Fil Ready
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay ang pinakaelaboreyt na gawaing pantao.
Masasabing ang wika ay bahagi ng pagiging tao ng tao. Kung ikukumpara sa ibang likha tulad ng mga halaman o hayop, ang tao may sistematiko at detalyadong paraan ng pagpapahayag ng sarili at pakikipag-ugnayan sa kapuwa-tao.
Ang wika ay may sistema ng pagsasaayos ng mga tunog upang makabuo ng mga salita.
Ang makabuluhang tunog ng isang wika ay tinatawag na ponema.
Kapag pinagsama-sama ang mga ponema nakabubuo tayo ng salita o tinatawag namang morpema.
Sa pagsasama-sama ng mga salita, nakabubuo tayo ng parirala at pangungusap.
Ang wika, partikular na ang mga makahulugang tunog na nagiging salita ay galing sa mga aparato o kasangkapan ng tao sa pagsasalita.
Ang enerhiyang nagmumula sa baga na minomodipika ng mga bahagi ng bibig ay nagiging salita.
Ang mga wika ay kani-kaniyang paraan ng pagsasaayos ng mga ideya at kahulugan. Mahalaga ito upang makapagpahayag ang tao ng tiyak niyang sasabihin o gustong ipahayag.
Halimbawa, pinipili at sinasaayos ng tao ang mga salitang kaniyang gagamitin depende sa lugar o taong kausap. Maaaring mas pormal at istandard ang gagamitin kung nasa akademya o loob ng isang hukuman. Mas impormal naman o mas pamilyar naman kung ang kausap ay kaibigan o kamag-anak.
Ang mga salita at kahulugan sa isang wika ay ‘di namamalayang pinagkakasunduan ng mga taong gumagamit nito.
Halimbawa, ang salitang ‘kutsara’ sa wikang Filipino, nauunawaan ng mga Pilipino na ang tinutukoy ng salita ay ang bagay na ginagamit sa pagsubo ng pagkain.
Pangunahing instrumento ng tao ang wika sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Mula sa kaniyang paggising hanggang sa kaniyang pananaginip, ang tao ay gumagamit ng mga salita at mga kahulugang bahagi ng isang wika.
ang mga salita at kahulugan sa isang wika ay nalilikha sa mga tradisyon, gawi at pang-araw-araw na buhay ng mga taong gumagamit nito. Dahil sa pangangailangang maipahayag ng tao ang kaniyang paniniwala o gawi, nabubuo ang mga salita at kahulugan.
Halimbawa, sa wikang Filipino, dahil bahagi na ang kanin o rice sa pang- araw-araw nating pagkain, marami tayong katawagan dito tulad ng palay (kung ito ay nakatanim pa), bigas (kung ito ay ‘di pa luto), sinangag (kung ito ay muling niluto at nilagyan ng mantika) at iba pa.
Ang pagbabagong tinutukoy sa wika ay ang pagdami, pagbabago, at pagkawala ng mga salita at kahulugang taglay nito. May mga salitang nadaragdag bunga ng pangangailangan at nararanasan ng tao.
Halimbawa, dahil sa nararanasang matinding trapiko sa Kamaynilaan nabuo ang kahulugan ng salitang ‘tukod’ na nangangahulugang hindi paggalaw ng mga sasakyan dahil sa matinding trapiko. Isa pang halimbawa, ang salitang bakla. Noong panahon ni Francisco Balagtas ang kahulugan nito ay pagkaduwag, ngunit sa kasalukuyan, tumutukoy na ito ng isang kasarian.
Kahit na may sistemang sinusunod ang lahat ng wika sa mundo, ang bawat wika ay nagtataglay pa rin ng pagkakaiba o pagkakakilanlan nito.
Halimbawa, ang mga salita, kahulugan o kayarian ng pangungusap na hindi makikita sa ibang wika. Kaya nga, walang wikang superiyor or imperiyor sapagkat ang bawat wika ay natatangi.
Nagsisilbi ang wika bilang kasangkapan upang tugunan ang pangangailangan ng tao sa pagpapahayag, panghihikayat, pag-uutos, pagtuturo, at pakikisalamuha sa ibang tao.
Sa pamamagitan ng wika nagkakaroon ang tao ng bagong kaalaman na magagamit sa kaniyang araw-araw na pakikipagsapalaran. Ito ang nagmumulat sa kaniyang muwang o kamalayan dito sa daigdig.
Wika rin ang lunsaran upang matutuhan ang mga konseptong pang-agham, pangmatematika, pangkasaysayan, at iba pang kaugnay na asignatura.
