TLE

Ekonomiks - Griyego na Oikos - tahanan
nomos - tagapamahala

Ito ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral ng matalinong paggamit ng limitadong yaman (smart use of limitid resources) upang matugunan ang walang katapusang kagustuhan ng tao.

EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM

-obserbasyon at pagtukoy ng suliranin
-pangangalap ng datos
-pagbuo ng hypothesis
-eksperimentasyon
-pagbuo ng konkulsyon

Maykroekonomiks - nakatuon sa pagpapasiya ng mga indibidwal at mga kompanya.

Makroekonomiks - nakapokus sa paraan ng pagpapasiya na ginagawa sa pamahalaan o sa bansa.

LESSON 2

Ang kakapusan o scarcity ay tumutukoy sa pagkalimitado ng pinagkukunang yaman o di-kasapatan ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. (Scarcity refers to the limited availability of resources or the insufficiency of products and services to meet the endless needs and wants of people.)

Ang economic goods ay tumutukoy sa mga produkto o serbisyo na may halaga o benepisyo (utility) sa isang lipunan.

Ang free goods kung saan ang mga bagay na pinatutungkulan ay kakikitaan ng kasaganahan (abundance), halimbawa ay hangin o sinag ng araw. Nagiging uyak (scarce) lamang ang isang bagay kung ito ay isang halimbawa ng economic goods.

KAKULANGAN - Ang sitwasyon kung saan nahihigitan ng pangangailangan ang dami ng produkto o serbisyo na handa sa isang tiyak na panahon. (The situation in which demand exceeds the quantity of goods or services available at a given time. or the availability of resources or the insufficiency of goods and services to meet the endless needs and wants of people.)

Palatandaan ng Kakapusan (signs of kakapusan or scarcity)
1. Pagkakaroon ng trade-off (A trade-off means giving up one thing in order to gain another.)
2. Patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin
3. Pagkaubos ng pinagkukunang yaman

Production Possibility Frontier
Ito ay isang grapikong paglalarawan sa iba’t- ibang kombinasyon ng mga produkto at serbisyo na maaaring likhain ng isang ekonomiya. (This is a graphic illustration of the different combinations of goods and services that an economy can produce.)

(problems) Mga Suliraning Dulot ng Kakapusan
1. Paglala ng Kahirapan
2. Tunggalian para sa pinagkukunang yaman (competition for resources)
3. Kawalan ng produkto o serbisyo sa pamilihan.

MGA PAMAMARAAN UPANG MALABANAN ANG EPEKTO NG KAKAPUSAN
1. Ipagpatuloy ang konserbasyon ng mga pinagkukunang yaman.
2. Gamitin ang teknolohiya.
3. Bumuo ng matalinong pagpapasiya. (smart decisions)

LESSON 3

PANGANGAILANGAN - Ito ay tumutukoy sa mga produkto o serbisyo na kahingian (requirement) ng isang tao upang mabuhay. Halimbawa nito ay ang pagkain, kasuotan, at tirahan.

KAGUSTUHAN - Ito ay binubuo ng mga produkto o serbisyo na nais o kahilingan ng isang indibidwal ngunit hindi naman kinakailangan upang mabuhay. Kabilang dito ang sasakyan, telepono, o kaya naman ay pabango.

HERARKIYA NG PANGANGAILANGAN

Ayon sa teorya ng motibasyon ng sikolohistang si Abraham Maslow, ang isang indibidwal ay may iba’t ibang pangangailangan na nakaayos sa herarkiya. Pinakikita nito na dapat matugunan muna ng isang indibidwal ang kaniyang pangunahing pangangailangan mula sa pangangailangang pisyolohikal bago siya dumako sa mas mataas na antas ng pangangailangan hanggang sa marating niya ang antas ng kaganapan ng pagkatao o self-actualization na nasa pinakatuktok ng herarkiya.

(According to psychologist Abraham Maslow's theory of motivation, an individual has various needs arranged in a hierarchy. This shows that an individual must first satisfy his basic needs, starting from physiological needs, before moving on to higher levels of needs until he reaches the level of personality fulfillment or self-actualization, which is at the top of the hierarchy.)

  1. Ang pangangailangang pisyolohikal ang itinuturing na pinakaunang antas sapagkat ito ay ang pangunahing kahingian para mabuhay ang tao. Binubuo ito ng mga pangangailangang biyolohikal upang kumilos nang maayos ang ating katawan. (air, food water, shelter)

  2. Ang pangangailangang pangkaligtasan at panseguridad ang nasa ikalawang antas. Mahalaga para sa isang indibidwal na siya ay malayo sa anumang uri ng kapahamakan upang mabuhay nang matiwasay. (safety and security to feel safer)

  3. Ang pangangailangan sa pakikipagkapuwa (social needs) ay tumatalakay naman sa pangangailangan ng isang indibidwal na maramdaman niyang siya ay bahagi ng isang pangkat (sense of belongingness).

