AP REVIEWER Q3.docx

ARALIN 2 ANG NASYONALISMO AT PAGTAMO NG

KASARINLAN NG MGA BANSA SA PANGKONTINENTAL NA

TIMOG-SILANGANG ASYA

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Burma

Nang maging kolonya ng Britanya ang Burma noong 1896, ito ay pinamahalaan ng

mga Ingles bilang isang lalawigan ng India. Bukod sa mga Ingles, ang bansa ay

pinamahalaan din ng mga lokal na opisyal na Indian. Bunga nito, ang mga Burmese ay

nagtatag ng isang kilusang tinawag nilang General Council of Burmese Association

upang makuha ang suporta ng magkakaibang pangkat-etniko ng bansa sa isang kilusang

magbubuklod sa mga Burmese laban sa mga dayuhang Ingles.

Ngunit ang lakas ng damdaming

nasyonalismo ng mga Burmese ay

naipahayag lamang noong dekada '30.

Tulad ng mga kabataang bumuo ng First

Generation Nationalist Movement ng

Tsina, Pilipinas, at iba pang bansa sa

Asya, pinamunuan naman ng mga mag-

aaral na nagmula sa Rangoon ang

kilusang Dobama Asiayone (We Burmese Association) noong 1937. Ipinagpilitan ng

pangkat na itong gamitin ang katawagang thakins, na nangangahulugang "panginoon" at

dating ginagamit na pantawag para sa mga Kanluranin lamang. Si U Aung San ang isa sa

namuno sa samahang ito. Ang kanilang islogan ay: "Ang Burma ang aming bansa;

panitikang Burmese ang aming panitikan; wikang Burmese ang aming wika."

Si U Aung San ang pinuno ng Dobama

Asiayone. Siya ay itinalaga bilang kauna- unahang

punong ministro ng Republic of Burma. Ngunit

namatay siya kasama ang ilang opisyal ng kanyang

gabinete sa isang ambush na pinaniniwalaang

kagagawan ng kanyang karibal sa politika.

Ang pangyayaring naganap ay ikinagalit ng mga

Ingles. Ipinatupad nila ang Burma Act of 1935.

Pinasimulan ng batas na ito ang paggawa ng

Saligang Batas ng Burma. Sa ilalim ng Saligang Batas, ang bansa ay inilagay sa ilalim ng

direktang pamamahala ng mga Ingles ngunit ang ilang posisyon sa pamahalaan ay ibinigay

sa mga nakapag-aral na Burmese.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Vietnam

Ang tradisyonal na pagpapahalaga ng mga Pranses sa panlipunan at pampolitikal

pananaw na nagbibigay-halaga sa karapatang pantao at kalayaang indibidwal ang

nagtanim ng damdaming nasyonalismo sa mga Vietnamese. Ang kilusan laban sa mga

Pranses ay unang nalinang sa bahaging Timog ng Vietnam kung saan ang mga Vietnamese

ay lantad sa impluwensiyang Tsino.

Nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, higit na

sama ng loob ang nadama ng mga Vietnamese bunga ng

mahigpit na pamamahalang pangkabuhayan ng mga

Pranses sa kanilang bansa. Noong 1920, si Nguyen Ai

Quoc ay umanib sa Partido Komunista ng Pransiya. Siya

ay nagtungo at nanirahan sa Pransiya, Rusya, at Tsina. Di

naglaon, pinalitan ni Nguyen ang kanyang pangalan sa Ho

Chi Minh. Itinatag ni Ho ang Indo-Chinese Communist

Party noong 1930 at pinag-isa ang lahat ng mga samahang

nasyonalista sa ilalim ng League for the Independence of

Vietnam, na kilala bilang Viet Minh.

Aralin 3 - Ang Nasyonalismo at Pagtamo ng Kasarinlan ng

mga Bansa sa Pangkapuluang Timog-silangang Asya

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Pilipinas

Ang pag-unlad ng damdaming nasyonalismo sa Pilipinas ay bunsod ng damdaming

makabayan at ideyang nasyonalismo na pinasimulan ng Kilusang mula 1872 hanggang

1892. Ang Rebolusyon sa Pilipinas noong 1896 ang pinagkunan ng lakas ng unang

rebolusyong nasyonalista sa Asya.

Sa kabila ng maraming pag-aalsang naganap sa iba't ibang lupain sa Pilipinas noong

panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila, ang mga Pilipino ay hindi pa rin nagkaisa laban sa

mga Kastila. Nagsimulang lumawig ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino noon

lamang huling bahagi ng ikalabing-siyam na dantaon, nang buksan ng mga Kastila ang

Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan sa paghubog

ng pangkat ng mga edukadong Pilipino—ang Ilustrado. Ang pangkat na ito ay binuo ng mga

Pilipinong elitista na nakapag-aral sa mga Kanluranin. Kabilang sa mga unang nasyonalista

na ito sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. Nang

mapagbintangang nagpasimula ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872, sina Padre Burgos,

Gomez, at Zamora ay ipinabitay ng mga Kastila. Malaki ang naging impluwensiya ng

pangyayaring ito sa sumunod na mga nasyonalistang Pilipino na pinangunahan ni Dr. Jose

Rizal.

Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang Kilusang Propaganda na nasundan ng La Liga Filipina.

