ng mga bihag na Amerikanong sundalo sa kanilang bahay, na naglalagay ng kanilang buhay sa panganib.

40
New cards

Bataan Death March

Kahit sa harap ng pagdurusa, ipinakita ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ang tibay ng loob at pagkakaisa.

41
New cards

Pakikiisa ng Simbahan

Ang ilang pari at relihiyoso ay nagbigay ng kanlungan at tulong sa mga nangangailangan at mga lumalaban sa Hapon.

42
New cards

Kamalayang Pilipino

Malalim na pag-unawa at pagkilala ng mga mamamayan sa kanilang pagkakakilanlan, kasaysayan, at pagiging bahagi ng isang bansa