0.0(0)

Filipino bilang wikang akademiko

•Mga paraan upang malinang ang wikang Filipino bilang wikang akademiko:

-lumikha ng bagong salita mula sa bagong kaalaman.

-manghiram ng bagong salita mula sa hiram na bagong kaalam.

-magbanyuhay at umangkin ng bagong salita at katawagan.

1.4.KALIKASAN AT ISTRAKTURA Bilang panimulang pagkilala sa istraktura ng isang wika, mahalagang maging pamilyar sa taglay nitong ponolohiya o palatunugan, ang agham ng mga tunog ng isang wika, kasama ang pag-aaral ng histori at mga teorya ng mga pagbabago ng tunog sa isang partikular na wika o sa dalawa o higit pang magkakaugnay na mga wika (Webster, 1990). Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog. Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa nang higit sa mga kasunod na pahina. Ayon kay Santiago (2003), may tatlong salik na kailangan upang makapagsalita ang isang tao: 1. ang pinanggagalingan ng enerhiya o lakas, 2. ang artikulador o kumakatal na bagay, at ang 3. resonador o patunugan. Inilarawan din ni Santiago ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito sa paglikha ng mga tunog. Hangin ang midyum ng mga alon ng tunog na siya naman nating naririnig sa oras na ito ay bigkasin ng isang nagsasalita. Pansinin ang kasunod na ilustrasyon. Mga Instrumentong Gamit ng Tao sa Pagsasalita Palate o Matigas na Ngalangala Velum o Malambot Uvula o Titilaukan Paringhe Epiglotis Laringhe Hiningang Galing sa Baga

0.0(0)
robot