Ito ang nagpasimulang gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Kasabay

nito, isinulat din ni Rizal ang dalawang aklat na tumutuligsa sa katiwalian ng mga Kastila-

ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang Noli Me Tangere ay naging instrumento upang

makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa mapayapa at di-tuwirang

paraan, ang aklat na ito ay nakaimpluwensiya sa rebolusyon ng mga Pilipino. Samantala,

ang El Filibusterismo naman ay isang nobelang pampolitika na nagpadama at nagpagising

sa nag-aalab na hangarin ng mga Pilipinong matamo ang tunay na kalayaan.

Ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino ay pinasiklab ng Unang Sigaw sa

Pugad Lawin noong Agosto 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio na isa sa mga nagtatag

ng Katipunan. Sa lakas ng puwersang nabuo ng damdaming ito sa mga Pilipino, madali na

sanang napaalis ang mga Kastila sa bansa. Ngunit dahil sa pagsiklab ng Digmaang Kastila-

Amerikano, winasak ng hukbo ng mga Kastila mga Amerikano ang sa baybayin ng Maynila

at ipinagpilitan ang kanilang pamamahala sa Pilipinas. Nang malagdaan ang Kasunduan sa

Paris sa pagitan ng mga Amerikano at Kastila noong 1898, na nagsalin ng pamamahala ng

Pilipinas sa mga Amerikano, nagprotesta ang mga Pilipino.

Hindi napigilan ng insidenteng ito ang nabuong damdamin sa mga Pilipino. Ang

Unang Republika ng Pilipinas ay idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 23,

1899 sa Kawit, Cavite. Si Aguinaldo ang unang naging pangulo nito. Sa loob ng tatlong taon,

nagpatuloy ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa kanilang pakikipaglaban para sa tunay na

kalayaan ng bansa, at sa pagkakataong ito ay laban sa panibagong mananakop – ang mga

Amerikano. Ngunit napilitan din silang sumuko bunga ng malakas na sandata ng mga

dayuhan.

Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang pagsisikap na mapagkalooban ng

kasarinlan, hanggang sa pagtibayin ng mga Amerikano ang Batas Tydings-McDuffie noong

1934. Ang batas na ito ay nagkaloob ng Pamahalaang Komonwelt sa loob ng sampung taon

hanggang sa iproklama ng mga Amerikano ang kasarinlan ng bansa noong Hulyo 4, 1946.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Indonesia

Sa pulo ng Java nag-ugat ang malalim na damdaming nasyonalismo ng mga

Indonesian. Tulad ng naganap sa ibang bansa sa Asya, ang mga kabataang nagtamo ng

edukasyong Kanluranin sa Indonesia ang siya ring nagsimulang magtatag ng unang

samahang nasyonalista sa bansa-ang Budi Utomo, "dakilang pagpupunyagi" (glorious

endeavor). Karamihan sa mga kasapi ng samahan ay mga Javanese na nagmula sa

Kolehiyo ng Medisina ng Batavia. Layunin ng samahang ito na ibangon ang kalagayan ng

mga magbubukid na Javanese. Si Wahidin Sudirobusodo ang nagtatag ng samahang ito

noong 1908.

Ang Sarekat Islam (Islamic Association) naman ang unang organisasyong Islamiko

sa Indonesia. Ito ay itinatag ni Haji Umar Said Cokroaminoto noong 1912. Layunin ang

pagkakaroon ng samahang ito pangkapayapaan at ng repormang pangkabuhayan. Ang

Partido Indies na itinatag ni Douwes Dekker noong 1912, ay ipinagbawal ng mga Olandes.

Ito ay sinundan ng isa pang kilusan sa ilalim ng pangalang Insulinde. Noong 1914, itinatag

naman ni Hendricus Sneevelist, isang Olandes, ang Indies Social Democratic Association

na naging Partido Komunista noong 1920, at ginamit ang pangalang Indonesian

Communist Party.

Sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, itinatag ng mga Olandes ang

People's Council of the Voksraad. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Indonesian na

magpahayag ng kanilang puna at kritisismo sa pamahalaan, ngunit hindi ito nagkaloob sa

kanila ng karapatan sa anumang uri ng pamamahala.

Noong taong 1921, nagkaroon Noong taong ng tensiyon sa pagitan ng pangkat ng

konserbatibo at komunista sa samahang Sarekat Islam. Ang pangkat ng komunista o Partai

Komunis Indonesia (PKI) ay naglunsad ng pag-aalsa sa Java sa kanlurang Sumatra, ngunit

kaagad din itong nasawata ng pamahalaan.

Ang pagkatalo ng pag-aalsa ng mga komunista ay nagbukas ng daan sa pagtatatag

ng bagong kilusan at noong 1926, itinatag ang samahang General Study Club na di naglaon

ay naging Nationalist Party of Indonesia sa ilalim ng pamumuno ni Sukarno.

Aralin 4 Mga Hamon sa Pagkabansa ng Pilipinas Matapos

ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945,

naharap ang Pilipinas sa maraming hamon sa pagtataguyod ng isang

matatag at maunlad na bansa. Bagamat opisyal na idineklara ang kalayaan

mula sa Estados Unidos noong Hulyo 4, 1946, nanatili ang ilang

istruktura at sistemang kolonyal na nagdulot ng mga komplikasyon sa

landas ng bansa tungo sa tunay na kalayaan.

Demokrasyang Elit

Ang demokrasyang elit ay tumutukoy sa isang uri ng demokratikong sistema kung saan

ang kapangyarihan ay nakatuon sa kamay ng iilang makapangyarihang pamilya o grupo na may

kontrol sa ekonomiya, politika, at mga institusyong panlipunan. Sa halip na isang sistema kung

saan ang lahat ay may pantay na pagkakataon, ang ganitong demokrasya ay nagiging eksklusibo

para sa mga mayayaman at makapangyarihan.

