NE

DISASTER MANAGEMENT

DISASTER MANAGEMENT

ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. –Carter 1992

*Hindi lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management plan

---mamamayan at ang pampribado at pampublikong sektor

ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. -Ondiz at Rodito (2009)

Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna.

Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008).

1. Hazard -banta na maaring dulot ng kalikasan o ng tao na maaaring maging sanhi ng pinsala sa buhay, ari-arian at kalikasan.

1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.

1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan

Halimbawa : bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide.

2.Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya

Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard.

3. Vulnerability – tumutukoy sa kahinaan ng tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.

Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan.

Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales.

4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.

5. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

a. Istruktural - ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay

b. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.

Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework

Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin:

1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad

2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard

National Disaster Risk Reduction Framework

binibigyang diin ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard

Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM).

Ano nga ba ang Community Based-Disaster and Risk Management?

Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan

Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao

Ulat ng WHO (1989) tungkol sa CBDRM Approach

Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang:

(1) mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad;

(2) maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at

(3) ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad

Kahalagahan ng CBDRM Approach

-Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan

Disaster-resilient na pamayanan - isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran

Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa konsepto ng bottom-up approach kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.

Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.

Katangian ng Top-down Approach

1. Ipinapaubaya sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng mga gawain tulad ng pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Halimbawa: Ang isang barangay na nakaranas ng sakuna at kalamidad ay aasa lamang ito sa tulong at desisyon na Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan.Kung ang buong bayan o lungsod naman ang nakaranas ng kalamidad ang paraan ng pagtugon ay nakasalalay sa paraan na ipatutupad ng lokal na pamahalaan.

2. Karaniwan ang sistemang ito ay laging binabatikos at nakatatanggap ng mga kritisismo sa kadahilanang napapabayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng epekto ng kalamidad at kadalasang hindi naibibigay ang mga pangangailangan ng mga tao.

3. Kadalasan ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano kung kaya’t limitado ang pagbuo sa disaster management plan.

4. Ang mga karanasan, pananaw at pangangailanagan ng mga mamamayan ay hindi rin nabibigyan ng pansin. Sa kabuuan, nagiging mabagal ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sanhi ng hindi pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga patakaran at hakbangin na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad.

Kahinaan ng Top-down Approach

1. Tila hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad.

2. nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan dahil sa hindi pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan

Katangian ng Bottom-Up Approach

1. Ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa isang pamayanan ay nagmumula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng pamayanan.

2. Ang pamumuno ng lokal na pamayanan ang pangunahing kailangan para sa grassroots development kasama na ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGO’s.

3. Nabibigyan ng pansin ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang grupo sa isang pamayanan na makatutulong sa paglaban sa mga hazard at kalamidad.

4. Ang karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang nagiging pangunahing batayan ng plano.

5. Ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ay isa sa mga salik upang maipagpatuloy ang matagumpay na bottom-up approach.

6. Kailangan ang maingat at responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal.

7. Ang matagumpay na bottom-up strategy ay natatamo dahil sa malawakang partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at pagbuo ng desisyon

Panfilo Lacson – siya ang rehabilitation czar ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda

Mga bansa sa Asya na gumagamit ng Bottom-up Approach - Laos, East Timor, Indonesia, at India

National Disaster Coordinating Council (NDCC) - kilala ngayon bilang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) - nabuo upang mabawasan at mapagapan ang panganib na dulot ng kalamidad.

--kasapi sa proyektong “Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA) Phase 4 (2008). Layunin ng programang ito na maturuanang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Management Plan

Community Based Disaster Risk Management Plan - Mahalaga ang proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng sapat na kaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan

Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) -nagbibigay ng mga update tungkol sa mga paparating na bagyo at sama ng panahon.

DepEd Order No. 37 s. 2022 – ginagamit ding basehan sa kanselasyon ng klase

Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-namamahala sa mga kalagayan ng mga bulkan, paglindol at mga tsunami.

Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas o Philippine Information Agency (PIA) -nagbibigay ng mga kaalaman at anunsiyo tungkol sa mga kilos-pansagip at pantulong lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.

Tanod Baybayin ng Pilipinas (Philippine Coast Guard ) - sakop nito ang pagbibigay ng babala sa

mga biyaheng pandagat kasama na ang operasyong pansagip at paghahanap ng mga nawawalang biktima dulot ng pananalantang baybayin. Sinisiguro nito ang kaligtasang pandagat.