Mahalaga ang wika sapagkat ito ay gamit sa pagtatakda, pag-uutos, pagbibigay-direksyon sa atin bilang kasapi ng ating lipunang ginagalawan.
Ang wika ay nagsisilbing batayan ng kultura at lahing pinagmulan. Pinagbubuklod nito ang mamamayan at saanmang panig ng daigdig mapunta ay tiyak na madaling makilala batay sa kaniyang wikang ginagamit.
Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ang tao ng kamalayan sa kaniyang pinagmulan gamit ang impormasyong nailimbag mula sa mga naunang henerasyon. Mahalaga ito sapagkat hindi lamang naidurugtong ang kasaysayan sa kasalukuyan bagkus ay nakikita rin kung paano nagbabago ang wika kasabay ng panahon.
Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sariling kaisipan at saloobin. Ito ang daluyan ng anumang pananaw at damdaming nais ipabatid sa taong kausap.
Ang wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, pag-aliw, at pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Ang halimbawa nito ay ang mga akdang pampanitikan na produkto ng malayang kaisipan
/Wikang Pambasa/Wikang Panturo/Wikang Opisyal
Ang pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon ay wika. Ito ang siyang nagbubuklod sa sangkatauhan, magkaiba man ang lahing kinabibilangan.
Ito ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. (Emmert at Donagby, 1981)
Ayon sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2012, ang taong marunong magsalita ng dalawang wika ay tinatawag na bilinggwal. Isang halimbawa nito ay ang taong marunong magsalita ng Filipino at Ingles.
Kung isang wika lamang ang alam ng isang tao, tinatawag itong monolinggwal.
Samantala, kung ang isang tao ay nakapagsasalita ng higit sa dalawang wika, tulad ni Dr. Jose Rizal, tinatawag naman itong polyglot.
nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan; pangunahing wika na nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga tao sa iisang lokasyon. Isang halimbawa nito ang Tagalog na nanganak ng uri o barayti tulad ng Tagalog – Batangas, Tagalog – Cavite, Tagalog – Maynila at iba pa.
Halimbawa:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Balit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
isang wikang nagagamit ng dalawang taong magkaiba ang unang wika. Sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga Pilipino.
Ang hangarin na magkaroon ng magandang ugnayan at pagkakaisa sa bayan ang siyang nag-udyok sa mga dalubwika na isulong ang pagkakaroon ng iisang wikang magbubuklod sa bawat Pilipino. Sumasailalim sa masusing pag-aaral, pagrerebisa at pagraratipika ang wika upang mapagkasunduan ang wikang gagamitin at ituturing na wikang Pambansa ng Pilipinas.
Seksyon 3, Artikulo xiv ng Konstitusyon ng 1935
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Nobyembre 9, 1937
Nagpatibay ng isang resolusyon na ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg.184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
Hunyo 4, 1946
Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asemblea noong Hunyo 7, 1940 – na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
Agosto 13, 1959
Pinalabas ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino.
Pebrero 2, 1987
Taon ng pagtatakda ng katawagang Filipino bilang pagkakakilanlan ng wikang Pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “Ang Wikang Pambansa ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalo-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.
Artikulo XIV ng Saligang Bata 1987: WIKA
Sek.6
Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek.7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika sa rehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum, ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opisyunal ang Kastila at Arabic.
Sek.8
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Sek.9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuong kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg.70.
Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73 – 7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulum mula sa elementarya hanggang kolehiyo, publiko man o pribado.
Tagalog
katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Pilipino
unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959); tawag sa mga taong naninirahan sa Pilipinas.
Filipino
kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987).
Mga salitang pamantayan, istandard ito na anyo ng wika, kinikilala at ginagamit ng nakararami.
Gumagamit ng bokabolaryo, mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw- araw na usapan. Kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal. Ito ay may dalawang uri:
Pambansa
Ginagamit ito ng karaniwang manunulat ng aklat at iba pang pambalarilang babasahin. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral
Halimbawa : magulang, aklat, tahanan
Pampanitikan -
Mga salitang malalim ang kahulugan, matatayog, matalinghaga, makukulay, masining at sadyang matataas ang uri. Mga salitang ginagamit ng mga malikhaing manunulat at dalubwika lalo na sa mga akdang pampanitikan.
Halimbawa: kapus-palad, bunga ng pag-ibig
Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kabilang dito ang lalawiganin, kolokyal at balbal.
Lalawiganin
Ginagamit sa partikular na pook o lalawigan. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng kinamulatang lalawigan, liban kung sila-sila’y magkakatagpo-tagpo sa labas dahil sa kinagisnan, natural na siyang naibubukambibig kaagad.