Isa sa mga pangunahing hamon na kinaharap ng Pilipinas matapos ang digmaan ay ang

tinatawag na demokrasyang elit. Bagamat ipinagmamalaki ng bansa ang pagkakaroon ng

demokratikong sistema ng gobyerno, ito ay nanatiling kontrolado ng iilang makapangyarihang

pamilya. Ang mga tradisyunal na politikal na dinastiya ay bumuo ng oligarkiyang nagkaroon ng

malaking kontrol sa ekonomiya at politika.

Ang mga elit na ito ay nagpatuloy ng sistemang umaasa sa kanilang pansariling interes,

sa halip na sa kapakanan ng karamihan. Ang kawalan ng tunay na representasyon ng mga

mahihirap sa pamahalaan ay nagpalala sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at

kapangyarihan. Ang kontrol ng mga elit sa lupa, negosyo, at politika ay nagbunsod ng kahirapan

sa mga magsasaka, manggagawa, at iba pang maralitang sektor. Dahil dito, maraming Pilipino

ang nawalan ng tiwala sa sistema ng demokrasya, na nagdulot ng mga panawagan para sa

reporma.

Neokolonyalismo

Ang neokolonyalismo ay isang anyo ng dominasyon

kung saan ang isang malayang bansa ay patuloy na

nasasakupan o naiimpluwensyahan ng isang

makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng ekonomiya,

kultura, at politika, sa halip na sa direktang kontrol ng militar.

Sa ilalim ng neokolonyalismo, ang mga bansang tulad ng

Pilipinas ay patuloy na umaasa sa mga dating kolonyal na

kapangyarihan, na humahadlang sa ganap na pagsasarili.

Bagamat pormal na naging malaya ang Pilipinas

noong 1946, ang ugnayan nito sa Estados Unidos ay

nanatiling malapit at madalas ay hindi pantay. Ang Parity Rights Agreement ay nagbigay ng

pantay na karapatan sa mga Amerikano at Pilipino sa paggamit ng likas na yaman ng bansa. Sa

pamamagitan nito, napanatili ng Estados Unidos ang kontrol sa ekonomiya ng Pilipinas at

nakinabang mula sa mga likas na yaman nito.

Bukod dito, nanatili rin ang presensya ng mga base-militar ng Amerika sa bansa, tulad ng

Clark Air Base at Subic Naval Base, na nagsilbing simbolo ng neokolonyalismo. Ang

pagkakaroon ng mga base-militar ay nagpakita na ang kalayaan ng Pilipinas ay may limitasyon

pa rin. Ang impluwensya ng Estados Unidos sa kultura at edukasyon ay nagpatuloy, kaya’t hindi

lubos na naitaguyod ang sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang ganitong neokolonyal na

relasyon ay nagresulta sa patuloy na pagsandig ng Pilipinas sa dayuhang suporta.

Pag-usbong ng Kilusang Komunista

Ang kilusang komunista sa Pilipinas ay nag-ugat sa mga suliraning panlipunan tulad ng

kawalan ng reporma sa lupa, malalim na hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya, at

matinding katiwalian sa gobyerno. Ang paghihirap ng mga magsasaka, na bumubuo ng malaking

bahagi ng populasyon, ay nagbunsod ng kilusan para sa pagbabago.

Noong 1930, itinatag ang Communist

Party of the Philippines (CPP) bilang tugon

sa mga isyung panlipunan. Subalit, matapos

ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,

muling binuhay ang CPP noong 1968 sa

ilalim ni Jose Maria Sison, na nagbigay-

pansin sa Maoistang ideolohiya. Kasabay

nito, nabuo ang New People’s Army (NPA),

ang armadong sangay ng CPP na layuning

pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan

ng armadong rebolusyon.

Ang kilusang komunista ay nagbigay-diin sa:

1. Reporma sa lupa – Ang layunin ng kilusan ay wakasan ang sistemang asyenda na

nagdudulot ng pagsasamantala sa mga magsasaka.

2. Paglabas sa kontrol ng dayuhan – Nilalabanan ng CPP-NPA ang mga patakarang

neokolonyal na nagmumula sa impluwensya ng Estados Unidos.

3. Pagwawakas ng katiwalian at elitismo – Ang CPP-NPA ay kritikal sa tradisyunal na

politika na pinamumunuan ng mga dinastiya at elit.

Gayunpaman, ang kilusang komunista ay nagdulot din ng karahasan, tulad ng mga

engkwentro sa pagitan ng militar at NPA, paggamit ng rebolusyonaryong buwis, at ang pag-

target sa mga sibilyan na pinaghihinalaang kasabwat ng gobyerno. Ang mga hakbang ng

gobyerno, tulad ng counterinsurgency programs at peace talks, ay naglalayong pahinain ang

kilusan. Ngunit sa kabila ng mga ito, nananatili ang CPP-NPA bilang isa sa pinakamalaking

rebeldeng grupo sa bansa, lalo na sa mga kanayunan.

Kilusang Moro

Ang kilusang Moro ay isang

makasaysayang kilusan na naglalayong ipaglaban

ang karapatan ng mga Muslim sa Mindanao na

makapamuhay nang malaya ayon sa kanilang

kultura, relihiyon, at tradisyon. Ang sigalot na ito

ay may malalim na ugat na maaaring masundan

mula sa pananakop ng Espanya, na nagtulak sa

mga Muslim na ipaglaban ang kanilang kalayaan,

hanggang sa pananakop ng mga Amerikano at

kasunod na paghahari ng mga Kristiyanong lider

sa pambansang gobyerno.

