Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Pilipinas
Pagsisimula ng Pagsasaling Wika
- Nagsimula noong panahon ng Kastila upang mapadali ang pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romano.
- Layunin: Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
- Mga materyales na isinalin:
- Katesismo
- Akdang Panrelihiyon
- Dasal
Pananakop ng Kastila: Mga Impluwensya
- Paghalili ng Alpabetong Romano sa Baybayin.
- Pagturo ng Doctrina Cristiana.
- Paging bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita mula sa Kastila.
- Pagdala ng ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo (awit, corido, moro-moro).
- Pagsinop at pagsasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain.
- Paglalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino (Tagalog, Ilokano, Bisaya).
- Pagkakaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda.
Mga Unang Aklat
- Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
- Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose
- Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja
- Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia)
- Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)
Mga Akdang Pangwika
- Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
- Compendio de la lengua Tagala
- Vocabulario de la Lengua Tagala
- Vocabulario de la Lengua Pampango
- Vocabulario de la Lengua Bisaya
- Arte de la Lengua Bicolana
- Arte de la Lengua Iloka
Mga Dulang Panlibangan
- Tibag
- Lagaylay
- Sinakulo
- Panubong
- Karilyo
- Moro-moro
- Duplo
- Kurido
- Saynete
- Karagatan
- Sarswela
Quintilla
Ito'y patungkol sa papanampalataya.
Mga Salin sa Tagalog ng mga Akdang Panrelihiyon
- Hinalaw ng mga awtor sa isang lathalain ng dating Surian ng Wikang Pambansa
- Teodoro A. Agoncillo (nagtipon), Maynila 1953
- Amezquita, Luis Troy Predicador “Catesismo ng Pinaglaanan nang mga Pangadyi at Maikling Casayayan na Dapat Pagaralan ng Taong Cristiano”
- Angeles, Roman de los “ Buhay ni Sta. Maria Magdalena’
- Benchuchillo, Francisco” Caragliang Pagsasalita nang Aral na Maganda ni Sta. Rita de Casa”
Unang Yugto sa Kasiglahan ng Pagsasalin ng Wika
- Sa koleksyon ni Agoncillo, may 209 na “Religious Works” na karamihan ay salin o adaptasyon mula sa mga manuskripto, pamplet, at aklat na orihinal na isinulat sa Wikang Kastila.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Amerikano
Mga naitala noong 1925:
- Maikling nobela: 10
- Maikling kwento: 109
- Drama: 19
- Nobela: 87
- Tula: 51
- Panrelihiyon: 109
Pumalit ang Amerika bilang mananakop ng Pilipinas.
Ilan sa mga salin mula kay Agoncillo:
- Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” (mula sa “Lucha de Razas” ni Bradon, sa Taliba, 1912)
- Mariano, Patricio, “Mga Alamat” (mula sa “El Filibusterismo” ni Jose P. Rizal, MULING PAGSILANG 1904)
- “Natapos na ang lahat” (ibinatay sa “Anna Karenina” ni Tolstoy, Maynila: Labor Press, 1923)
- Maderal, Ursula Q. “Isang Araw na Maulan” (mula sa “The Rainy Day” ni Henry Wadsworth Longfellow, TALIBA, Okt.21, 1920)
Pinalaganap ang edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.
Hindi tuwirang pagsalin.
- Halimbawa ng mga naisaling akda:
- Alejandro, Rufino “Rubaiyat at Oedipus” ((mula sa “Rubayat at Oedipus” ni Omar Khayyam; Maynila: MCS Enterprises 1972)
- Panganiban, Jose Villa. “Julio Cesar” (mula sa “Julius Ceasar” ni Shakespeare, San Juan, Rizal: Limbagang Pilipino, 1968)
- “Kwento ng mga Engkanto” (halaw sa “Grimm’s Fairy Tales and other stories”; Maynila:PBC, 1951)
Proyekto ng National Book Store noong 1971
- Si Pusang Nakabota (Salin ng kwentong Puss n’ Boots)
- Si Jack at ang Puno ng Bitswelas (Salin ng Jack and the Beanstalk)
- Ang Natutulog na kagandahan ng (The Sleeping Beauty)
Children’s Communication Center
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan
Pagsasalin sa Filipino ng mga Materyales Pampaaralan na Nasusulat sa Ingles.
Department Order No. 25 s 1974
Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education
- Pilipino bilang midyum sa asignaturang:
- Edukasyong Pangkalusugan (Health Education)
- Araling Panlipunan (Social Studies)
- Agham Panlipunan (Social Science)
- Edukasyong Panggawain (Work Education)
- Edukasyong sa Wastong Pag-uugali (Character Education)
Department Order No. 52 1987
- Inirebisa ang Department Order No. 25 s 1974 noong 1987 Sa pamamagitan ng Department Order no. 25 s 1974.
- Higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.
- EDCOM (Educational Commission) - Filipino na ang wikang panturo sa Elementarya at sekundarya sa pagsapit ng 2000.