Kolokyal
Ito’y pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may mga anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Minsan, pinaikli ang salita sa pagkakaltas ng isa o higit pang titik sa isang salita.
Bal bal
Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Mababa ang antas nito at nagkaroon ng codes. Pangalawa sa salitang vulgar na may kabastusan. Pana- panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala.
Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, wika ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak.
ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika. Ang isang ponema ay masasabing makabuluhan kapag nag-iiba ang kahulugan ng isang salitang kinabibilangan nito sa pagkakataong mapapalitan ng ibang ponema.
Halimbawa, ang pasa at basa ay nag-iiba ang kahulugan kapag pinalitan. Ang /p/ at /b/ay mga makabuluhang tunog.
ay pag-aaral sa mga tunog na may katumbas na titik o letra para mabasa o mabigkas. Binubuo ito ng mga patinig, katinig, klaster, diptonggo at iba pa.
Ponemang Pantig
ay binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral, gitna at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang siyang gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas ng mataas, gitna at mababa ayon sa posisyon ng pagbigkas. Ang /a, e, i, o, u/ ay mga patinig.
Ponemang Katinig
ay inayos sa dalawang artikulasyon - ang paraan at punto ng artikulasyon.
Ang paraaan ng artikulasyon ay naglalarawan kung paano pinatutunog ang ponemang katinig sa ating bibig.
Samantala, ang punto ng artikulasyon ay nagsasabi kung saang bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.
Diptonggo
Alinman sa ponemang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang ay tinatawag na diptonggo. Ang mga diptonggo ay: aw, ay, ey, iw, iy, oy, ow, uw, at uy.
Halimbawa: ba-liw, rey-na
Klaster (Kambal-katinig)
Ang Klaster na maituturing na kambal katinig ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig. Maaaring makita ang klaster sa inisyal, midyal at pinal na pantig ng salita.
Halimbawa: Inisyal, blusa, ark
Pares Minimal
Kasama sa pag-aaral ng ponemang segmental ang pares minimal. Ito ay binubuo ng pares ng salitang, magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas.
Halimbawa: Pepe / Pipi, uso/oso, bata/ pata
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ang mga ponemang malayang nagpapalitan ay binubuo ng pares ng salitang nagtataglay ng magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran na di-nababago ang kahulugan.
Kahit na nagpapalitan ang mga ponemang ito, hindi pa rin nagbabago ang kahulugan ng salita kaya tinawag itong Malaya dahil maaari silang magpalit ng posisyon.
Halimbawa: marami/ madami, tutuo, totoo
tumtukoy sa pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hindi ito tinutumbasan ng letra sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas.
Ang MORPOLOHIYA ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
Morpemang Ponema o makahulugang tunog
Ang morpemang ponema ay binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/ na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.
Halimbawa: doktor - doktora, propesor - propesora
Morpemang Salitang-ugat
Maituturing itong malayang morpema dahil nakakatayong mag-isa. Binubuo ito ng mga morpemang may taglay na kahulugan kahit walang panlaping nakakabit.
Halimbawa: dagat, takbo, hiram
Morpemang Panlapi
Ang mga morpemang panlapi ay ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay at matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa.
Halimbawa:
ma – may kahulugang taglay o pagkamayroon um – gawi o gawain mala – katangiang kahawig ng
mag- + laro – maglaro (makadiwa) ma- + sipag – masipag (makauri) mag- + ama – mag-ama (makangalan)
Ponolohiya - ay ang pag-aaral ng mga tunog ng wika. Ponema - ay ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika.
Morpolohiya -ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ang pagsama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.
Morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na mayroong kahulugan.
Panghalip is a Filipino term for pronoun. It is a word that is used to replace a noun or a noun phrase in a sentence. It is one of the eight parts of speech in the Filipino language.
There are several types of panghalip in the Filipino language. These include:
Panghalip Panao - used to refer to the speaker, the person being spoken to, or the person being spoken about. Examples include ako, ikaw, siya, tayo, and sila.
Panghalip Pamanggit - used to mention or point out someone or something. Examples include ito, iyan, doon, and kung sino.
Panghalip Pananong - used to ask questions. Examples include sino, ano, saan, kailan, and bakit.
Panghalip Pamatlig - used to emphasize or stress a noun or pronoun. Examples include mismo, rin, lamang, and pa.
Panghalip Pamatlig na Panaklaw - used to connect two clauses or sentences. Examples include na, upang, at, and pero.
Here are some examples of panghalip in sentences:
Siya ay magaling sa pag-awit. (He/She is good at singing.)
Anong oras na? (What time is it?)
Ito ang aking libro. (This is my book.)