Mga Ugat ng Sigalot

1. Diskriminasyon sa mga Muslim – Ang mga Muslim ay nakaranas ng marginalisasyon,

kawalan ng representasyon sa gobyerno, at diskriminasyon sa edukasyon at ekonomiya.

2. Pag-agaw ng lupa – Sa panahon ng kolonyalismo at maging pagkatapos nito, maraming

Muslim ang nawalan ng karapatan sa kanilang mga ancestral domain dahil sa mga

patakarang nagpapabor sa mga Kristiyanong settler.

3. Pagkakakilanlan at Pagpapasya sa Sarili – Pinaglaban ng mga Moro ang kanilang

kasarinlan at ang karapatang mamuhay ayon sa kanilang batas Islamiko (Sharia) at

tradisyon.

Mga Pangunahing Grupo

1. Moro National Liberation Front (MNLF)

Itinatag ni Nur Misuari noong 1972, ang MNLF ay naglayong magtatag ng isang

malayang estado ng Bangsamoro sa pamamagitan ng armadong pakikibaka. Ang

kasunduan sa Tripoli noong 1976 ay nagtangkang magbigay ng awtonomiya sa mga

rehiyon ng Mindanao, subalit hindi ito lubos na naipatupad.

2. Moro Islamic Liberation Front (MILF)

Noong 1984, humiwalay ang MILF mula sa MNLF dahil sa kanilang mas radikal na

paninindigan. Layunin nitong magtatag ng isang Islamic State sa Mindanao. Matapos ang

dekada ng labanan, pumasok ang MILF sa peace talksna nagtapos sa Comprehensive

Agreement on the Bangsamoro noong 2014, na nagresulta sa pagbuo ng Bangsamoro

Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

3. Abu Sayyaf Group (ASG)

Isang mas radikal na grupo na naitatag noong dekada 1990 na layong ipaglaban ang

kalayaan ng Bangsamoro gamit ang terorismo at kidnap-for-ransom schemes.

Ang sigalot sa Mindanao ay nagdulot ng malawakang dislokasyon ng mga komunidad,

kahirapan, at kawalan ng seguridad. Libo-libong buhay ang nawala, at milyun-milyon ang

nawalan ng tahanan dahil sa digmaan. Subalit, ang mga kasunduan tulad ng Bangsamoro

Organic Law at ang pagbuo ng BARMM ay nagbigay ng bagong pag-asa para sa kapayapaan at

pagkakaisa sa rehiyon.

Aralin 5 Mga Hamon sa Pagkabansa sa Pangkontinental

na Timog-silangang Asya

Ang kasaysayan ng Timog-Silangang Asya noong ika-20 siglo ay puno ng mga trahedya na nag-

iwan ng malalim na sugat sa mga bansa at mamamayan nito. Dalawa sa mga pinakamatitinding

kaganapan sa rehiyon ay ang Khmer Rouge Genocide sa Cambodia at ang Vietnam War sa

Vietnam. Ang parehong mga pangyayari ay nagbunga ng malawakang pagkawasak, pagdurusa,

at pagbabago sa politika at lipunan ng kanilang mga bansa.

Khmer Rouge at Ang Genocide sa Cambodia

Ang Khmer Rouge, isang radikal na grupong komunista

sa Cambodia, ay pinamumunuan ni Pol Pot. Noong Abril 17,

1975, nakuha nila ang kapangyarihan sa bansa matapos ang

mahabang digmaang sibil laban sa pamahalaan ni Lon Nol. Ang

layunin ng Khmer Rouge ay gawing isang agraryan, komunista,

at makapangyarihang lipunan ang Cambodia. Ngunit sa kabila

ng kanilang mga pangarap, naging isa itong malagim na yugto

ng kasaysayan ng mundo.

Ang pangunahing layunin ng Khmer Rouge ay burahin

ang modernong lipunan at lumikha ng isang lipunang agraryan

na walang impluwensya ng Kanluranin. Ginamit nila ang

ideolohiyang komunista upang ipatupad ang radikal na mga

reporma sa ekonomiya at lipunan. Ang lahat ng aspeto ng

modernong pamumuhay ay tinanggal, kabilang ang paggamit ng

pera, edukasyon, at kalakalan.

Mga Pangunahing Patakaran

1. Paglikas ng Populasyon

Lahat ng mamamayan sa mga lungsod, kabilang ang Phnom Penh, ay pinilit na lumipat sa

mga kanayunan upang magtrabaho sa mga bukirin. Malupit ang kondisyon ng kanilang

pamumuhay sa mga kanayunan, at maraming tao ang namatay mula sa gutom at sakit.

Ang mga pamilya ay pinaghihiwalay, at ang mga kabataan ay pinilit na magtrabaho sa

mga bukid, habang ang mga matatanda ay pinilit magtulungan sa mga proyektong

agraryo.

2. Pagkawasak ng Kulturang Tradisyonal

Ang relihiyon, edukasyon, at tradisyonal na kultura ay sistematikong winasak. Maraming

templong Buddhist ang giniba, at libu-libong monghe ang pinatay. Ang Khmer Rouge ay

nagpatupad ng isang radikal na reporma na nag-utos ng pagpapatanggal ng mga

relihiyosong ritwal at tradisyonal na pamumuhay. Maging ang mga pamilya na may mga

miyembro na may mataas na edukasyon ay tinarget at pinatay dahil sa takot na sila ay

magiging banta sa pamumuno ng Khmer Rouge.

