PANTAO O PANGKAMI
- ang wika ay banyaga at hindi naiintindihan ng nakararami sa lipunang pilipino
- ang tendensiya ay tingnan ang ating bansa bilang obheto/paksain ng pag-aaral mulas alabas
PANTAYONG PANANAW
PANTAYO "tayong mga pilipino"
- kinakausap mo ang iyong bayan tungkol sa inyong bayan
- tinatawag ring closed circuit
PANGKAMI "kaming mga Pilipino"
- kinakausap mo ang ibang bayan tungkol sa iyong bayan
- kinakausap na ang mga banyaga para ipaliwanag ang mga pilipino
- "kaming mga pilipino ganito, ganyan"
- ginagamit na ng perspektibo ay ung hango narin sa labas sinusubukan nilang ilapat sa atin sa mga pilipino para masmaintindihan nung mga taga labas
- ganito ang ginamit na perspektibo nila jose rizal para ipaliwanag ang ating kalinangan
PANSILA "silang mga Pilipino"
- kinakausap mo ang iyong bayan tungkol sa ibang bayan
- mga propagandista o mga ilustrador na pinaliwanag sa mga kastilla ang kalinangan ng mga pilipino
- para tukuyin ang paglalarawan sa mga pilipino
PANGKAYO "kayong mga pilipino"
- kinakausap mo ang ibang bayan tungkol sa kanilang bayan
- tinitignan na kapag mga kastilla nakikipagusap sa mga indio, gumagamit na ng pangkayong pananaw, binabanggit na nila ang pagtingin nila satin ng deretso doon sa bayan na kinasasangkutan
*dahil sa kolonyalismo, unting unti nawala ang kabuuan ng maraming mga grupong etnolingguwistiko
* ang kasalukuyang nasyong "Pilipino" ay walang pantayong pananaw
* kapilipinuhang may kasarinlan at kakanyahan
* nawala ito dahil sa mga ilustrador na nagtayo ng ating gobyerno, na dahil nagaral sila sa ibang bansa, ayun na ang gagamitin nilang mga perspektibo at hindi na yung galing sa atin
PANTAYONG PANANAW SA KASAYSAYAN
- bago makaugnay ang kastilla noong ikaw-16 dantaon, wala pang iisang pantayong pananaw ang mga grupo sa pilipinas
- ang nasyon ng pilipino ay nabuo lamang sa pagsusumikap ng mga elit na tinawag ring "mga akulturadong grupo ng tao"
- may sari sariling pantayong pananaw ang mga etnolingguwistiko, pero walang kabuuang pantayong pananaw
AKULTURADONG GRUPO
- mga ladino nakakuha ng wika, pantingin, at pananaw sa panlabas at sapilitang in-apply sa atin
- nagkaroon ng obligasyon na may gampanin tayong magkaroon tayo ng isang nasyon
* sila ay nagsimula sa isang grupong panlipunan na tinawag na Ladino o silang mga nakapag aral ng salitang kastila
* ang pagkakatago at pagkakahalo ng kultura bilang resulta ng pagkakasalin ng mga katutubong konsepto
"kayo ay mga indio lamang, at lahat ng nalalaman ninyo ay utang ninyo sa amin, sapagkat ang kasaysayan ng inyong bayan ay may dalawang bahagi lamang: una, ang panahon nang hindi pa kayo kristiyano at hindi pa kayo sibilado. pangalawa, nang dumating kaming mga kastilla upang idulot sa inyo ang liwanan g sibilsasyon at relihiyong kristiyano"
- sinasabi ng kastilla ukol sa atin. kaya maganda rin na sinusubukan tulad nila zeus salazar na punuhin ito
* malaking porsiyento ng Pilipino ay mayroon pa ring pantayong pananaw
* ang natirang maliit na porsiyento na mga elite ay nagpasakop sa sistemang kolonyal na pangkaming pananaw
* ayon kay rizal, sisikat pa rin ang kabihasnang Pilipino kapag nawala na ang mga kastila
* dumating ang sibilisasyong europeo na ginamit lang ang ating kabihasnang pambansa na pabor sa wika at konseptong banyaga
DAMBUHALANG PAGKAKAHATING PANGKALINANGAN
kultura at lipunnan ng akulturadong elite na ang wika ay ingles-amerikano
===================
kalinangan-at-lipunan ng bayan na ang pangkalahayang wika ng ugnayan ngayon ay ang tagalog
- sanhi ng pagkakahiwalay ng mga pilipino sa diwa at paguugali
"Ang Bayan at Hindi Lugar Kundi ang mga Tao Mismo"
PAGKAKAIBA NG MGA TERMINOLOHIYA
Pantayong Pananaw
- buong diskursong pangkalinagan o pangkabihasnan
- pagkakaisa ng isang grupo ng taong may sariling wika at kultura
Kulturang nasyonal
- pinakapananaw ay pangkami
====================
Kulturang nasyonal
- instrumento ng dominasyon
- pagpapatuloy ng kulturang kolonyak
kalinangang bayan
- nakaugat sa mga kalinangan ng mga grupong etnolingguwistiko
=====================
ang panimulang hakbang tungo sa pagbuo ng kabihasnang pambansa na may pantayong pananaw
- bago sa sistema ng edukasyon
- pagsasa-pilipino ng pagtuturp, pananaliksik, at paglalathala