EL FILIBUSTERISMO
1. Q: Ano ang ibig sabihin ng "El Filibusterismo"?
A: Ang paghahari ng kasakiman.
2. Q: Sino ang Gomburza?
A: Ang pinaikling pangalan ng tatlong paring sekular na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
3. Q: Ano ang kahulugan ng "Artilyero"?
A: Lalaking namamahala sa mga kasangkapang pandigma tulad ng baril, kanyon, at iba pang sandata.
4. Q: Kailan sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?
A: Oktubre 1887, sa Calamba.
5. Q: Saan nirebisa ni Rizal ang El Filibusterismo noong 1888?
A: Sa London.
6. Q: Anong sakripisyo ang ginawa ni Rizal upang maipalimbag ang El Filibusterismo?
A: Nagtipid siya sa pagkain upang magkaroon ng sapat na pera para sa pagpapalimbag.
7. Q: Sino ang tumulong kay Rizal sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo?
A: Si Valentin Ventura.
8. Q: Kailan natapos ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo?
A: Noong 18 Setyembre 1891.
9. Q: Ano ang mga salin ng pamagat ng El Filibusterismo sa Ingles?
A: The Filibustering, The Reign of Greed, at The Subversive.
10. Q: Ano ang kahulugan ng "Filibustero" sa Kastila?
A: Tumutukoy sa isang pirata, mangingikil, o taong sumusuporta sa isang rebolusyon.
PANANALIKSIK
11. Q: Ano ang ibig sabihin ng "Pananaliksik"?
A: Isang sistematikong paraan ng pagsisiyasat at pag-aaral ng isang paksa o isyu.
12. Q: Ano ang mga katangian ng mabuting pananaliksik?
A: Sistematik, kontrolado, empirikal, mapanuri, obhetibo, gumagamit ng estadistika, orihinal, akyureyt, matiyaga, pinagsisikapan, nangangailangan ng tapang, at maingat sa pagtatala.
MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
13. Q: Ano ang ibig sabihin ng sistematikong pananaliksik?
A: May sinusunod na proseso o hakbang sa pagtuklas ng katotohanan at solusyon.
14. Q: Ano ang kahulugan ng kontroladong pananaliksik?
A: Hindi binabago ang mga baryabol upang matiyak ang ugnayan ng sanhi at epekto.
15. Q: Ano ang ibig sabihin ng empirikal na pananaliksik?
A: Ang mga datos at pamamaraan ay kailangang katanggap-tanggap at nasusuri.
16. Q: Ano ang kahulugan ng mapanuring pananaliksik?
A: Kritikal na pagsusuri ng mga datos upang maiwasan ang maling interpretasyon.
17. Q: Ano ang ibig sabihin ng obhetibo at lohikal na pananaliksik?
A: Nakabatay sa empirical na datos at walang bias.
18. Q: Bakit kailangang gumamit ng estadistika sa pananaliksik?
A: Upang mailahad nang numerikal at masuri nang siyentipiko ang mga datos.
19. Q: Ano ang ibig sabihin ng orihinal na pananaliksik?
A: Ang mga datos ay sariling tuklas at hindi kinopya mula sa iba.
20. Q: Ano ang ibig sabihin ng akyureyt na pananaliksik?
A: Tumpak ang imbestigasyon, obserbasyon, at deskripsyon upang makabuo ng siyentipikong paglalahat.
21. Q: Ano ang ibig sabihin ng matiagang pananaliksik?
A: Hindi minamadali upang makamit ang matibay na kongklusyon.
22. Q: Bakit sinasabing pinagsisikapan ang pananaliksik?
A: Dahil nangangailangan ito ng panahon, talino, at sipag.
23. Q: Ano ang ibig sabihin ng tapang sa pananaliksik?
A: Ang kakayahang harapin ang di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan.
24. Q: Ano ang ibig sabihin ng maingat na pagtatala sa pananaliksik?
A: Ang tamang pagdodokumento ng mga datos upang maiwasan ang pagkakamali.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
25. Q: Ano ang abstrak sa pananaliksik?
A: Isang maikling buod ng buong pananaliksik na naglalaman ng layunin, metodolohiya, at resulta.
26. Q: Ano ang layunin ng introduksyon sa pananaliksik?
A: Ipakilala ang paksa at ihanda ang mga mambabasa sa kabuuan ng pag-aaral.
27. Q: Ano ang nilalaman ng diskusyon sa pananaliksik?
A: Paglalahad ng resulta at interpretasyon ng datos.
28. Q: Ano ang layunin ng konklusyon sa pananaliksik?
A: Buod ng mahahalagang argumento at resulta ng pananaliksik.