3. Pag-aalis ng Intelektuwal

Ang mga guro, doktor, abogado, at iba pang may mataas na edukasyon ay pinatay, dahil

itinuturing silang banta sa rehimen. Ang mga taong may salamin sa mata, o anumang

tanda ng intelektwalismo, ay pinili nilang puksain. Ang ideya ng Khmer Rouge na lahat

ng edukasyon at kultura ng Kanluran ay nagpapalaganap ng hindi pagkakapantay-pantay

at hindi makatarungan ay nagbunsod sa kanila upang buwagin ang lahat ng uri ng

intelektwalismo at edukasyon sa bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ng Khmer Rouge,

humigit-kumulang 1.7 milyon hanggang 2

milyon katao ang namatay mula sa gutom, sobrang

pagtatrabaho, sakit, at direktang pagpatay. Ang mga

lugar tulad ng Tuol Sleng Prison (S-21) ay ginamit

bilang sentro ng tortyur, kung saan libu-libong tao

ang pinahirapan bago pinatay sa Killing Fields. Ang

mga tao, kabilang ang mga bata at matatanda, ay

pinilit magtrabaho ng matinding oras sa mga bukid,

at kapag hindi nila nakaya, sila ay pinatay.

Noong 1979, pinalayas ang Khmer Rouge ng mga puwersa ng Vietnam matapos ang tensyon

sa hangganan. Gayunpaman, tumagal pa ng mga dekada bago tuluyang mawala ang kanilang

impluwensya, at ang Cambodia ay nanatiling lugmok sa kahirapan at kasaysayan ng karahasan.

Ang mga survivor ng genocide ay patuloy na naghanap ng katarungan, at sa kasalukuyan, ang

mga namumuno sa Khmer Rouge ay dahan-dahang kinasuhan at pinarusahan ng mga

international courts. Ang mga hakbang na ito ay nagbibigay ng isang maliit na katarungan para

sa mga pamilya ng mga biktima ng genocide, ngunit ang trauma at mga sugat ay patuloy pa ring

nararamdaman sa buong bansa.

Vietnam War

Ang Vietnam War ay naganap mula 1955 hanggang

1975, kung saan naglaban ang Hilagang Vietnam

(komunista) at Timog Vietnam (anti-komunista). Ito

ay bahagi ng mas malawak na Cold War sa pagitan

ng Estados Unidos at ng Soviet Union, na parehong

naghahangad na palaganapin ang kani-kanilang

ideolohiya. Habang ang Estados Unidos ay

nagsusumikap na pigilan ang pagkalat ng

komunismo, ang Hilagang Vietnam ay nakatanggap

ng suporta mula sa Soviet Union at China. Ang

digmaang ito ay nagdulot ng matinding epekto sa

politika, lipunan, at kultura ng Vietnam.

Mga Sanhi ng Vietnam War

1. Pagkakahati ng Vietnam

Matapos ang Geneva Accords noong 1954, nahati ang

Vietnam sa dalawang bahagi:

o Hilagang Vietnam, pinamumunuan ni Ho Chi Minh

at ng Komunistang Partido, na suportado ng China at

Soviet Union.

o Timog Vietnam, pinamumunuan ni Ngo Dinh

Diem, na suportado ng Estados Unidos. Ang mga

tensyon sa pagitan ng dalawang bahagi ng bansa ay

naging sanhi ng digmaan.

2. Domino Theory

Pinaniwalaan ng Estados Unidos na kung mahuhulog

ang Timog Vietnam sa komunismo, susunod ang iba

pang bansa sa rehiyon tulad ng Laos, Cambodia, at

Thailand. Ang layunin ng Estados Unidos ay pigilan

ang pagkalat ng komunismo sa Timog-Silangang Asya.

Dahil dito, nagsimula ang malawakang interbensyon

ng Estados Unidos sa Vietnam, na nagdulot ng malalim

na krisis at pagkalugmok sa mga mamamayan.

3. Interbensyon ng Estados Unidos

Nagpadala ang Estados Unidos ng mga tropa at tulong

militar sa Timog Vietnam upang labanan ang Viet

Cong, isang gerilyang grupong komunista na

sumusuporta sa Hilagang Vietnam. Ang interbensyon

ng Estados Unidos ay nagpatuloy sa loob ng dalawang

dekada at naging pangunahing sanhi ng galit at

pagtutol mula sa publiko, lalo na sa kanilang sariling

bansa. Ang mga protesta laban sa digmaan ay kumalat

sa buong Estados Unidos at maging sa iba pang bahagi

ng mundo.

Mga Pangunahing Pangyayari sa Digmaan

1. Tet Offensive (1968)

Isinagawa ng Viet Cong at ng Hilagang Vietnam ang isang malaking opensiba laban sa

mga puwersa ng Timog Vietnam at Estados Unidos. Bagamat militar na nabigo ang

opensiba, nagdulot ito ng pagbagsak ng suporta ng publiko sa Estados Unidos, lalo na

nang ipakita ng media ang mga brutal na epekto ng digmaan. Ang Tet Offensive ay isang

turning point sa digmaan, kung saan lumabas ang mga imahen ng digmaan na nagpataas

ng kamalayan ng buong mundo tungkol sa matinding epekto ng labanan sa mga sibilyan

at sundalo.

