Masasabing ang ==pagsulat ay isang talento== dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay ==kailangang mapukaw ang ating interes==. Kailangan nating mabatid ang mga ==dapat tandaan sa pagsusulat== partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:
Wika: Nagsisilbing behikulo ==para maisatitik== ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng ==taong nais sumulat==. Dapat matiyak
kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa
ng akda. Nararapat magamit ang wika ==sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.==
Paksa: Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng ==sapat na kaalaman sa paksang isusulat== upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na
ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
Layunin: Ang layunin ang magsisilbing ==gabay sa paghabi ng mga datos== o nilalaman ng iyong isusulat.
Pamaraan ng Pagsulat: May ==limang paraan ng pagsulat== upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
A.Paraang Impormatibo: Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
B. Paraang Ekspresibo: Ang manunulat ay naglalayong ==magbahagi ng sariling opinyon==, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
C. Pamaraang Naratibo: Ang pangunahing layunin nito ay ==magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari== batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
D. Pamaraang Deskriptibo: Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay ==maglarawan== ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.==Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.==
E. Pamaraang Argumentatibo: Naglalayong ==manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa==. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Kasanayang Pampag-iisip: Taglay ng manunulat ang kakayahang ==mag-analisa== upang
masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
==Kailangang makatuwiran ang paghahatol== upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat: Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng ==sapat na kaalaman sa wika at retorika== partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng
talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin: Ito ay tumutukoy sa ==kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon== mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.
Teknikal na Pagsulat: ==Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto== o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para ==lutasin ang isang problema== o suliranin sa isang ==tiyak na disiplina== o larangan . Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga ==propesyonal na tao== upang maihatid ang ==teknikal na impormasyon== sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal.
==Halimbawa==: Feasibility Study, manwal, Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa.
Reperensyal na Pagsulat: ==Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman== o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang makikita ito sa ==huling bahagi== ng ==isinagawang pananaliksik== o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng ==Review of Related Literature (RRL)== na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.
Dyornalistik na Pagsulat: May kinalaman ito sa mga ==sulating may kaugnayan sa pamamahayag== tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay ==isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter== at iba pang bihasa sa pangangalap ng ==mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan== sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin, o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.
Akademikong Pagsulat – Isa itong ==intelektwal na pagsulat.== Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay ==Carmelita Alejo== et.al. ==Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat== o ng isang ginawang pananaliksik.
Malikhaing Pagsulat: ==Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.== Mabibilang sa uring ito 13 ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.
Propesyonal na Pagsulat - ==Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.== Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
==Halimbawa:== sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: