O

Aralin 1-3 side lessons

Tula

  • Ay isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami

Ang sining ng pagtula

  • Inuri ang mga tula ayon sa estilo o pamamaraan ng mga makata sa kanilang pagpapahayag ng ideya, damdamin, at imahinasyon. 

Jose villa panganiban

  • Ang nagsulat mga sining ng pagtula.

Fernando G Monleon

  • Isa ring makata at kritiko ay bumuo ng kanyang sariling pag-uuri-uri ng tula na ibinatay niya sa una, ayon sa kaanyuan nito; ikalawa, ayon sa kayarian; ikatlo, ayon sa layon; at ikaapat, ayon naman sa kaukulan.

Tulang Liriko o Pandamdamin

  • Sa uri ito ng tula ay itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kayang pagbubugay-bulay

  • Pinakamatandang uri ng tulang isinulat ng mga makata sa buong daigdig

  • Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko

Uri ng tulang liriko

Ang awit (dalitsuyo)

  • Ang paksa niyo ay nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig. 

  • Ang kundiman o awit tungkol sa pagibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag ng pag-ibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga

Ang pastoral (Dalitbukid)

  • Layunin nito ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid

Ang oda (Dalitpuri)

  • May kaisipan at estilong higit na dakila at marangal

  • Wala itong tiyak na bilang ng pangitg o kaya’y tiyak na bilang ng mga taludtud sa isang taludturan 

Ang dalit (Dalitsamba)

  • Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos

Ang soneto (Dalitwari)

  • Ito ay tulang may labing-apat na tuludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan. Ang sumusnod namang mga saknong ay nagsasaad ng katuturan at kahalagahan ng sinasabi ng walong unang taludtud. 

Ang elehiya (Dalitlumbay)

  • Ang tulang iyo ay mag dalawang katangiang pagkakakinlanlan. Una, ito ay isang tula ng pananangis lalo na sa pag-alala sa isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi ay mapagmuni-muni. 

Tulang Pasalaysay

  • Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtud 

Uri ng Tulang pasalaysay

Ang Epiko (Tulabunyi)

  • Ito ang pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng mga tulang salaysay na ang mga pangyayari at kawilihan ay napipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib at kagipitan. 

Tulasinta (Metrical Romance)

  • Ito ay tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibigan ng epiko. 

  • Ang tulang ito ay lumalaganap sa Europa sa apgitan ng ika-11 at ika - 14 na dantaon.

  • Tumutukoy sa mga pakikipagsapalarang puno ng mga hiwaga at kababalaghan

Tulakanta (Rhymed or Metrical Tale)

  • Kapag ang tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na tulakanta

  • Ang pangunahing tauhan nito ay pangkaraniwang nilalang lamang

Tulagunam (Ballad)

  • Ito’y isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao’y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at isang paraang payak at tapatan.

Tulang Dula

  • Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan

Uri ng tulang dula

Tulang dulang mag-isang salaysay

  • Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapuran ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi gayundin para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula. 

Tulang dulang liriko-dramatiko

  • Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilot, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan.

Tulang dulang katatawanan

  • Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawatawa; may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang; at nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos

Tulang dulang kalunos-lunos 

  • Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana.

Tulang dulang madamdamin

  • Ito ay isang anto ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao.

Tulang dulang katawa-tawang-kalunos-lunos

  • Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos

Tulang dulang parsa

  • Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayari lubhang katuwa-tuwa

Tulang Patnigan

  • Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit jhindi sa paraang padula

  • Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga tlaino at tulain. 

Uri ng tulang patnigan

Karagatan

  • Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao

Duplo

  • Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katriwang ginagamit dito ay karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan

Balagtasan

  • Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de mujeres sumilang ang uring ito ng panulaang tagalog.

Batutian

  • Pagpaparangal sa yumaong Jose Corazon De Jesus ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang pagnigan noong toang 1933 sa mga dahon ng Magasing Batute sa panulat at panukala ni G. Fernando B Monleon na katulong na patnugot noon sa nasabing magasin.

Jose Corazon De Jesus

  • Pagpaparangal sa yumaong ito ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang pagnigan noong 1933.

G. Fernando B Monleon

  • Gumawa ng panulat at panukala nna katulong na patnnugot noon. Ang mga dahon ng Magasing Batute na ito ay ginamit nni Jose Corazon De Jesus.