2. Pag-atras ng Estados Unidos

Sa ilalim ng patakaran ni Pangulong Richard Nixon na tinatawag na "Vietnamization,"

unti-unting umatras ang mga tropang Amerikano. Layunin ng Vietnamization na

palakasin ang pamahalaan ng Timog Vietnam upang magtagumpay sila sa pagharap sa

mga puwersa ng Hilagang Vietnam na walang tulong mula sa Estados Unidos. Bagamat

unti-unting umatras ang mga Amerikano, hindi nito natuldukan ang digmaan, at ang mga

mamamayan ng Vietnam ay patuloy na nagdusa mula sa malupit na kalagayan ng

labanan.

3. Pagbagsak ng Saigon

Noong Abril 30, 1975, bumagsak ang Saigon, ang kabisera ng Timog Vietnam, sa mga

puwersa ng Hilagang Vietnam, na nagbigay-daan sa pagkakaisa ng bansa sa ilalim ng

komunismo. Ang Saigon ay tinawag nang Ho Chi Minh City bilang tanda ng tagumpay

ng Hilagang Vietnam at ng reunification ng bansa. Ang pagkatalo ng Timog Vietnam ay

isang matinding pagkatalo para sa Estados Unidos, na nag-iwan ng isang masalimuot na

pamana sa kanilang kasaysayan.

Epekto ng Vietnam War

1. Pagdurusa ng Populasyon

Mahigit 3 milyon tao ang namatay, kabilang ang 58,000 tropang Amerikano. Ang

digmaan ay nagdulot ng malaking pinsala sa lipunan at ekonomiya ng Vietnam. Nawasak

ang mga lungsod, naubos ang mga yaman, at ang mga mamamayan ay nagdusa mula sa

trauma at pagkabigo. Ang mga pamilya ay nagkahiwa-hiwalay, at ang mga bata ay

nawalan ng pagkakataon sa edukasyon. Ang mga epekto ng digmaan ay nararamdaman

pa rin sa buong bansa.

2. Pagkawasak ng Kalikasan

Ang paggamit ng mga kemikal tulad ng Agent Orange ay nagresulta sa matinding pinsala

sa kalikasan at pangmatagalang epekto sa kalusugan ng mga tao. Ang mga puno, mga

sakahan, at iba pang kalikasan ay naapektuhan ng mga kemikal na ginamit sa digmaan,

na nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga likas na yaman. Ang epekto ng Agent

Orange ay nararamdaman pa rin hanggang sa kasalukuyan, at maraming mga Vietnamese

ang nakakaranas ng mga malubhang karamdaman.

3. Pagbangon ng Komunismo

Ang tagumpay ng Hilagang Vietnam ay nagpatibay sa pamahalaang komunista ng bansa,

na nananatili hanggang sa kasalukuyan. Ang pagkakaisa ng Vietnam ay nagdulot ng mga

pagbabago sa politika, ngunit nag-iwan din ng mga sugat sa lipunan at kalikasan. Habang

ang bansa ay nagpatuloy sa paglago ng ekonomiya, ang mga epekto ng digmaan at ang

mga sugat ng nakaraan ay nanatiling bahagi ng kolektibong alaala ng mga mamamayan.

Mga Hamon sa Pagkakabansa ng Indonesia at Malaysia

Pagkakaiba-ibang Etniko at Relihiyon sa Indonesia

Ang Indonesia, bilang pinakamalaking kapuluan sa buong mundo, ay mayroong higit

sa 17,000 isla, kaya't hindi nakapagtataka na ito ay binubuo ng iba't ibang etnikong

grupo at relihiyon. Sa kabila ng pagiging isang Islamic-majority country, ang Indonesia ay

tahanan ng mga Kristiyano, Hindu, Buddhista, at mga katutubong relihiyon. Sa kabila ng

pagkakaroon ng malawak na pagkakaiba, nagsisilbing gabay sa bansa ang prinsipyo ng Bhinneka

Tunggal Ika, na nangangahulugang "Unity in Diversity."

Ang ethnic diversity ng Indonesia ay

nagbigay daan sa mga tensyon at karahasan sa

iba't ibang bahagi ng bansa. Halimbawa,

sa Aceh, isang rehiyon sa hilaga ng Sumatra,

nagkaroon ng mga insurhensiya ng mga

separatistang grupo tulad ng Gerakan Aceh

Merdeka (GAM). Ang layunin ng GAM ay

magtatag ng isang malayang estado sa Aceh, at

ito ay naging sanhi ng isang

matinding digmaan mula 1976 hanggang 2005.

Bagamat ang digmaan ay natapos sa

pamamagitan ng kasunduan sa kapayapaan, ang

mga tensyon sa rehiyon ay patuloy na

nararamdaman. Ang mga lokal na pamahalaan at mga separatistang grupo ay nagpatuloy sa

kanilang mga adhikain para sa isang mas malaking awtonomiya at pagkakapantay-pantay.

Sa Ambon naman, isang lugar sa silangang bahagi ng Indonesia, nagkaroon ng religious

conflict noong dekada 1990s, na nagbunsod ng alitan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

Ang mga tensyon sa relihiyon ay nauugnay sa mga isyu sa politikal at ekonomiya, at nagdulot ito

ng mga karahasan na nagresulta sa libu-libong pagkamatay at displacement ng mga tao. Ang

gobyerno ng Indonesia ay nagsagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang pagkakaisa sa

bansa, kabilang na ang pagpapalaganap ng mga programang pangkapayapaan at inter-ethnic

dialogue.

Sa kabila ng mga tensyon at hidwaan, patuloy ang pagsusumikap ng Indonesia upang

makamit ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng mga polisiya at hakbang tulad

ng decentralization. Ang layunin ng decentralization ay bigyan ng mas maraming kapangyarihan

ang mga lokal na pamahalaan, upang mapabuti ang pamamahagi ng mga yaman at mapanatili

ang kapayapaan sa mga rehiyon.