Tayo ay magkakasama sa paglalakbay. (We will travel together.)
Kailan ka uuwi? (When will you go home?)
Panghalip is an important part of the Filipino language. It helps make sentences shorter and more concise by replacing nouns or noun phrases. By understanding the different types of panghalip, one can effectively communicate in Filipino.
Panghalip is a type of word in the Filipino language that is used to replace a noun or a group of nouns in a sentence. There are different types of panghalip, and each has its own function and usage. Here are some of the most common types of panghalip:
Personal pronouns are used to refer to a specific person or thing. They can be singular or plural, and they can also be used as the subject or object of a sentence. Examples of personal pronouns are:
Ako (I)
Ikaw (You)
Siya (He/She)
Kami (We)
Kayo (You all)
Sila (They)
Demonstrative pronouns are used to point out a specific person or thing. They can be used to indicate something that is near or far from the speaker. Examples of demonstrative pronouns are:
Ito (This)
Iyan (That)
Doon (There)
Interrogative pronouns are used to ask questions. They are often used to ask for information about a person or thing. Examples of interrogative pronouns are:
Sino (Who)
Ano (What)
Saan (Where)
Indefinite pronouns are used to refer to a person or thing that is not specific. They are often used to express a general idea or concept. Examples of indefinite pronouns are:
Kung sino-sino (Whoever)
Anuman (Whatever)
Kahit sino (Anyone)
Relative pronouns are used to connect a clause or phrase to a noun or pronoun. They are often used to provide additional information about a person or thing. Examples of relative pronouns are:
Na (That/Which)
Ang (That/Which)
Na...ang (That/Which)
These are just some of the most common types of panghalip in the Filipino language. By using these pronouns correctly, you can make your sentences more concise and clear.
Ito ay binubuo ng dalawang o higit pang mga salita na hindi nagtataglay ng buong kahulugan ng isang pangungusap.
Mayroong dalawang uri ng parirala:
Pangngalan - binubuo ng pangngalan at mga kataga o panghalip na naglalarawan o nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa pangngalan.
Pang-ugnay - binubuo ng pang-ugnay at dalawang o higit pang mga salita na nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa pangungusap.
Ito ay binubuo ng dalawang o higit pang mga salita na nagtataglay ng buong kahulugan ng isang pangungusap.
Mayroong tatlong uri ng sugnay:
Payak - binubuo ng simuno at panaguri.
Tambalan - binubuo ng dalawang salitang ugat na pinagsama upang makabuo ng isang salita.
Hugnayan - binubuo ng pang-ukol at ang salitang tinutukoy nito.
Ito ay binubuo ng isa o higit pang mga salita na nagpapahayag ng buong kaisipan.
Mayroong dalawang uri ng pangungusap:

Eksistensyal – nagsasasaad ng “pagkamayroon” o “pagkawala”.
Halimbawa: Wala pang sundo. May solusyon na. May ginagawa pa.
Temporal – nagsasasaad ng kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na itong pang-abay na pamanahon. Halimbawa: (Oras, araw, petsa) Dapit-hapon na. Samakalawa ay Martes. Ala una pa lang ng madaling araw.
Halimbawa: (panahon, selebrasyon) Kaarawan niya kahapon. Magbabakasyon lang. Undas sa nakaraang linggo.
Modal – nangangahulugan ito ng gusto, pwede, maaari, dapat o kailangan.
Halimbawa: Pwede bang subukan?
Ka-Pandiwa – nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na “lang” o “lamang”.
Halimbawa: Kagagaling ko lang ng palengke.
Kaaalis lamang. Kasasabi niya lang. Kararating lang.
5. Penomenal – tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan
o pangyayari sa kalikasan o pangkapaligiran.
Uri ng Penomenal:
Verbal – binubuo ng pandiwa na maaaring may adverbial o pang-abay.
Halimbawa: Umuulan.
Bumabaha kahapon. Iinit marahil.
Adjectival – binubuo ng mga pang-uri na maaaring may kasamang adverbial o pang-abay.
Halimbawa: Maginaw ngayon.
Napakamaalinsangan talaga. Makulimlim na naman.
6. Mga Panawag – maaaring tawaging “vocative” o iisang salita o panawag.
Halimbawa: Pssst! Honey! Hoy! Miss!
Pambating Panlipunan – magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
Halimbawa: Salamat po! Magandang araw! Tao po!
8. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin ng tao.
Halimbawa: Ay mali! Aray ko! Diyos ko! Susmaryosep!
9. Pakiusap – nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.
Halimbawa: Pakiabot nga! Sige na. Makisuyo nga!
Ang Ibong Adarna ay isang epikong Pilipino na nagsasalaysay ng mga kahindik-hindik na pakikipagsapalaran ng isang prinsipe upang makuha ang ibon na may kakayahang magpagaling ng kahit anong sakit.
Sa kanyang paglalakbay, nakatagpo siya ng tatlong prinsesa na kanyang minahal. Ngunit sa bawat pag-ibig na kanyang naranasan, nagdulot ito ng kanyang pagkabigo.
Sa huli, natagpuan niya ang Ibong Adarna at nakapagpagaling ng kanyang ama. Ngunit sa kabila ng tagumpay na ito, hindi niya nakuha ang pag-ibig ng kanyang minamahal.
Pag-ibig at Pagkabigo
Pagpapakasakit para sa Pag-ibig
Kabutihan at Kasamaan
Pagpapatawad at Pagbabago
Ang Ibong Adarna ay isang epikong nagpapakita ng mga kahalagahan ng pag-ibig, kabutihan, at pagpapatawad. Ito ay isang kwento na nagpapakita ng mga hamon sa buhay at kung paano ito malalampasan sa pamamagitan ng pagbabago at pagpapakasakit para sa mga mahal sa buhay.
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, hayop, o bagay.
Halimbawa: Kumakain, tumatakbo, umiinom, nagsusulat.
Ang aspekto ay tumutukoy sa uri ng kilos o galaw na isinasagawa ng pandiwa.
May tatlong uri ng aspekto: perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo.
Ito ay tumutukoy sa kilos o galaw na natapos na o nagawa na sa nakaraang panahon.
Halimbawa: Naglaba, kumain, nag-aral.
Ito ay tumutukoy sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa o hindi pa tapos.
Halimbawa: Kumakain, naglalaba, nag-aaral.
Ito ay tumutukoy sa kilos o galaw na gagawin pa lamang o nasa plano pa lamang.
Halimbawa: Maglalaba, kakain, mag-aaral.
Maaaring magbago ang aspekto ng pandiwa depende sa konteksto ng pangungusap.
Halimbawa:
Imperpektibo: Kumakain ako ngayon ng almusal.
Perpektibo: Nakakain na ako ng almusal kanina.
Kontemplatibo: Kakain na ako ng tanghalian mamaya.
a. POKUS SA TAGAGANAP o AKTOR - Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na SINO? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang mag-, nag-, ma-, na-, um-, at -um-. Halimbawa:
Nagtatayo ng gusaling pangkampus ang Pisay sa Cogon.
Ang mga bata ay humahalakhak sa tuwa.
Nakakita siya ng mali sa sistema.
b. POKUS SA LAYON o GOL - Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na ANO? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang - in, -in-, i-, -an, at na-. Halimbawa:
Itaguyod natin ang kaligtasan sa panahon ng pandemya.
Alagaan mo ang iyong karapatan.
Nababatid nila ang kakulangan.
c. POKUS SA GANAPAN o LOKATIBO - Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na SAAN? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang/-an, mapag-/-an, pinag-/- an, at -in-/-an. Halimbawa:
Paglalagyan niya ng dokumento ang kahon.
Mapagtatapunan ng basura ang site.
Pinagdarausan ng kaarawan ang hardin.
d. POKUS SA TAGATANGGAP o KALAANAN o BENEPAKTIBO - Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na PARA KANINO? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang i-, -in, at ipag-. Halimbawa:
Ibinili niya ang anak ng ice cream.
Ang mga bisita ay ipinagluto ni Nanay ng pansit.
Ipaghanda mo ang kuya mo ng tuwalya.
e. POKUS SA GAMIT o INSTRUMENTO - Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na SA PAMAMAGITAN NG ANO? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang –ipang at maipang-. Halimbawa:
Ang walis tingting ang ipinanlilinis niya ng bakuran.
Maipanunungkit ni Ruben ang mahabang kawit ng buko.
Ipinantulong niya ang naipong pera sa mga nangangailangan. f. POKUS SA SANHI o KUSATIBO - Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na BAKIT? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang ika- at ikina-. Halimbawa:
Ang pagpaunlak ng pangulo sa imbitasyon ay ikinatuwa ng lahat.
Ikinawasak ng maraming ari-arian ang pananalasa ng mga bagyo.
Ikinabahala ng marami ang patuloy na paglaganap Corona Virus.
g. POKUS SA DIREKSYONAL - Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na TUNGO SAAN/KANINO? Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay ang –an, -in- at –han. Halimbawa:
Pupuntahan nila ang evacuation center para magbigay ng tulong.
Ang Fantasyland ay pinasyalan ng pamilya ni Raz.
Buong kasabikan nilang tinungo ang Maria Cristina Falls.
h. POKUS SA RESIPROKAL - Ang paksa ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap. Samakatuwid, laging dalawang indibidwal o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa. Ilan sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay mag-/–nan at nag- /–an. Halimbawa:
Magkuhanan kayo ng litrato ng bawat isa.
Nagtutulungan ang mga magkakapitbahay.
Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-katangian sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng pagbibigay ng uri, kabagayan, o bilang ng isang tinutukoy.
Ito ay may tatlong uri: pang-uring panlarawan, pang-uring pamilang at pang-uring pantangi.
mga salitang nagbibigay ng malinaw na larawan (hugis, anyo, lasa, amoy, kulay, laki, layo, lawak at katangian ng ugali) ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Si Diosdado Banatao ay isang tanyag na Pilipinong imbentor, nakilala siya noong masigasig niyang likhain ang pinakaunang Windows accelerator chip na ginagamit ng Intel sa ngayon.
mga salitang nagbibigay ng bilang (dami o kakauntian) ng pangngalang inilalarawan.
mga salitang binubuo ng pangngalang pambalana at pangngalang pantangi na ang huli ay naglalarawan sa una. Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa pangngalang pambalana.
Halimbawa: Ang bawat pamilyang Pilipino ay nararapat magtulungan sa pagtuturo sa miyembro ng pamilyang hinahamon ng blended learning.
Sa payak na pananalita ito ang pang-uring walang hambingang nagaganap.Iisa lamang ang tinutukoy.
Siya ay mabait. Tamad si Juan.
Sa antas na ito ay nagkakaroon ng paghahambing o pagkokontrast na maaaring tumutukoy sa tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Walang tiyak na pinaghahambingan at pinakikilalang tampok sa lahat. Nagsasaad ng kasidhian kung kaya itinuturing na pinakamataas na kaantasan ng pang-uri. Gumagamit ng mga katagang pinaka, ubod, napaka, lubha, totoo, atbp.
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Sa estruktural na kahulugan, ang pang-abay ay makikilala dahil sa kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.
Halimbawa:
Malayang namumuhay ang kabataan.
Sa pangungusap, ang malaya ay pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwang namumuhay.
Halos kasintaas ko na siya.
Sa ikalawang pangungusap, ang halos ay pang-abay na nagbibigay turing sa pang-uring kasintaas.
mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. Ito’y karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Sa Tagalog ay may 16 na katagang pang-abay oingklitik. Ang mga ito ay ang sumusunod:
ba daw/raw. pala man
kasi. din/rin tuloy muna
kaya naman nga. pa
na yata sana lamang/lang
Sa mga Tagalog ang rin/din at raw/daw ay malayang nagkakapalitan.
Mayroon namang iba na ginagamit ang rin/raw kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig,
samantalang ang din/daw ay karaniwang ginagamit kapag ang sinu-sundang salita ay nagtatapos sa katinig.
Ang lamang at lang ay laging malayang nagkakapalitan.
May ibang nagpapalagay na ang lamang ay gamit na pormal samantalang ang lang ay impormal.
Ang lamang at lang ay may kahulugang kilos na nagaganap kapag kasunod ng pandiwang banghay sa ka.
ay napapangkat sa pang-abay na pamanahon, pang-abay na panlunan, pang-abay na pamaraan, pang-abay na pang-agam, pang-abay na kundisyunal, pang-abay na panang-ayon, pang- abay na pananggi, pang-abay na panggaano o panukat, pang-abay na kusatibo, pang-abay na benepaktibo at pang-abay na pangkaukulan.
Pang-abay na Pamaraan
• Inilalarawan nito kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
• Sinasagot nito ang tanong na PAANO.
Halimbawa:
Masiglang pinag-aralan ng mga guro ang makabagong paraan nang pagtuturo.
Masayang natapos ang kanilang klase.
Tahimik na nakikinig ang mga iskolar sa paliwanag ng kanilang guro.
Pang-abay na Pamanahon
• Isinasaad nito kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos. •
Sinasagot nito ang tanong na KAILAN.
• May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon:
o may pananda
o walang pananda
o nagsasaad ng dalas
<<Halimbawa: ➢ May pananda: <<nang, sa, noon, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Pangungusap: Tuwing umaga ang online class namin sa Pisay.
➢ Walang pananda: k<<ahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali<<
Pangungusap: Mamaya na ako kakain, sasagutin ko muna ang aming formative assessment.
➢ Nagsasaad ng dalas: araw-araw, taon-taon, tuwing umaga
Pangungusap: Araw-araw akong naghahanda sa aking klase.
