TEKSTONG PROSIDYURAL

  • Binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay.

  • Nagsasaad ng mga impormasyon o mga direksyon upang ligtas. mabilis,matagumpay,at maayos na maisakatuparan ang mga gawain.

  • May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay na magawa ang anumang gawain.

Pagkakaayos/Pagkakabuo ng Tekstong Prosidyural

  1. Pamagat

  2. Introduksiyon (layunin)

  3. Listahan ng matreyales o sangkap

  4. Mga hakbang na gagawin

  5. Pagtasa

  6. Mga elementong biswal

Mga Elemento ng Tekstong Prosidyural

  1. Ano ang layunin ng teksto?

  2. Malinaw bang naipahayag ang layunin ng teksto?

  3. Ano-anong kagamitan ang kinakailangan sa pagsagawa ng mga panuto?

  4. May nakasaad bang paglalarawan ng mga kagamitang dapat gamitin?

  5. Nakatulong ba ang paglalarawan ng mga kagamitan upang mas mabisang magawa ang mga hakbang?

  6. Nasa wastong pagkasunod-sunod ba ang mga hakbang?

  7. Madali bang unawain at sundan ang mga panuto?

  8. Nagbigay ba ng sapat na paglalarawan at paliwanag ang mga hakbang upang magabayan ang mambabasa sa wastong pagsasagawa ng mga panuto?

  9. Nakaayon ba ang mga hakbang upang matamo ang mga layunin na isinaad nito sa simula?

  10. Kung may mga tulong na larawan, mas magagabayan ba nito ang mga mambabasa?

  11. Malinaw ba ang mga larawan at tumutugma sa kaugnay nitong panuto?

Tatlong Gamit ng Tekstong Prosidyural

  1. Pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan batay sa ipinapakita sa manwal.

    • manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo

  2. Pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada, at mga eksperimentong siyentipiko.

    • resipe

    • gabay sa paggawa ng mga proyekto

    • mga eksperimentong siyentipiko

    • mekaniks ng laro

    • mga alituntunin sa kalsada

    • pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya

  3. Paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay, tulad halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung paano magtatagumpay sa buhay,at iba pa

    • pagsunod sa mga patakaran sa buong paaralan

Apat na Nilalaman

  1. Layunin

    • kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos magawa nang wasto ang lahat ng hakbang

  2. Kagamitan

    • nakapaloob ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto

  3. Metodo

    • Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto

  4. Ebalwasyon

    • naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa

robot