knowt logo

FILIPINO

Maikling Kwento-ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan

Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Kayarian-Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Tema- Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda

Banghay o plot- ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento.

LIMANG BAHAGI NG PIRAMIDE NI FREY TAG

1. EKSPOSISYON- ang tawag sa panimulang pangyayari sa kwento na naghuhudyat at nagpapakilala rin ng mga tauhan.

2. PASIDHING PANGYAYARI- ang bahagi ng kwentong naglalantad ng suliranin o conflict action sanaratibo.

3. KASUKDULAN- ito ay ang kapanapanabik na pangyayari sa loob at daloy ng isang kwento.

4. KAKALASAN O PABABANG PANGYAYARI- mga pangyayaring naglalatag ng pagkalutas ng mga suliranin sa kwento.

 5. WAKAS- naglalahad ng kinahinatnan ng kwento, maaring nagtagumpay o kabiguan ang natamo ng pangunahing karakter sa kwento.

Tinatawag ding LINEAR na banghay ang mga kwentong sumusunod sa estrakturang nilatag ni Frey Tag. Maigi ding madiin na hindi lahat ng kwento ay sumusunod sa pangyayari batay sa pagsusuri ni Freytag. Sa kasalukuyan marami pa ang estraktura na maaring sundan sa isang kwento.

Malikhain ang paglalahad at ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang nais mangyari.

ELEMENTO NG NOBELA

Ang nobela ay may siyam na elemento, ito ay ang tagpuan, tauhan, banghay, pananaw, tema, damdamin, pamamaraan, pananalita at simbolismo.

1. Tagpuan - Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari. Kumpara sa iba pang uri ng akdang pampanitikan, ang kwento sa nobela ay hindi naganap sa iisang tagpuan lamang, sa halip ang mga pangyayari ay nagaganap sa iba't-ibang lugar at panahon.

 2. Tauhan-Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.                                                                                           

     3. Banghay Ito ang pagkakasunud-sunod o dalay ng mga pangyayari.

4. Pananaw - Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of view). Ito ay maaring maging una, pangalawa o pangatlo.

A.     Una-Kapag ang may akda ay kasall sa kwento

B.     Pangalawa - Ang may akda ang nakikipag-usap

C.   Pangatlo-Ito ay batay sa obserbasyon ng may akda

5. Tema - Ito ay paksa kung saan umlikot ang istorya ng nobela. Ito ay maaring maging tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, digmaan, kabayanihan, kamatayan, at iba pa.

 6. Damdamin-Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari. Ang damdamin ay ang emosyong nais iparating ng awtor sa mga mambabasa.

7. Pamamaraan-Ito ay ang istilo na ginamit ng manunulat.

8. Pananalita - Diyalogong ginamit sa nobela

9. Simbolismo-Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at pangyayari na nagpapakita ng mas malalim na kahulugan. Ang magandang halimbawa ng simbolismo sa nobela ay ang pagsusuot ng tauhan ng itim na damit, Ito ay nangangahulugan ng pagluluksa sa tauhang namatay.

TUNGGALIAN SA NOBELA

1. Panloob na tunggalian-kung ang tauhan ay nakakaranas ng repleksibong pagharap sa mga suliranin. Tinatawag din itong tunggaliang tao laban sa sarili.

2. Panlabas na tunggalian- kung ang pagkilos ng karakter ay naaapektuhan ng kanyang kapuwa(tao laban sa tao), (tao laban sa lipunan), (tao laban sa kalikasan)

BARAYTI NG WIKA

Sosyolek- barayti na pansamantala lamang ginagamit sa isang partikular na grupo. Halimbawa: Takdang aralin, chaka, ala areps at iba pa.

Etnolek- nagmumula sa mga etnolingguwistikong grupo o taguri sa grupo ng indibidwal na may parehong kultura at pananaw sa buhay.

Halimbawa: Tohan-tawag sa Diyos (Maranao)

mohana- salamat (ifugao)

kadal herayo tawag sa sayaw ng kasal (kalinga, apayao)

Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan

Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas  Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Uri ng Maikling Kuwento

Sa kwento ng tauhan inilalarawan an mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Sa kwento ng kababalaghan pinag- uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak

Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan

 Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan

Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

Ang Sayaw • Sa padrong ito, ang mga nagaganap ay pabalik-balik sa kani-kanilang mga panahong may kani-kaniyang mga tagpuan

Ang Analisis • Sa padrong ito, iniharap ang lahat ng mga datos, susuriin ang mga ito saka sasabihin ang isang lohikal na kongklusyon

Pagsulat ng Panimula at Wakas

1. Sa Isang Tanong- Tiyakin na ang sagot ay magiging isang sorpresa sa mamababasa. Ang mga sagot ay nasa katawan ng katha, ang wakas ang magbibigay ng buod na kasagutan.

Halimbawa:

Panimula: Bakit ba ang alaala ng isang dyaket ay nagbibigay ng matinding kalungkutan sa akin?

Wakas: Hindi ba malungkot isipin na ang yakap napinangulilahan ko sa aking ina, sa gulang na limang taong gulang ay ipinadama lamang noon, ng dyaket na suot ko?

2. Isang Sipi- Nagbibigay agad ng tinig sa isang katha. Ingatan lamang na mawala ka sa daloy ng pagkukuwento. Maari ka ring gumamit ng sipi sa iyong wakas.

3. Anekdota- Isa itong maikling salaysay, na naghaharap, sa anyong microcosm, kung ano pa ang mangyayari sa kabuuan ng kuwento. luugnay ang wakas sa panimulang ito sa pamamagitan ng pagtutuloy sa anekdota o sa pag-ulit kaya nito.

4. Aksyon- Hinahatak ng ganitong panimula ang mambabasa sa tensyon o momentum ng iyong akda. Kung gagamitin ang aksyon sa wakas, maiiwan mo ang iyong mambabasa, pagkatapos, na waring nadarama pang buhay ang mga pangyayaring binasa sa katha.