Pang-abay na Panlunan
• Tumutukoy sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa
• Karaniwang ginagamit ang pariralang sa, kay, o kina
• Ito ay sumasagot sa tanong na SAAN
Ang sa - ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana at panghalip
Halimbawa: Kami ay naligo sa swimming pool.
Ang kay/kina ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging nghalan ng tao.
Halimbawa: Natulog kami kina Bea pagkatapos maligo.
Pang-abay na Panggaano
Nagsasaad ng timbang o sukat
Sumasagot sa tanong na GAANO o MAGKANO
Halimbawa: Tumagal nang limang oras ang pag-uusap naming magkaibigan. Kinain namin ang 2 kilong mani habang nag-usap -usap. Tumaas ang presyo ng gasolina ng isang piso kanina lamang.
Pang-agam
nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang at iba pa
Mga Halimbawa: Siguro kung mag-iingat tayong lahat ay matatapos na ang pandemya.
Baka ang 20 proyekto na inilunsad ng DOST noong ika-20 ng Pebrero 2020 ay makakatulong sa maraming tao.
Tila ay hindi nakikinig ang mga tao sa mga babala ukol sa lupit ng COVID-19.
Panang-ayon
nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, siyempre at marami pang iba.
Mga Halimbawa: Sadyang ligtas ang pagiging maingat sa panahong ito.
Tunay ngang nagsusumikap ang gobyerno na mabakunahan lahat para mataposna ang pandemya.
Totoong nakakatakot ang sakit na dulot ng Severe Acute Resperatory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2).
Pananggi
nagsasaad ng pagtanggi, pagsalungat o pagtutol. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang hindi, di at ayaw.
Mga Halimbawa: Hindi makapapayag ang ating Pangulong Duterte na malugmok tayo sapandemya.
Di matatapos ang problema ng ating bansa kung hindi tayo magtutulungan.
Ayaw magpahuli ng Department of Science and Technology sa pagtulong sa ating bansa.
Panulad
– ginagamit sa pagtutulad o paghahambing ng dalawang mga bagay sa pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang pareho, mas mabuti, lalo at iba pa.
Parehong nagsusumikap ang Department of Science and Technology (DOST) at ang Development Academy of the Philippines (DAP) na magkaroon ng tatlumpo’t libong (30,000) na makapagtapos ng Data Analysis at Data Analytics sa taong 2022.
Mas mabuting manatili sa bahay kaysa sa pumunta sa mga taong lugar sa panahon ngayon upang iwas hawaan ng COVID-19.
Lalong makabuluhang mag-aral kaysa sa maglato ng ML.
❖ Ang pang-abay na kundisyunal
ay nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga pang-abay na kundisyunal ay mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o ‘pag at pagka-.
Halimbawa:
Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan para sa ating bayan kung buong-puso tayong makikipagtulungan sa mga maykapangyarihan.
Luluwag ang ekonomiya ng bayan kapag nakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin.
❖ Ang pang-abay na kusatibo
ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Binubuo ito ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
Halimbawa:
Nakakuha siya ng gintong medalya sa pagtatapos niya sa Pisay dahil sa pagiging masigasig niya sa pag-aaral.
Naiwasan niya ang anomang sakit dahil patuloy niyang sinusunod ang mga hakbang sa kaligtasan.
❖ Ang pang-abay na benepaktibo
ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa. Ito ay ipinakikilala ng mga pariralang para sa o para kay.
Halimbawa:
Bumili siya ng libro para sa kaniyang nakababatang kapatid.
Nag-aaral siya nang mabuti para sa kaniyang mga magulang.
❖ Ang pang-abay na pangkaukulan
ay karaniwang ipinakikilala ng mga salitang tungkol, hinggil, o ukol. Nagsasaad ito ng mga bagay na pinatutungkulan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ibinahagi niya sa kanyang ina ang tungkol sa nararamdamang kalungkutan.
Sila ay nagpulong hinggil sa pagpapatupad ng kautusan na bawal lumabas ang mga batang nasa edad anim pababa sa kanilang barangay.
mga katagang ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang salita. Iniuugnay ang mga salitang panuring o naglalarawan tulad ng pang-uri at pang-abay.
May - ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan (paisahan o maramihan), pandiwa, pang- uri o pang-abay at iba pa.
Halimbawa:
May pag-asa pa na matatapos ang pandemya.
May nadiskubre ng mga bakuna para sa COVID-19.
Mayroon- ginagamit kapag sinusundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan at iba.
Halimbawa:
Mayroon silang plano na palawigin ang mga programa ng DOST.
Mayroon kayang pagbabago kung mababakunahan na ang lahat laban sa COVID-
Ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano).
