Filipino_2nd Monthly
Panitikan 1
Pele, Dyosa ng Apoy at Bulkan
Hawaii
50th US State (Agosto 21, 1959)
Honolulu
Hawaiki - tahanan ng Polynesian
8 malalaking isla
124 maliliit na isla
Honolulu, Kauai, Maui, Hawaii - “The Big Islands”
“Mas matimbang pa rin ang dugo sa anumang pagsubok o pagkabigo”
Panitikan 2
Sintahang Romeo at Juliet
“O Pag ibig! Pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”
Inglatera
England
London
Naging sentro ng Rebolusyong Industriyal noong ika-19 na siglo
Protestante, Katoliko, Muslim atbp
William Shakespeare
Abril 23, 1564 - Abril 23, 1616
Pambansang Makata ng Inglatera
Bard of Avon
Pinakadakilang dramaturgo
Pinasikat na likha ay ang Romeo at Juliet at ang Hamlet
Ang Sintahang Romeo at Juliet
Tragikomedya
Naitanghal na sa iba’t ibang entablado sa iba’t ibang bansa
1594-1596
Inglatera - Pakikipagkasundo ng 2 pamilya sa pagpapakasal ng anak. Pag-aasawa sa murang edad ay normal sa kanilang kultura.
Inglatera at Pilipinas - Pagsang-ayon ng magulang sa mapapangasawa. Pagkakasal ng pari sa dalawang nag-iibigan. Pagtutol sa pagkitil ng sariling buhay.
Pilipinas - Pag-aasawa sa tamang edad. May kalayaang pumili ng mapapangasawa.
Dula
Ang dula ay ang sining ng panggagaya sa buhay at ito ay ginaganap sa tanghalan
Diwa ng mga Anyo ng Dula
Komedya: Magaan ang paksa at katawa-tawa ang mga tagpo
Tragikomedya: Pinagsamang kasiyahan at kalungkutan ngunit matindi ang kalungkutan sa wakas
Parodya: Ginagamit ang katatawanan upang mamuna o magkritik
Trahedya: Kahabag-habag at malungkot ang mga pangyayari at kinahihinat an ng mga tauhan
Saynete: Isang libangang pumapaksa sa kultural na katangian ng isang bayan
Proberbyo: Ang pamagat ay halaw sa karunungang-bayan at nagbibigay-aral sa buhay
Melodrama: Walang saya sa mga tagpo
Parsa: Halos puro kasiyahan na nawawalang saysay na ang daloy ng mga pangyayari
Diwa ng mga Elemento ng Dula
Aktor / Aktres: Mga gumaganap at nagbibigay buhay sa mga pangyayari
Tema: Paksa ng isang dula
Diyalogo: Binibitawang linya ng mga aktor at aktres
Manonood: Mga saksi sa bisa ng itanghal na dula
Iskrip: Kaluluwa ng dula (Naririto ang lahat ng sasabihin at gagawin sa pag-arte)
Direktor: Nagbibigay kahulugan sa iskrip
Tanghalan: Lugar na ganapan ng dula
Diwa ng mga Bahagi / Elemento ng Iskrip ng Dula
Tagpuan: Panahon at lugar kung kailan at saan naganap ang mga pangyayari sa dula
Tauhan: Mga nagbibigay-buahy sa dula na kumikilos sa mga pangyayaring nakasaad dito
Suliranin: Problemang umiiral sa dula na kinabibilangan ng mga tauhan
Tunggalian: Paglaban ng tauhan sa kapwa-tauhan, kalikasan, lipunan, o kaya ay mismong sarili
Kalutasan: Dito ipinakikita ang kinahihinatnan ng mga tauhan mula sa mga tuloy-tuloy na pangyayari sa bawat yugto
Pokus ng Pandiwa
Pandiwa
Nagpapahayag ng kilos, gawa, o kalagayan
Pokus ng Pandiwa
Relasyon ng simuno sa paksa sa kilos ng pandiwa
Aktor o Tagaganap
Paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa
Sumasagot sa tanong na “Sino ang gumawa ng kilos?” o “Sino?”
Mag-, nag-, mang-, maka-, makapag-, um-, -um-
Gol o Layon
Paksa ang layon ng pandiwa
Sumasagot sa tanong na “Ano?”
i-, -an, ma-, na-, ipa-, -in-
Tagatanggap o Benefactor
Ang paksa ang tagatanggap ng kilos ng pandiwa
i-, ipang-, o ipag-
Kagamitan o Instrumental
Ang paksa ang ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa
i-, ipang-, ipinang-
Direksyunal
Ang paksa ang direksyon ng pandiwa
nag-, -an, -han, -in-
Sanhi
Ang paksa ang dahilan ng pagkaganap ng pandiwa
i-, ika-, pag-, pang-