Kahulugan:
Pagmamahal at pagkilala sa sariling bayan o bansa.
Ideyolohiyang pampolitika na bumubugkos sa mga tao na may pagkakapareho sa wika, kultura, at iba pa.
Pagsasakatawan ng Nasyonalismo:
Bilang mag-aaral at Pilipino, maaaring ipakita ang nasyonalismo sa pamamagitan ng:
Pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo.
Paglahok sa mga makabayang aktibidad.
Pag-aaral at pag-unawa sa kasaysayan ng bansa.
Pagsunod sa batas at regulasyon na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Panahon:
Naganap mula 1914 hanggang 1918.
Mga Alyansa:
Dalawang pangunahing alyansa: Triple Alliance at Triple Entente.
Militarisasyong
Pagpapalakas ng sandatahang lakas ng mga bansa.
Halimbawa: Pagtatatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
Alyansa
Kasunduan ng mga bansa para suportahan ang isang layunin.
Triple Alliance: Germany, Austria-Hungary, Italy.
Triple Entente: France, Russia, Great Britain.
Imperyalismo
Kalakaran kung saan ang mga makapangyarihang bansa ay nagtatangkang palawakin ang kanilang kapangyarihan.
Halimbawa: Salungat ang Britanya sa pag-angkin ng Germany sa Tanganyika at pagkagalit sa pagbuo ng French Protectorate sa Morocco.
Nasyonalismo sa Gera:
Pagkamaka-bansa ng mga grupong etniko tulad ng mga Serbian na nais angkinin ang Bosnia.
Pag-uudyok ng mga Junker (aristokrasyang militar ng Germany) sa ideya ng superior na lahi.
Pangyayari:
Archduke Franz Ferdinand ng Austria at kanyang asawa ay pinatay, nagdulot ng tensiyong pandaigdig.
Digmaan sa Kanluran:
Pag-atake ng Germany sa Belgium, nang hindi ito isinasaalang-alang bilang neutral na bansa.
Digmaan sa Silangan:
Labanan sa pagitan ng Russia at Germany.
Digmaan sa Balkan:
Paglaban ng Austria-Hungary sa Serbia at pagkakabuo ng mga alyansa mula sa mga bansang Balkan.
Natalo ang Central Powers:
Lumitaw ang mga bagong bansa at naipasa ang Kasunduan sa Versailles.
Pinsala:
8.5 milyong sundalo ang namatay, 22 milyong nasugatan, 18 milyong sibilyan ang napatay.
Pinsala sa ari-arian: 200 bilyong dolyar.
Bagong Mapa ng Europe:
Nagwakas ang apat na imperyo: Hohenzollern ng Germany, Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia, at Ottoman ng Turkey.
League of Nations:
Layuning maiwasan ang digmaan at palaganapin ang pandaigdigang pagtutulungan, ngunit nabigo sa ilang dahilan tulad ng paghahati-hati ng mga kolonya at pagpapahina sa militar ng Germany.