Ang replektibong sanaysay ay isang tiyak na uri ng sanaysay na nakatuon sa introspeksiyon ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.
Ito ay nagtatampok ng pagbabahagi ng mga naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin ng isang tao sa isang paksa at ang epekto nito sa manunulat.
Ayon kay Kori Morgan, ito rin ay nagpapakita ng personal na paglago mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Mga Halimbawa ng Paksang Maaaring Gawan ng Replektibong Sanaysay
Librong katatapos lamang basahin
Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
Pagsali sa isang pansibikong gawain
Praktikum tungkol sa isang kurso
Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
Isyu tungkol sa pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea
Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
Paglutas sa isang mabigat na suliranin
Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
At marami pang iba.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Tiyak na Paksa: Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na magiging sentro ng sanaysay.
Panauhan: Isulat gamit ang unang panauhan ng panghalip tulad ng ako, ko, at akin, dahil ito ay nakasalig sa personal na karanasan.
Patunay at Katotohanan: Mahalaga ang pagsama ng mga patunay o katotohanan batay sa mga obserbasyon o nabasang impormasyon upang maging mabisang sanaysay.
Pormal na Wika: Gumamit ng pormal na wika, isinasaalang-alang na ito ay isang akademikong sulatin.
Tekstong Naglalahad: Magpahayag sa isang malinaw at madaling maunawaan na pamamaraan.
Estruktura ng Sanaysay: Sundin ang tamang estruktura; ito ay binubuo ng introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
Organisasyon: Tiyaking lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Introduksiyon
Maaaring magsimula sa pagsagot sa mga tanong:
Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
Bakit hindi ito makaaapekto sa aking pagkatao?
Ibuod ang sagot sa loob ng isang pangungusap na magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan.
Simula ng Sanaysay
Atensiyon ng Mambabasa: Dapat makapukaw ng atensiyon ang simula.
Iba't Ibang Paraan: Gumamit ng iba't ibang paraan ng pagsulat ng mahusay na panimula, maaaring mula sa kilalang pahayag, tanong, anekdota, o karanasan.
Pagpapakilala sa Paksa: Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng sanaysay na magiging preview ng kabuoan ng sanaysay.