Mga Halimbawa ng Pagsasalin
- Almanzor Teresita, et al "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng ikaapat at ikalimang bahagi ng A Programmed Introduction to Linguistics ni Cynthia D. Buchahan" PNC, 1971
- Cailles, Isidro S. "Pagsasalin sa Pilipino ng Elementary Science IV: A Curriculum Guide for Teachers" PNC 1970
- Castillo, Felicidad B. “Isang pagsasalin sa Pilipino ng Revised Program of the Girl Scouts of the Philippines” PNC, 1972
- Cruz, Araw A. De la. "Pagsasalin sa Pilipino ng Ikatlong kabanata ng Tagalog Reference Grammar" PNC, 1968
- Duarte, Benefrida M. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Unang Bahagi ng A Programmed Introduction to Linguistics ni Cynthia Buchanan," PNC 1971
- Fajardo, Virginia J. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide in Home Economics for Grade VI Mula sa Unit VIII hanggang Unit XIII" PNC 1971
- Gaela, Marciano “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide in Good Manners and Right Conduct for Grade VI Mula sa Unit XIV hanggang Unit XXVI,” PNC 1970
- Garcia, Lilia E. G "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide in Good Manners and Right Conduct for Grade VI Mula sa Unit XXVII hanggang Unit XXXIV" PNC 1970
- Gregorio, Consuelo T. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teacher's Guide in Home Economics for Grade V, Mula sa Unit I Hanggang Unit VI," PNC, 1971
- Iral, Sabina J. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide in Good Manners and Right Conduct for Grade V Mula sa Unit XXVI hanggang Unit XXXVIII,” PNC 1970
- Laguna, Rachel C. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Dulang Educating Josefina ni Lila A. Villa,” PNC, 1970
- Leon, Luisa de M. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide in Health Education for Grade III Mula sa Unit I hanggang Unit XII," PNC 1970
- Lontok, Rolando L. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng mga katawagan sa Araling Panlipunan sa ikalima at ikaanim na Baitang," PNC 1972
- Manalili, Maria C. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide in Home Economics for Grade Five, Mula sa Unit VII hanggang Unit XII," PNC 1971
- Agustin, Merlita “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Music Guide for Grade II PNC,” 1972
- Canputolan, et al "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Behavioral Objectives for the Science Units in Grade IV" PNC 1972
Ikaapat na Yugto ng kasiglahan
Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di- Tagalog
Pagsasalin sa Ibayong-dagat
- Ika-limang yugto sa pag-sasaling wika
- Sa panahon ngayon sa wikang Ingles (Afro-Asian Literature) ang midyum na ginagamit dahil ito palang ang mayroon (available) noon
- Translation Project
- NCCA (National Commission on Culture and Arts)
- P.E.T.A (Philippine Education Theatre Association)
- Komisyon sa Wikang Filipino
- Sila ang nangunguna at syang kinikilala sa larangan ng pag- sasaling-wika sa pilipinas
- Inihayag rin ng Punong Komisyoner: Ponciano B. P. Pineda, “Ang pagsasaling-wika pala dito sa Pilipinas ay musmos na musmos pa."
Pagsasaling-Wika: Sining o Agham?
Pagsasaling-wika Bilang Agham -Eugene A. Nida-
- “…though no one will deny the artistic elements in good translating, linguist and philologists are becoming increasingly aware that the processes of translation are amenable to rigorous description.”
- Linggwistika = “descriptive science”
- Paglilipat ng mensahe mula sa PW sa TW = siyentipiko o makaagham na paglalarawan
- Napag-aaralan nang husto ang kanyang ginagawa upang mapahalagan ang makasining na aspeto ng pagsasalin
Pagsasaling-wika Bilang Sining - Theodore Savory
- “The contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have had much experience of the work of translating; there may be others who will not so readily agree (but) a sound method is to compare the task of translating in all its forms with universally acknowledged arts of painting and drawing. They will be found to be parallel, step by step.”
- Ayon kay Savory, Sa pagpipinta, ang maling kulay, o laki ng isang guhit ay katumbas ng isang maling salita sa pagsasaling wika.
- Kapag ang isang tula ay isinalin sa karaniwang tagapagsalin sa paraang tuluyan, katulad lamang ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na hindi naging matapat sa orihinal na larawan.
- Gayunpaman, ang isang bihasang tagapagsalin ay maaaring makagawa ng isang saling tuluyan nang hindi nawawalang lubusan ang himig o “musika” ng orihinal at maihahalintulad ito sa mga bihasang pintor.
- Ang pagsasaling wika ay isang sining. At bilang isang sining, hindi ito madaling gawain.
- Ang isang tagapagsalin ay laging nakukubli sa anino ng awtor; hindi napapansin.
- …(T)he translator's task is much harder than that of the original author. When the latter seeks a word with which to express a thought or describe an experience, he has available many words in his own language, and can without great difficulty or delay choose the one that suits him best and pleases him most. The translator of the word thus chosen has to decide on the nearest equivalent, taking into consideration the probable thoughts of the author's readers and of his own readers, and the period of history in which the author lived.
- Ang isang manunulat ay may lubos na kalayaang pumili ng mga salitang gagamitin upang ipahayag ang diwang ibig niyang isatitik. Samantala, ang isang tagapagsalin ay masasabing “nakatali” sa kahulugan ng bawat salitang napili ng awtor. Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa pagbibigay ng katumbas na salitang magiging angkop na angkop… sa akdang isinalin” Sa madaling salita,
- Anupa’t kung babalikan natin ang tanong kung ano ang pagsasaling wika (sining o agham?), alinman ang kilingan ng mambabasa o mag-aaral sa dalawa, ang mahalaga sa lahat ay ang mga kaisipang mapapasa mag-aaral tungkol sa isyung ito upang makatulong sa pagsasagawa ng salin.