Paghati ng Etnikong Komunidad sa Malaysia

Ang Malaysia ay binubuo ng tatlong pangunahing etnikong grupo: ang Malay

Muslims, Chinese, at Indians. Ang Malay Muslims ay bumubuo ng pinakamalaking bahagi ng

populasyon, samantalang ang mga Chinese at Indians ay mayroong malalim na kasaysayan at

malalaking kontribusyon sa lipunan at ekonomiya ng Malaysia. Sa kabila ng pagkakaroon ng

mga oportunidad para sa bawat grupo, nagkaroon ng mga alitan at tensyon sa mga etnikong

komunidad.

Noong 1969, naganap ang

isang racial riot sa Kuala Lumpur, na

tinatawag na ang May 13 incident. Ang

insidenteng ito ay nagmula sa mga

tensyon sa pagitan ng

mga Malay at Chinese. Ang hindi

pagkakasunduan sa ekonomiya,

edukasyon, at mga oportunidad sa

politika ay nag-udyok ng malupit na

karahasan. Maraming buhay ang nawala

at marami ang nasirang mga ari-arian.

Ang karahasang ito ay nagbigay-diin sa

malalim na gap sa pagitan ng mga etnikong komunidad sa Malaysia.

Bilang tugon sa mga tensyon, ipinasa ang New Economic Policy (NEP) noong 1971, na

layuning mapabuti ang kalagayan ng mga Malay Muslims at mga katutubo. Ipinakilala

ang Bumiputra policy, na nagbigay ng mga benepisyo sa mga Malay upang mapabuti ang

kanilang kalagayan sa ekonomiya. Sa pamamagitan ng mga polisiya ng affirmative action,

binigyan ng gobyerno ang mga Malay ng mga benepisyo tulad ng mga quota sa edukasyon,

negosyo, at pamahalaan. Ang layunin ng NEP ay mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay

ng mga etnikong grupo at matamo ang economic stability at political harmony.

Gayunpaman, ang mga polisiya ng affirmative action, bagamat nagbigay ng mga

benepisyo sa mga Malay, ay nagdulot ng mga hindi pagkakaunawaan sa ibang mga etnikong

grupo. Ang mga Chinese at Indians ay nagreklamo ng hindi patas na distribusyon ng mga

oportunidad. Bagamat ang mga Malay ay nakinabang mula sa mga benepisyo ng polisiya,

nagkaroon ito ng epekto sa kanilang relasyon sa mga Chinese at Indian na nakaranas ng

diskriminasyon sa mga sektor ng ekonomiya at pamahalaan.

Mga Hakbang Patungo sa Pagtutok sa Pagkakaisa

Sa kabila ng mga alitang etniko, nagsagawa ang Malaysia ng mga hakbang upang

mapabuti ang relasyon ng mga etnikong komunidad. Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang

pagpapalaganap ng inter-ethnic dialogue at ang pagbibigay-diin sa national integration. Sa mga

programang ito, isinusulong ang cohesive society at ang pagpapalaganap ng respeto at

pagtanggap sa pagkakaiba-iba. Kasama sa mga hakbang na ito ang mga aktibidad tulad ng

mga cultural exchange programs at mga seminar na naglalayong mapabuti ang pag-unawa at

ugnayan ng mga etnikong grupo.

Gayundin, patuloy na pinapalakas ang mga hakbang sa economic development upang

matugunan ang mga isyu ng poverty at inequality. Sa pamamagitan ng mga programang

pangkabuhayan, layunin ng gobyerno na bigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang lahat ng

etnikong grupo sa Malaysia, anuman ang kanilang relihiyon o lahi.

Pagkabansa ng East Timor noong 2002

Ang East Timor, na kilala rin bilang Timor-Leste, ay isang bansa sa Timog-Silangang

Asya na matatagpuan sa pulo ng Timor. Ang bansa ay nakaranas ng matinding kasaysayan ng

pananakop, digmaan, at paghihirap bago ito ganap na naging isang malayang bansa noong Mayo

20, 2002. Ang pagkakamit ng kalayaan ng East

Timor ay isang mahalagang pangyayari sa

kasaysayan ng Timog-Silangang Asya, at may

malalim na koneksyon sa mga isyung pampulitika,

etniko, at internasyonal na relasyon. Ang mga

kaganapan na humubog sa pagkabansa ng East

Timor ay isang kuwento ng pakikibaka para sa

kalayaan, at ang tagumpay nito ay isang simbolo

ng lakas ng loob at determinasyon ng mga

mamamayan nito.

Kasaysayan ng Pananakop at Pag-aalipin

Bago ang kolonialisasyon ng mga Europeo, ang Timor ay nahahati sa dalawang bahagi:

ang Eastern Timor at Western Timor. Ang Eastern Timor ay naging bahagi ng Portugal,

samantalang ang Western Timor ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Dutch. Nagsimula ang

kasaysayan ng East Timor bilang isang kolonya ng Portugal noong ika-16 na siglo, ngunit ang

mga mamamayan ng Timor ay patuloy na nakipaglaban upang mapanatili ang kanilang

kasarinlan mula sa mga banyagang mananakop.

