5.0(2)
Tags

Filipino 4th Perio Reviewer

AWIT AT KORIDO
Tulang Romansa - Tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe at prinsesa

2 URI NG TULANG ROMANSA
• Awit - Binubuo ng 12 pantig; may mabagal na himig na tinatawag na andante; tungkol sa bayani at mandirigma; ang mga tauhan ay walang kapangyarihang supernatural
• Korido - Binubuo ng 8 pantig; may mabilis na himig na tinatawag na allegro; tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan; ang mga tauhan ay taglay mayroon kapangyarihang supernatural

Hal ng Awit., Florante at Laura
Hal ng Korido., Ibong Adarna

KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA
Tatlong Layunin ng mga Espanyol sa kanilang pananakop:
Katolisismo, Makapangyarihan, Pampalasa

Limang bansa na maaaring hango mula sa kanilang kwentong bayan ang Ibong Adarna: Denmark, Romania, Austria, Alemanya (Germany), Finland

Bakit kinokonekta ito na isang gawang Pilipino?
Dahil Nasasalamin sa Ibong Adarna ang mga kaugaliang Pilipino.

Mga Kaugaliang Pilipino na masasalamin sa Ibong Adarna:
Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
Mataas na pagpapahalaga sa pamilya (Family Oriented)
Paggalang sa nakatatanda
Pagtulong sa nangangailangan
Pagtanaw ng utang na loob
Pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan

Bakit itinuturing na Panitikang Pantakas (escapist) ang Ibong Adarna sa panahong Espanyol?
Itinuturing ang Ibong Adarna bilang panitikang pantakas (escapist) sapagkat ito ang paraan ng mga Pilipino upang panandaliang makalimutan ang sakit at hirap na kanilang nararanasan mula sa mga Espanyol.

MGA TAUHAN SA IBONG ADARNA
• Ibong Adarna - Makapangyarihang ibon; nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor; makakapagpagaling sa mahiwang sakit ni Haring Fernando
• Haring Fernando - Butihing hari ng Kahariang Berbanya; nagkaroon ng malubhang karamdaman
• Reyna Valeriana - Kabiyak ni Haring Fernando at ina nina D. Pedro, D. Diego, at D. Juan
• Don Pedro - Panganay na anak nina H. Fernando at R. Valeriana; unang umalis upang hanapin ang Ibong Adarna
• Don Diego - Ikalawang anak nina H. Fernando at R. Valeriana; pangalawang umalis upang hanapin ang Ibong Adarna
• Don Juan - Bunsong anak nila H. Fernando at R. Valeriana; makisig, matapang at may mabuting kalooban; nakahuli sa Ibong Adarna at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid
• Matandang Sugatan/Leproso - Humingi ng tulong at huling tinapay ni D. Juan habang patunga siya sa Bundok ng tabor; nagsabi ng mga bagay dapat gawin ni D. Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor
• Higante - Mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni D. Juan
• Ermitanyo - Mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor; tumulong kay D. Juan upang mahuli ang Ibong Adarna
• Matandang Lalaking Uugod-ugod - Tumulong kay D. Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina D. Pedro at D. Diego
• Donya Juana - Unang babaeng nagpatibok sa puso ni D. Juan
• Donya Leonora - Nakababatang kapatid ni D. Juana na bihag naman ng isang serpiyente
• Lobo - Alaga ni Donya Leonora; gumamot kay D. Juan nang siya'y mahulog sa balon sa pagtaksil ni D. Pedro
• Serpiyente - Malakang ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay D. Leonora
• Donya Maria Blanca - Prinsesa ng Reyno de los Cristales; maraming siyang kapangyarihan
• H. Salermo - Hari ng Reyno de los Cristales; ama ni D. Maria Blanca

5.0(2)
Tags
robot