Filipino 1st quarter 📚

Denotatibo – literal na kahulugan; mula sa diksyunaryo

Konotatibo – di-literal; may damdamin o kaugnay na ideya

Maikling Kwento
  • Isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng isang mahalagang pangyayari.

    • Kuwentong Makabanghay - Uri ng maikling kuwento na naka-pokus sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari (plot).

Mga Bahagi ng Banghay:
  1. Panimula – Pagpapakilala sa tauhan at tagpuan

  2. Saglit na kasiglahan – Simula ng suliranin

  3. Kasukdulan – Pinakamataas na bahagi ng tensyon

  4. Kakalasan – Unti-unting pagresolba ng suliranin

  5. Wakas – Katapusan ng kuwento

Mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari:
  • Una, ikalawa, pagkatapos, kasunod nito, sa huli

  • Nang maglaon, pagkalipas ng ilang sandali, maya-maya

  • Noon, ngayon, pagkatapos ng…

Paghatol (Paghusga)
  • Pagbibigay ng sariling opinyon, desisyon, o pasya batay sa ebidensya.

Pagmamatuwid (Pangangatwiran)
  • Pagbibigay-linaw o katuwiran upang ipaglaban ang opinyon o panig.

Iba’t ibang uri ng pang aabuso:
  1. Pisikal na pang-aabuso

  2. Emosyonal na pang-aabuso

  3. Sekswal na pang-aabuso

  4. Berbal na pang-aabuso

  5. Pinansyal na pang-aabuso

  6. Mental o sikolohikal na pang-aabuso

  7. Digital na pang-aabuso

“Tahanan ng isang sugarol”
  • Isinalin ni Rustica Carpio

    • Li Hua - Ina ng tahanan, biktima ng pananakit ng asawa

    • Lian Chio - sugarol at marahas na lalaki

    • Ah Yue - Anak na babae nila Li Hua

Kapayapaan
  • Hindi lamang ang kawalan ng giyera o labanan, kundi ang pagkakaroon ng tahimik at payapang kalooban.

    • Puting Kalapati (Judaism, Kristiyanismo, Islam) – Simbolo ng kapayapaan.

    • Nagsisilbing paalala ng tungkulin ng tao bilang tagapaghatid ng kapayapaan sa mundo.

Tula
  • Akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay.

  • Hinango sa guni-guni, ipinapahayag sa masining at may diwang pananalita.

  • Layunin: pukawin ang damdamin ng mambabasa.

    • Taludtod – Isang linya sa loob ng saknong.

    • Saknong – Kalipunan ng mga taludtod.

Elemento ng Tula
  • Sining o Kariktan – Ganda ng pagpapahayag.

  • Sukat – Bilang ng pantig sa bawat taludtod.

  • Tugma – Pagkakatulad ng tunog sa dulo ng taludtod.

  • Talinghaga – Masining at malalim na pagpapakahulugan.

  • Larawang-diwa – Mga imaheng binubuo sa isipan.

  • Damdamin – Emosyon o pakiramdam na nais ipabatid ng tula.

Jalur Gemilang (“Stripes of Glory”)
  • Pambansang watawat ng Malaysia.

  • Sumisimbolo sa pagkakaisa, kalayaan, at dangal ng bansa.

Dr. Usman Awang
  • Pambansang Alagad ng Sining (National Laureate) ng Malaysia.

  • Humanista Poet Laureate

“Tatlong Mukha ng Kasamaan”
  • Sanaysay ni U Nu at isinalin ni Salvacion M. Delas Alas

    • U Nu (Thankin Nu)

    • Unang punang ministro

    • Isinilang sa Wakema, Myaungmya District Myanmar ng Mayo 25, 1907

Tatlong Mukha ng Kasamaan
  1. Kasakiman

  2. Galit/Poot

  3. Kamangmangan

Tatlong bagay na hindi maiiwasan:
  1. Pagtanda

  2. Karamdaman

  3. Kamatayan

5 Katangian mula sa pagsilang
  1. Magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa kapaligiran

  2. Magpahalaga sa musika at awitin

  3. Magpahalaga sa pagkaing kanyang naibigian

  4. Makapag-uri sa iba’t ibang halimuyak

  5. Makapag-uring kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan

    • Padaythabin - punong kahoy na pinagmulan ng pangangailangan ng tao

3 Magandang Mukha ng Buhay
  1. Mayaman

  2. Matalino

  3. Magkaroon ng magandang ugali

Flag ng Japan
  • Nisshoku - sun mark flag

  • Hinomaru - circle of the sun

Tanka
  • Ika-8 na siglo, 31 na pantig, 5-7-5-7-7, 5 taludtod, ang tema ay ang pagkabigo, pag-ibig at pag-iisa

Haiku
  • Ika-15 na siglo, 17 na pantig, 5-7-5, 3 taludtod, ang tema ay kalikasan at buhay

Pagkakatulad (Tanka at Haiku):
  • Maikling tula

  • Umusbong sa bansang Hapon

  • May simbolismo

  • Nagpapahayag ng masidhing damdamin

  • Pinagsamang ideya at imahe

  • Nagsisimula sa paglalarawan ng lugar

Manyoshu
  • “Collection of Ten Thousand Leaves”

Matsuo Basho
  • Master of Haiku

Maikling Tula sa Pilipinas (Tanaga at Ambahan)
  • Tanaga

    • Napakataas sa wikang tagalog

    • Hitik sa talinghaga

    • May 4 na taludtod

    • May 7 na pantig sa bawat taludtod

  • Ambahan

    • Maindayog ang pagpapahalagang na may sukat at tugma

    • Walang tiyak na bilang ng taludtod

    • 7 pantig ang bawat taludtod

    • Isinasaawit na walang tiyak na tono

    • Matalinghaga ang mga salita na gamit

Hashnu, ang manlililok ng bato
  • Maikling kuwento galing Tsina

    • Manlililok > Hari > Araw > Ulap > Bato

Israel
  • Matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya

    • Jerusalem - tinatawag na promised land

    • Mataas ang pagpapahalaga sa pag-aaral, libre mula 5-18 taong gulang sa Jerusalem

Parabula
  • Hango sa Bibliya, tinatawag din na talinghaga, paraan ng pagsasagot ni Hesus sa mga tanong

    • Parabula ng Alibughang Anak (Lucas 15:11-32)

    • Tauhan:

      • Tatay

      • Panganay

      • Bunso

    • “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan”

Efeso 6:1-3
  • Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat.

  • “Igalang mo ang Iyong Ama at ina”. Ito ang unang utos na may