MGA TAUHAN

  • The Wandering Jews - tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota.

  • Uncle Tom’s Cabin - tungkol sa pagmamalupit ng mga Amerikano sa mga Negro. Dahilan ng pagtindi ng pagnanais ni Rizal na talakayin ang pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino

  • Noli Me Tangere - salitang Latin na ang ibig sabihin ay “huwag mo akong salingin” na hango sa Bibliya sa ebanghelyo ni San Juan. Nilikha upang ihanap ng gamot ang malubhang sakit ng lipunan sa Pilipinas noong panahong iyon.

MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

  • Juan Crisostomo Magsalin y Ibarra - binatang nag-aral sa Europa na nangarap magpatayo ng paaralan para sa mga kabataan ng San Diego.

  • Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan

  • Don Santiago de los Santos / Kapitan Tiyago - mangangalakal na tiga-Binondo na ama-amahin ni Maria Clara

  • Padre Damaso - kurangnalipat ng ibang parokya matapos niya maglingkod sa San Diego. Tunay na ama ni Maria Clara

  • Maria Clara - kasintahan ni Crisostomo. Mutya ng San Diego na anak nina Dona Pia Alba at Padre Damaso

  • Don Anastacio / Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan

  • Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo na kinainggitan ni Padre Damaso dahil sa kanyang yaman

  • Sisa - ina nina Crispin at Basilio na may asawang pabaya at malupit

  • Crispin at Basilio - anak ni Sisa. Sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego

  • Padre Salvi / Bernardo Salvi - kurang pumalit kay Padre Damaso na nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Maria Clara

  • Padre Sibyla - paring lihim sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra

  • Alperes - kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

  • Donya Consolacion - asawa ni Alperes na dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali

  • Donya Victorina de Espadana - babaeng nagpapanggap mestisang Kastila na makapal ang kolerete sa mukha

  • Don Tiburcio de Espadana - pilay at bungal na Kastila na asawa ni Victorina

  • Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio na napili para mapangasawa ni Maria Clara

  • Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiyago na tumulong magpalaki kay Maria Clara

  • Donya Pia Alba - ina ni Maria Clara na namatay matapos siya ipanganak

  • Tinyente Guevarra - guwardiya sibil na nagsabi kay Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama

  • Kapitan Heneral - pinakamakapangyarihan sa bansa. ang nagpaalis ng ekskomunyo ni Ibarra

  • Kapitan Basilio - kapitan ng San Diego

  • Don Filipo - kapitan ng San Diego

  • Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong na dapat gagamitin sa pagpatay kay Ibarra

  • Don Saturnino - lolo ni Crisostomo na dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias

  • Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino na nuno ni Crisostomo

  • Kapitan Maria - tanging babae na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama

  • Senor Nol Juan - namahala sa pinapatayong paaralan

  • Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias

  • Inday, Sinang, Victoria, Andeng - kaibigan ni Maria Clara

  • Tarsilo at Bruno - ang ama nila ay napatay sa palo ng mga Kastila

  • Albino - seminarista na nakasama sa piknik sa lawa

  • Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

robot