Lesson 1
Dula - isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghalsa tanghalan (enteblado/stage).
pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sapamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Hinahati ito sapamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
Sebastian - nagdabi na Ang dula ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano.
Tiongson - nagsabi na Ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal conflict.”
Casanova - nagsabi na katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula nasiyang pinag- ugatan ng mga unang anyo ng dula.
Memises - nagsabi na pagbibigay- buhay ng aktor sa mga pang- araw-araw napangyayari sa buhay ng mga Pilipino.
Bahagi ng Dula:
Yugto- ito ang bahaging ipinanghahati sa dula.
Tanghal- ito ay ipinanghahati sa yugto kung kailangang baguhin ang tanghalan.
Tagpo- ito ang paglabas- masok sa tanghalan ng mga tauhang gumanap sa dula.
Mga Unang Dula:
Wayang Purwa- (Bisaya) Kasaysayan ng pakikipagsapalaran ng isang sultan.
Bayok, Embayoka at Sayatan - (Muslim). Isang pagtatalong patula tulad ng balagtasan.
Tibaw – Tagalog Tungkol sa panliligaw at pamamanhikan.
Sangkap ng Dula:
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mgapangyayaring isinaad sa dula.
Tauhan – kumikilos at nagbibigay- buhay sa dula; dito umiikot ang mga pangyayari; bumibigkas ng diyalogo at nagpapadama sa dula.
Sulyap sa suliranin –ang halaga ng dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagayan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, laban sa kanyang paligid, laban sa sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula.
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian.
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliraninat pag-ayos sa mga tunggalian.
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilalang panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.
Elemento ng Dula:
Tema - ang pinakapamagat o pinakapaksa ng isang dula.
Iskrip - nakasulat na dula, banghay o plot na itinuturing napinakakaluluwa ng isang dula.
Karakter - ang mga aktor na gumaganap at nagsasabuhay sa mgatauhan sa iskrip.
Diyalogo - ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandataupang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Tanghalan - anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng isang dula.
Direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
Manonood - mga nakasaksi o nakapanood.
Eksena o Tagpo - ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
Uri ng Dula:
Komedya - kadalasang nakabatay sa mga tunay na buhay na mga karakter, mga nakatatawang karanasan sa buhay, o anumang uri ng sitwasyon na nakapagpapasigla; maaari ring sarcastic; karaniwang magaan sa kalooban at may maligayang pagtatapos.
Trahedya - isa sa pinakamatandang uri ng dula; ang tema ay isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay maaaring malalim ang epekto sa mga manonood. Ang mga ito ay bihirang magkaroon ng masayang pagtatapos.
Melodrama - soap opera; labis na nakaaapekto sa emosyon ng manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging nakaaakit ang mga karakter. Karaniwan nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter
Parsa - farce; gumagamit ng mga pinagrabe at nakatatawang sitwasyon na ang layon lamang ay magpatawa ng madla. minsan ay tinatawag din itong saynete
Saynete - Mga karaniwang ugali ang pinapaksa rito
Ang Dulang Panradyo - natatanging uri ng dula; tinig lamang ang maririnig ng mga gumaganap ang naririnig ng mga tao na kakaiba sa mga dulang itinanghal sa entablado o tanghalan. Mahalaga ang tinig dito at hindi ang panlabas na anyo ng isang tao. Ang mga ikinikilos ng mgaartista sa tanghalan ay isinasatinig ng mga gumaganap sa dulangpanradyo.
Pagpasok - Dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak nalugar na nasa tiyak na pag- iisip dahil ang unang impresyon nakanyan ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan.
Nobela - kathambuhay; mahabang kuwentong piksyon na nahahati sa iba’t ibang kabanata
mga pangyayari rito ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao, sumasakop ng mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tauhan.
Uri ng Nobela:
Nobela ng Pangyayari- ang diin ng pagkakasulat ay nasa mgapangyayari sa nobela
Nobela ng Tauhan- ang binibigyan ng diin sa nobelang ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan, ang mga hangarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ang binibigyan ng pansin.
Nobela ng Romansa- tungkol ito sa pag- iibigan o romansa.
Nobela ng Pagbabago- Sa nobelang ito, ang binibigyan ng diin ay ang layunin ng may akda o ang kaniyang mga hinahangad napagbabago sa lipunan at sa pamahalaan
Nobela ng Kasaysayan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may-akda. Inilalarawan dito ang mga bayaning nag-ambag ng kanilang pagtatanggol at pag- ibig sabayan.