KOMPAN-L1.docx

  • Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa Pilipinas ay hango sa Census of Population and Housing (CPH) na isinasagawa National Statistics Office (NSO).
  • Ayon sa datos noong 2000 na isinagawa ng CPH, may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa bansang Pilipinas.

TAGALOG- 5.4 m katao ang gumagamit.

BISAYA- 3.6 m katao ang gumagamit.

ILOKANO- 1.4 m katao ang gumagamit. HILIGAYNON- 1.1 m katao ang gumagamit.

KAPAMPANGAN, PANGASINAN, WARAY, BIKOL, MAGUINDANAO, at TAUSUG- Kabilang sa sampong wikang gamitin ng mga tao

LINGUA (latin)- nangangahulugang “dila” at

“wika” o “lengguwahe”.

LANGUE (pranses)- nangangahulugang “dila” at “wika”.

LANGUAGE (english)- Ginagamit na katumbas ng salitang “lengguwahe”.

---Dalubhasa na Nag-aral ng Wika--

HENRY ALLAN GLEASON JR.

  • Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

EDWARD SAPIR

  • Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanang lumikha ng tunog.

CAMBRIDGE DICTIONARY

  • Ang wika ay sistemang komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan.

CHARLES DARWIN

  • Ang wika ay isang tulad ng paggawa ng servesa o pagbe-bake ng cake, o pagsulat.
  • Hindi raw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan na pag-aralan muna bago ito matutunan.

-Kasaysayan ng Wikang Pambansa-

1934

  • Nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal kung saan isa sa mainitang tinalakay at pinagtalunan ang pagpili ng wikang pambansa.
  • Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang Wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.

1935

  • Sa Saligang batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “...ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)

1937

  • (Disyembre 30) Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Manuel Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.

1940

  • Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang paglilimbag ng isang Diksyonaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
  • Sa taon ding ito ay sinimulan ng ituro sa mga pampubliko at pampribadong paaralan ang naturang Wikang Pambansa na nakabatay sa Tagalog.

1946

  • Hulyo 4, 1946 araw na ipinagkaloob ng mga Amerikano ang pagsasarili ng Pilipinas at ipinahayag din na ang opisyal na wika sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.570.

1959

  • (Agosto 13) Pinalabas ng kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.

1972

  • Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may 50 000 mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artikulo XV, Seksyon 3).

1987

  • Sa Saligang Batas ng 1987, ipinagtibay ng Komisyong konstitusyonal na binuo ni Pangulong Corazon C. Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
  • Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito ay dapat na pagyabungin at pagyamanin sa salig na umiiral na mga wika sa Pilipinas.”

---Iba pang Konseptong Pangwika--

WIKANG OPISYAL

  • Ang wikang opisyal ay ang wikang itinadhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. Sa Pilipinas, itinakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa.

WIKANG PANTURO

  • Sa Pilipinas, ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong 1987 bilang pagtupad sa mandato ng Konstitusyong 1987.
  • Noong 2009, ipinatupad naman ang Mother Tounge-Based Multilingual Education (MTB-MLE) upang magbigay diin sa paggamit ng katutubong wika bilang unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

19 na Pangunahing Wika at Diyalekto sa Pilipinas

  1. Aklanon
  2. Bikol
  3. Cebuano
  4. Chavacano
  5. Hiligaynon
  6. Ilokano
  7. Ivatan
  8. Kapampangan
  9. Kinaray-a
  10. Maguindanaoan
  11. Meranao
  12. Pangasinan
  13. Sambal
  14. Surigaonon
  15. Tagalog
  16. Tausug
  17. Waray
  18. Yakan
  19. Ybanag