Birthday- Hunyo 19, 1861
Birthplace: Calamba, Laguna
Full name- Jose Protacio Rizal Mercado Alonso y Realonda
Parents- Francisco Mercado (Tatay) at Teodora Alonso Realonda (Nanay)
Kapatid - Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad
7/11 pang 7th si rizal sa 11 na kapatid
El Filibusterismo
Sinimulan Oktubre 1887
―The Reign of Greed, Ang Paghahari ng Kasakiman
Ginawa niya ang malaking bahagi ng nobelang El Filibusterismo sa kaniyang paglalakbay sa Paris, Madrid, at Brussels.
Tinapos ni Rizal noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France
Naipalimbag niya ito sa pinakamurang palimbagan na kaniyang natagpuan saGhent, Belgium noong Setyembre 22, 1891
Pinadala ni Rizal ang mga kopya sa mga matatapat niyang kaibigan na sina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Juan Luna. Ipinadala niya ang ibang kopya sa Hong Kong at ang iba naman ay sa Pilipinas.
Filibustero ang itinatawag ng mga Kastila sa mga nasasakupang lumalabag o tumataliwas sa kanilang mga panukalang batas.
Mga Kaganapan sa Pilipinas noong isinulat ang El Filibusterismo:
administrasyong kolonyal
korapsyon
kawalan ng kinatawan sa Spanish Cortes
hindi pagkakapantay-pantay
kawalang hustisya
Frailocracia
Polo y servicio
kalupitan ng mga guardia civil
Sinulat ang El Filibusterismo Dahil:
Nang umuwi siya sa Pilipinas noong 1887, dahil na rin sa kontrobersiyang dala ng Noli, higit niyang namalas ang pang-aapi ng mga prayleng Espanyol sa kaniyang mga kababayan.
Ilan din sa kaniyang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ang nakaranas nito, at nakulong o hindi naman kaya‘y napatay. Sa mga kaganapang ito, lalong sumidhi ang kaniyang pagnanais na ituloy ang planong pagsulat sa kasunod nobela ng Noli Me Tangere.
Layunin ng Pagsulat ng El Filibusterismo:
Ang El Filibusterismo na literal na maisasaling ―ang akto ngpaglabag o pagtaliwas sa batas, ay tumatalakay sa ideolohiya ng pakikidigma o paghihimagsik. Binigyang-pansin ni Rizal ang masamang hangarin ng karakter upang makapagpalaya ng isang bayan.
Inialay ni Jose Rizal ang El Filibusterismo kay GomBurZa
tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jacinto Zamora, at Padre José Apolonio Burgos.
noong Pebrero 1872
Nakita ni Jose Rizal ng 11 taong gulang palamang
Simoun - Siya si Crisostomo Ibarra na nagpapanggap bilang mag-aalahas upang makapaghiganti sa mga prayle na lumapastangan sa kaniyang namayapang ama. Dala-dala niya mula sa Europa ang mapanghimagsik na ideya na magdudulot ng panganib para sa bayan.
Isagani - Siya ay makatang kasintahan ni Paulita Gomez at kaibigan ni Basilio. pamangkin din siya ni Padre Florentino. Siya ang isa sa mga mag-aaral sa nobela na nagsusulong sa Akademya ng Wikang Kastila. Taglay niya ang paninindigan sa kaniyang mga pinaniniwalaan. Larawan siya ng mga Pilipinong pinipili sa pagsunod sa tama sa kabila ng hirap na nararanasan.
Basilio - Siya ang isa sa anak ni Sisa mula sa nobelang Noli me Tangere. Isa siyang mag-aaral na kumukuha ng kursong Medisina at kasintahan niya si Juli. Siya ang naguna sa planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang kasti;a. naniniwala siya na susi iyo upang mamulat ang kaniyang mga kababayan sa mga totooong pangyayari sa bansa.
Kabesang Tales - Anak ni tandang Selo at ama ng magkapatid na Juli at Tano. May-ari ng isang lupaing sakahan na pinatawan ng malaking buwis ng mga prayle. Dahil sa kaniyang kasipagan, sila ay namuhay ng maalwan at napag-aral ang dalawang anak. “Di naglaon, nahalal siya bilang cabeza de barangay na tagapagkolekta ng buwis ng mga mamamayan. Simbolo siya ng isang mamamayang hindi naisasaad ang saloobin at hindi naipaglaban ang kaniyang karapatan.
Tandang Selo - Ama ni kabesang Tales. Namumuhay kasama ang anak at mga apo ngunit naging pipi matapos ang iba’t ibang kabiguang nangyari sa kaniyang pamilya.
Juli - Anak na dalaga ni kabesang tales at nobya ni Basilio. Isang mabuting anak na handang magsakripisyo para sa mga minamahal.
Paulita Gomez - Kasintahan ni Isagani. Pamangkin din siya ni Doña Victorina. Hinahangaan ni Juanito Palaez dahil sa kanyang kagandahan.
Juanito Palaez - Siya ang kubang mag-aara; na kinagigiliwan ng mga propesor. Nabibilang sa kilalang angkan na may dugong Kastila. Humanga siya sa kagandahan ni Paulita Gomez.
Makaraig - Ang mayamang kaibigan nina Basilio at Isagani. Masigasig siyang nakipaglaban upang maitatag ang Akademya ng Wikang Kastila. Dahil sa yaman ay nakukuha niya ani man ang naisin. Masipag at matalinong mag-aaral.
Placido Penitente - Isa sa mga mahuhusay na mag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas na nawalan ng gana sa pag-aaral dahil na rin sa mga suliraning pampaaralan. Itinuturing na mapanghimagsik ng mga prayle sa kanilang lugar.
Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong prayle na nilapitan ni Juli upang mapalaya si Basilio mula sa pagkakabilanggo.
Padre Florentino - Ang amain ni Isagani. Siya ang nilapitan ni Simoun upang ipagtapat ang kanyang tunay na katauhan.
Padre Fernandez - Siya ang paring Dominikanong may malayang paninindigan. Iniisip niya ang makabubuti nakararami. Sumasang-ayon siya sa isinusulong na pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Itinuturing niya si Isagani bilang paborito niyang mag-aaral.
Padre Irene - Siya ang matalik na kaibigan at taga payo ni Kapitan Tyago. Tumatanggap ng suhol mula sa mga estudyante sa pamamamagitan ni Macaraig upang mahikayan siya sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.
Ginoong Pasta - isang kilalang manananggol at taga payo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Itinuturing na may impluwensya sa simbahan at nilapitan ng mga mag aaral upang maging taga pamagitan ng naayon sa kanila kung sakaling hingiin ng payo ni Don Custodio.
Don Custodio - kilala sa tawag na buena tinta. Isa sa mga kinikilalang personalidad sa alta sociedad. May malakas na impluwensya sa simbahan at pamahalaan. Sya rinang pinag kakatiwalaang lumutas ng usapin kaugnay sa academya.
Ben Zayb - isang manunulat sa pahayagan at may labis na tiwala sa sarili. Para sa kanya sya lamang ang taong nag iisip sa buong Maynila.
Sandoval - sya ang kawaning Kastila na sang ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag aaral.
Donya Victorina - sya ang mapag panggap na kastila ngunit isa namang purong pilipina. Tityahin ni Paulita Gomez.
Quiroga - isa syang mangangalakal na intsik na nais magkaroon ng konsolado sa Pilipinas.
Hermana Bali - naghimok kay Julie na humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Herman Penchang - siya ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.