  4. Ang pang-apat na antas sa herarkiya ay ang esteem needs. Ito ay tumutukoy sa pangangailangan ng isang indibidwal na magkaroon ng dignidad o halaga bilang isang tao. (selfworth)

  5. Nasa pinakatuktok ng herarkiya ang kaganapan ng pagkatao (self-actualization). Ayon kay Maslow, ito ang punto kung saan ang isang indibidwal ay narating na ang kaniyang pinakamataas na potensiyal bilang isang tao.

  1. basic needs

  2. safety and security

  3. sense of belongingness

  4. self-worth/ dignity

  5. self actualization

LESSON 4 - MGA SALIK SA PAGPILI BILANG ISANG MAMIMILI (factors in chossing as a buyer)

PERSONAL NA SALIK - Kabilang sa personal na salik ang edad, kasarian, at panlasa ng isang mamimili. Magkakaiba ang pangangailangan ng isang tao depende sa kaniyang edad at kasarian. (A person's needs will differ depending on their age and gender.)

SOSYO-EKONOMIKONG SALIK - Ang katayuang panlipunan ng isang indibidwal, ang kaniyang kita, o kaya’y uri ng trabaho na mayroon siya. Gayundin, dahil sa sosyo-ekonomikong salik, magiging magkaiba ang pangangailangan ng isang guro kumpara sa isang doktor, o kaya ng isang indibidwal na nagtatrabaho sa probinsiya at ng isang manggagawa na nagtatrabaho sa lungsod. (the needs of a teacher will be different compared to a doctor, basically depends on the occupation)

KULTURAL NA SALIK - Maaaring kabilang sa kultural na salik ang relihiyon, mga tradisyon, at paniniwala. Tumutukoy ang kultura sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat. Binubuo nito ang pangkalahatang perspektiba ng isang indibidwal na siyang nagiging gabay sa pagpili ng kaniyang pangangailangan. (It forms the overall perspective of an individual that guides the choices he makes to meet his needs.)

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI BILANG ISANG MAMIMILI (THINGS TO CONSIDER WHEN CHOOSING AS A BUYER)

  1. KAILANGAN KO BA ITO? - Baka naman naiimpluwesiyahan lamang ng mga kaibigan ang pagpapasiya sa pagbili o kaya naman ay nadidiktahan lamang ng ibang tao kahit hindi talaga angkop ang isang produkto o serbisyo para sa pansariling pangangailangan.

  2. KAYA KO BANG BILHIN ITO? - Mahalagang pag-isipan din kung may kakayanan ba na bumili ng mga bagay na pangangailangan o kagustuhan lamang. Kung hindi kayang bilhin ang isang bagay ngunit ito ay kinakailangan, alamin kung ano-ano ang mga paraang maaaring gawin upang mabili ito.

  3. KAPAKI-PAKINABANG BA ITO? (is it useful?) - Pag-isipang mabuti ang maaaring kahinatnan ng desisyon na gagawin. Suriin kung ito ay magdudulot ng benepisyo o kapakinabangan sa hinaharap hindi lamang sa sarili kundi maging sa kapuwa at sa lipunang kinabibilangan nang sa gayon ay magamit nang husto ang pinagkukunang-yaman.

LESSON 5

MGA PRINSIPYO SA PAGBUO NG PAGPAPASIYA

TRADE-OFF - Ito ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng iba pang bagay na ninanais. (This means sacrificing one thing in exchange for something else that is desired.)

OPPORTUNITY COST - Ito ang ipinagpalibang halaga sa bawat pagpapasiya na gagawin. Ito ay ang halaga ng isinakripisyo mo sa iyong isinagawang pagpapasiya. (This is the value you sacrifice in making the decision you make.)

MARGINAL THINKING - Ang tao ay sistematikong bumubuo ng desisyon batay sa kung ano ang palagay niya na magdudulot sa kaniya ng higit na kapakinabangan. (decisions based on what they think will bring them the most benefit. he considers the smallest or marginal changes that the decision to make may cause him)

INCENTIVE - Ito ay tumutukoy sa isang bagay na maaaring magtulak sa isang tao upang piliin ang isang desisyon.

  • Trade-off → All the things you give up when choosing.

  • Opportunity Cost → The most valuable thing you give up.

  • Marginal Thinking → Deciding based on “one more” benefit vs cost.

  • Incentive → A motivator that pushes you toward a choice.