Noong 1975, pagkatapos ng isang civil war sa

pagitan ng mga partidong politikal ng East Timor,

idineklara ng FRETILIN (Revolutionary Front for an

Independent East Timor) ang kalayaan ng East Timor

mula sa Portugal. Subalit, sa kabila ng kanilang

deklarasyon ng kalayaan, ang Indonesia, na nagsusulong

ng "territorial integrity", ay sumalakay sa East Timor

noong Disyembre 1975 at sinakop ang bansa. Ang East

Timor ay naging isang lalawigan ng Indonesia at

ipinagpatuloy ng Indonesia ang kanilang pananakop sa

loob ng 24 na taon.

Ang Pananakop ng Indonesia at ang Pagpapalaganap ng Karahasan

Ang pananakop ng Indonesia sa East Timor ay nagdulot ng matinding paghihirap sa mga

mamamayan ng Timor. Ang mga sundalo ng Indonesia ay gumagamit ng mga taktika ng

karahasan, kabilang na ang mass killings, torture, at forced displacement ng mga tao.

Tinatayang 100,000 hanggang 200,000 na Timorese ang namatay sa panahon ng digmaang sibil

at pananakop. Ang mga karahasang ito ay nagbigay ng malupit na epekto sa ekonomiya, kultura,

at kalusugan ng bansa.

Sa kabila ng matinding karahasan,

nagpatuloy ang paglaban ng mga grupo

ng mga rebelde tulad ng Fretilin at

ang National Council of Timorese Resistance

(CNRT), na pinangunahan ni Xanana

Gusmão. Sa ilalim ng matinding pamumuno

ng mga lider ng kilusang paglaban, pinanatili

ng mga mamamayan ng East Timor ang

kanilang adhikain para sa kalayaan, bagamat

maraming beses silang pinatawan ng mga

hakbang na naglalayong supilin ang kanilang

paglaban.

Ang Papel ng Komunidad Pandaigdig at ang UN

Sa kabila ng patuloy na pagsupil ng Indonesia sa mga mamamayan ng East Timor, ang

komunidad pandaigdig ay patuloy na nagbigay-pansin sa sitwasyon sa bansa. Sa huling bahagi

ng 1990s, nagsimula ang mga hakbang na humihikayat sa Indonesia na bigyan ng pagkakataon

ang East Timor na magkaroon ng isang referendum sa pagpapasya ng kanilang kalayaan.

Noong 1999, pagkatapos ng mga taon ng diplomatic pressure at mga protesta mula sa

mga grupong pabor sa kalayaan ng East Timor, isang referendum ang isinagawa sa East Timor

upang alamin kung nais ng mga mamamayan ng bansa na maging malaya mula sa Indonesia.

Ang resulta ng referendum ay 78.5% na boto para sa kalayaan ng East Timor, na nagbigay ng

malinaw na mensahe sa Indonesia na ang mga mamamayan ng Timor ay hindi nais manatili sa

ilalim ng kanilang kontrol.

Subalit, ang resulta ng referendum ay naging sanhi ng malupit na karahasan mula sa mga

pro-Indonesian militia, na suportado ng mga Indonesian military. Nagkaroon ng massive

destruction sa kabisera ng Dili at iba pang mga lugar sa East Timor. Ang mga militia at mga

sundalong Indonesian ay nagsagawa ng ethnic cleansing at pagpatay sa mga taong pumili ng

kalayaan. Ang mga aksyon na ito ay nagdulot ng malawakang paglikas ng mga refugees sa mga

kalapit na bansa, lalo na sa West Timor.

Dahil sa matinding karahasan, nagpadala ang United Nations (UN) ng

isang peacekeeping force sa East Timor upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga

mamamayan. Ang United Nations Transitional Administration in East Timor (UNTAET) ay

itinatag upang pamahalaan ang bansa at magbigay ng mga hakbang upang maipatupad ang

kalayaan nito.

Pagkamit ng Kalayaan ng East Timor

Noong 2002, matapos ang tatlong taon ng pamamahala ng UNTAET, natamo na ng East

Timor ang ganap na kalayaan at naging isang malayang bansa. Ang April 28, 2002 ay itinakda

bilang opisyal na araw ng independensya ng East Timor, at sa Mayo 20, 2002, isang

makasaysayang seremonya ang isinagawa sa Dili, ang kabisera ng bansa. Si Xanana Gusmão, na

isa sa mga pinuno ng laban para sa kalayaan, ay naging unang pangulo ng bansa. Ang

pagkakamit ng kalayaan ay isang simbolo ng tagumpay ng mga mamamayan ng East Timor

laban sa mga mananakop at sa mga taon ng paghihirap.

Mga Hamon at Pag-unlad ng East Timor Pagkatapos ng Pagkabansa

Bagamat natamo na ang kalayaan, ang East

Timor ay hindi nakaligtas sa mga hamon ng pagbuo

ng isang matatag na bansa. Ang ekonomiya ng bansa

ay nakasalalay sa mga natural na yaman, tulad

ng langis at gas, ngunit ang mga hamon

sa infrastruktura, kalusugan, at edukasyon ay nanatili.

Ang poverty at ang kakulangan sa mga serbisyo ay

patuloy na naging mga isyu ng gobyerno.

Gayunpaman, ang East Timor ay patuloy na

nagsusumikap upang bumangon mula sa mga

pagsubok. Ang bansa ay nakipagtulungan sa mga internasyonal na organisasyon upang mapabuti

ang kalagayan ng mga mamamayan nito. Ang demokratikong sistema ng gobyerno ay

nagpapatuloy sa pag-unlad, at si Xanana Gusmão ay naging isang mahalagang lider sa pagtatatag

ng isang matatag na pamahalaan at pagtutok sa kapayapaan sa rehiyon.

robot