Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan.
Itaas na bahagi - Ang Kahapon
Ibabang bahagi - Ang hinaharap ng bayan. Ang kanang thangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal
Paa ng Prayle
Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paang prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan at bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.
Sapatos
Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang bilisan, kahit panyapak, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay. Mateo 10:10
Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas
Nakalabas na binti na may balahibo sa ilalim ng abito
Pagpapałuwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kanyang hayagang tınalakay sa loob ng nobela
O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balalibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahın ni Don Filipo si San Agustin ng "putns" at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb 2, 1890)
Capacete (helmet) ng guardia sibil
Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan
Latigo ng alperes.
Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi mya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan.
Kadena
Inilagay m Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.
Suplina
Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarılı dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglılınıs sa kanilang mga nagawang kasalanan. Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
Punong Kawayan
- Ay isang mataas ngunit malambot na puno na kadalasang sumasabay lamang sa ihip ng hangin. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga Kastila sa kanilang lipunan.
Lagda Ni Rizal
- Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa
kaniyang kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
Bulaklak ng sunfower
- Ang sunfower ay isang natatanging bulaklak na may kakayahan na sumunod
sa sikat ng araw. Sinisimbolo nito ang mga "Pilipino na naliliwanagan" sa pamamagitan ng pagbabasa ng Noli Me Tangere ukol sa mga ginagawang pagsasamantala ng mga kasla. Iniligay ni Rizal ang bulaklak ng sunfower na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan.
Simetrikal na sulo
- samantala ang sulo naman ang nagsisimbolo ng Noli Me Tangere na nagbibigay ng
liwanag o kamalayan sa mga tao. Pinapahiwag nito ang pagtatapos ng kamangmangan at simula ng panibagong uri ng pamumuhay na hindi magpapaapi sa mga kasla.
Ulo ng Babae
- ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay walang iba kung hindi ang "INANG BAYAN" kung
mapapansin ito ay malapit sa pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ang "A Mi Patria" na malapit sa ulo ng babae ay nangangahulugang "Inang Bayan" kung isasalin ito.
Krus
- ang Krus ay siyang simbolo ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Mapapansin na inilagay ni
Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat, ito ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng lahat ng mga bagay. Simbolo rin ito ng paggamit ng mga kasla ng relihiyon sa pananakop.
Pansining mabuti, na bago ang krus ay makikita ang supang ng kalamansi. Ano ang kahalagahan ng supang ng Kalamansi at isinama ito ni Rizal bilang elemento sa pabalat ng kanyang nobela? Isa sa laganap na paniniwala nan ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. Ang masakit na katotohan, ang paglalagay ni Rizal ng supang ng kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo ng kaniyang insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan.
Dahon ng laurel
- ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ay
ginagawang korono para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mamamayan. Isang paglalarawan ni Rizal na kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng Inang Bayan. Ang dahon ng laurel na nagpapahiwag ng korona ay sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ng ang Inang Bayan.