Agrikultura
Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham na may tuwirang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula sa likas na yaman. Batay sa aklat na Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa mga Mag-aaral, ang sektor ng agrikultura ay nahahati sa apat: paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at paggugubat.
1. Paghahalaman
Ito ay ang pagtatanim ng iba’t ibang pananim. Ang mga pangunahing pananim ng ating bansa ay palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamang-gubat at halamang mayaman sa hibla.
2. Paghahayupan Ito ay gawaing pangkabuhayan na kinabibilangan ng pag-aalaga ng hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Tinutustusan nito ang pangunahing pangangailangan sa pagkain at komersyal na gawain sa pamilihan.
3. Pangingisda
Mga Uri ng Pangingisda
A. Komersyal Ito ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada.Sakop ng operasyong ito ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (2016), ang komersyal ay may kita na 58,866,556.69 bilyong piso.
B. Munisipal Ito ay pangingisda na nagaganap sa loob ng 15 kilometro ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa. Umaabot sa 78,925,620.10 bilyong piso ang kita nito.
C. Aquaculture Ito ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang tubig pangisdaan. Halimbawa nito ay ang tabang (fresh), maalat-alat (brackish) at maalat (marine). Ang aquaculture ang may pinakamalaking naitala na produksiyon ng pangisdaan na umabot sa 91,141,919.73 bilyong piso noong 2016.
4. Paggugubat Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Dito nagmumula ang tabla, plywood, troso, at veneer, ratan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-puyutan at dagta ng almaciga. Bahagi din ng pangingisda ay ang panghuhuli ng alimango, hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman. Ang hipon, sugpo at alimango ay iniluluwas sa ibang bansa.
Mga Kahalagahan ng Agrikultura sa Ekonomiya
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan ng pagkain. Sa sektor na ito nanggagaling ang mga pagkain ng tao.
2. Ang agrikultura ang pinagmulan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Ang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya ay nagmumula sa agrikultura.
3.Ang agrikultura ay isa sa mga pinagmulan ng kitang panlabas. Ang mga produktong agrikultural na naibenta sa pamilihang panlabas ay isa sa mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas. Kabilang sa iniluluwas ng Pilipinas ay hipon, kopra, alimango, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.
4. Ang agrikultura ay isa sa mga pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2016, may 11.06 milyon na mga Pilipino ang nabibilang sa sektor ng agrikultura at ito ay 27 bahagdan ng pambansang empleyo. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, at tagapag-alaga ng mga hayop.
5. Ang agrikultura ang pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agrikultural patungo sa sektor ng industriya at paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod. Sa kabuuan, ang sektor ng agrikultura ay mahalaga dahil ito ay isa sa tagapagtaguyod ng ekonomiya ng isang bansa. Isa ito sa mga tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at pinagkukukunan ng kita sa loob at labas ng bansa.