Nag-aral ang mga siyentista nang masinsinan para makadiskubre ng gamut sa
Dumarami nang bahagya ang nagpapakuna laban sa COVID-19. (Gaano karami
Nagkulong tayo nang isang taon dahil sa pandemya. (Gaano tayo katagal
Ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita.
Parami nang parami ang mga inilulunsad na mga proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) katulad ng “13 New Projects on Human Development Industries to help students Cope with Remote Learning”.
Pataas nang pataas ang mga obese at overweight na mga kabataan na naktaira sa mga lungsod ayon sa isang pananaliksik na “Determinants of Overweight/Obesity among Filipino Adolescents: 2018 Expanded NationalNutrition Survey Philippines,” na isinagawa ng DOST-FNRI.
Ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong.
Magkasabay na unang pagkakataon na nanalo ang Pilipinas sa Miss Universe sa katauhan ni Miss Gloria Diaz nang taon din na lumapag ang unang tao sa buwan.
Nang taon na ito ay pumasok ang Delta Virus sa Pilipinas.
Dapat painitan sa araw ang bata nang madagdagan ang Vitamin D sa kanilang katawan. Ginagamit ang nang katumbas ng pinagsámang na at ng.
Sobra nang hirap ang mararanasan ng mga Pilipino kung magpapatupad ng total
Ng
Sinasagot ang tanong na ano
Nakatanggap ang Balaho’s Furniture Shop ng Skills Training on Furniture Equipment Operations and Maintenance galling sa DOST-I ng Candon City, Ilocos Sur. (Ano ang natanggap?)
Magdadala ng liwanag ang PailaJuan Project ng Movement of Ilocos Norte DOST Scholars (MINDS) sa apat na liblib na lugar ng Ilocos Norte ang Batac, Bacarra, Dingras at Sarrat. (Ano ang dadalhin sa apat na lugar ng Ilocos Norte?)
Nagsasaad ng pagmamay-ari
Ang tamarind jam processing ng Department of Science and Technology Regional Office No.1 (DOST-1), sa tulong ng Provincial Science and Technology Center - La Union (PSTC – LU) ay ibinahgi sa “Boses Dagiti Mannalon Ken MangngapTi Al Alinao Norte (BDMKMTAN)” noong ika-30 ng Hulyo 2021.
Subukin
Ginagamit ang subukin kung sinusuri o sinisiyasat natin ang uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
Subukin mong uminom ng bitamina upang ikaw ay sumigla.
Subukin mong gamitin ang sabong ito baka hiyang sa’yo.
Subukan
Ginagamit ang subukan sa palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao.
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
S<<ubukan<< mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.
Ginagamit ang salitang pahiran kung nais lagyan ng isang bagay ang isa pang bagay. To apply ito sa wikang Ingles.
Halimbawa:
• Papahiran ng mantikilya ang mga tinapay.pahiran natin ng disinfectant ang mga hinawakan ng mga tao.
Ginagamit naman ang salitang pahirin kung may tatanggaling bagay sa isa pang bagay. Nangangahulugan din itong to wipe off sa Ingles.
Halimbawa:
• Pahirin mo ang iyong pawis sa likod.
• Nais kong pahirin ang luha sa iyong mga pisngi.
Ginagamit ang salitang iwan kung may hindi isasamang sinoman o anoman sa pag- \alis. To leave someone/something ito sa Ingles.
Halimbawa:
• Masakit sa pakiramdam ang iniwan ka ng iyong minamahal.
• Iniwan ng ina ang kaniyang trabaho para sa kaniyang mga anak.
Magbigay o mag-iwan ng bagay sa kung sinoman ang ibig sabihin naman ng iwanan. To leave something to someone/somebody ito sa Ingles.
Halimbawa:
• Iwanan natin ng makakain ang mga kasama nating nasalanta.
• Laging iniiwanan ng panggastos ng ama ang kaniyang pamilya.
F. Walisan at Walisin
Ang salitang walisan ay tumutukoy sa lugar ng paggaganapan ng pagwawalis. To sweep the place ito sa Ingles.
Halimbawa:
• Winalisan ng mag-aaral ang kaniyang learning area sa bahay.
• Pag-alis ng mga bisita, kaagad ninyong walisan ang bulwagan.
Ginagamit naman ang salitang walisin kung binibigyang pansin ang pagtanggal o \ pag-alis sa bagay sa pamamagitan ng walis. Sweep the dirt ito sa Ingles.
Halimbawa:
• Wawalisin ng mga kasapi ng 4Ps ng DSWD ang mga kalat sa mga paaralan at kalsada.
• Winalis na ang mga nagkalat na dahon sa ating bakuran.