Filipino 1st quarter GRADE 12

1 ANG PAGSUSULAT

MGA DAHILAN NG  PAGSUSULAT:

    Nagsisilbing libangan

    Mag-aaral, matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.

    Propesyonal na manunulat; awtor, peryodista, sekretarya, guro, at iba pa, pagtugon sa bokasyon o trabahong kanilang ginagampanan sa lipunan.

 

MABILIN (2012)

    Ayon sa kaniya, ang:

Pagsusulat

    Ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.

    Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

 

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

ROYO (2001)

    Nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na “Pagbasa, Pagsulat, at Pananaliksik”, malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao.

    Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.

    PANGUNAHING LAYUNIN NG PAGSULAT: ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. – belief knowledge and experiences

    Napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa.

    Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng makababasa nito.

 

MABILIN (2012)

    Ayon sa kanya, sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino”, ang LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG PAGSULAT ay maaaring mahati sa dalawang bahagi.

 

2 BAHAGI NG LAYUNIN NG PAGSASAGAWA NG PAGSULAT

(2 Parts of the Purpose of Writing) PePa

1.   Personal o Ekspresibo

    Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.

    Ito ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat.

    Halimbawa: sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan.

 

2.   Panlipunan o Sosyal

    Layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.

    Tinatawag ding transaksiyonal.

    Halimbawa: liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

    Taglay nito ang isang tiyak na layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan.

 

þ  Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akdang maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa tao o sa lipunan.

þ  Halimbawa: talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.

 

KAHALAGAHAN O ANG MGA BENEPISYONG MAAARING MAKUHA SA PAGSUSULAT

(Importance and Benefits From Writing)

  1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.

  2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik

  3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

  4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat

  5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.

  6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.

  7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

 

MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

(Needs In Writing) WPLPK3

Car, earth, giya/weaver, technique, knowledge, knowledge if the technique is suitable, expertism.

 

1. Wika

   Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kasipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

   Mahalagang matiyak kung anong uri wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon, o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba.

   Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.

 

2. Paksa

   Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

   Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malamán, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

   Ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-pansin.

 

3. Layunin

   Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

   Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.

 

4. Pamamaraan ng pagsulat

   Upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.

 

5 Pangunahing Pamamaraan ng Pagsulat

IENDA

a.   Paraang Impormatibo

    layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

b.   Paraang Ekspresibo

    ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

c.   Pamamaraang Naratibo

    layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

d.   Pamamaraang Deskriptibo

    ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.

e.   Pamamaraang Argumentatibo

    ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

 

5.   Kasanayang pampag-iisip

    Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

    Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag- iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran.

    Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo siya sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.

 

6.   Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat

    Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

 

7.   Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin

    Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

 

MGA URI NG PAGSULAT

MTPDRA

  1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

    Maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang.

    HALIMBAWA: maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa.

 

  1. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

    Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.

    Bagama't maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na makauunawa lamang nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan.

    HALIMBAWA:  Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City, at Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

 

  1. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

    May kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

    Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

    HALIMBAWA: guro, mahalagang matutuhan nila ang wastong pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o assessment.

 

  1. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

    May kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

    Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa.

    Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo at telebisyon.

 

  1. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

    Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon.

    Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL).

    Ang RRL o kaugnay ng mga literatura ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinasagawang pananaliksik.

 

  1. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

    Isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan.

 

CARMELITA ALEJO ET AL. (2005)

    Sa aklat na “Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik”, ang:

Akademikong pagsulat

    Ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan.

    Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik.

 

EDWIN MABILIN ET AL. (2012)

    Ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat.

    Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba't ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

    Kaya naman, sa aklat na ito ay lubos na tatalakayin ang mahahalagang paksa hinggil dito na tiyak na makatutulong nang malaki sa pagharap mo sa totoong buhay lalo na sa larangan ng edukasyon at trabaho.

 

MABILIN (2012)

    Ayon sa kaniya, ang:

Akademikong pagsulat

    Ay uri ng pagsulat na higit na mahalaga kaysa sa lahat ng uring pagsulat.

    Ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektwal na pagsulat dahil lubos na pinataas nito ang kaalaman ng mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

    Nangangailangan ng higit na mataas na antas ng kasanayan at pag-iisip ng ganitong uri ng pagsulat kaya lubos na malilinang ang iyong kakayahan sa kritikal na pag-iisip, pangangalap ng impormasyon, pag-organisa ng mga ideya at kakayahang mangsuri ng iba’t ibang akademikong sulatin.

 

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

(Ayon sa mga may akda)

  1. BERNALES ET AL (2001)

    Ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao.

 

  1. BERNALES ET AL (2002)

    Ito ay kapwa pisikal at mental na gawain na gingawa para sa iba’t ibang layunin.

 

  1. XING AT JING (1989)

    Isang komprehensibo na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

 

  1. KELLER (1985)

    Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

 

  1. Isang proseso ng imbensyon.

 

  1. Isang prosesong panlipunan na maaring bunga ng mga sumusunod:

a.     Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, naranasan o namasdan upang maipaabot ang kanyang pananaw at panuntunan sa buhay;

b.     Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng imahinasyon at tumutugon sa damdamin.

 

  1. Isang pansariling pagtuklas.

 

  1. Isang proseso sa intelektwal “inquiry”.

 

  1. Isang paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagpapahinog sa diwa’t kaisipan.

 

10. Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.

 

11. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.

 

12. Isang pakikipag-usap sa kapwa.

 

13. WHITE AT STRUNK

    Ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.

 

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

    Isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

    Sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti.

 

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Impormatib na Pagsusulat/ Expository Writing

    Naghahangad na makapagbigay ng impormasyon.

 

Mapanghikayat na Pagsulat

    Naglalayon na makumbinsi ang mga mambabasa.

 

Malikhaing Pagsulat

    Pagpapahayag ng mga kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito.

 

ELEMENTO NG PAGSUSULAT

PaLaPaMa

  1. Paksa

  2. Layunin

  3. Pagsasawika ng ideya

  4. Mambabasa

PROSESO NG PAGSULAT

BP4

  1. Bago sumulat/ prewriting

  2. Pagsulat ng burador/ drafting

  3. Pagrerebisa/ revising

  4. Pag-eedit/ editing

  5. Paglalathala/ final document

2

 

 


ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Sa pag-aaral, mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon, at higit sa lahat ay makalikha ng mga papel na pananaliksik.

Sa mundo naman ng empleyo, ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng liham ng aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo, umapela sa paglikom ng pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinagagawa ng manager, at marami pang iba. Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-aaral na matututo at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat.

 

ANG PAGGAMIT NG AKADEMIKONG FILIPINO SA PAGSASAGAWA NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Akademya

   Ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan.

   Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa.

   Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala ang instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika.

   Sa pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong Filipino ang gagamitin sa akademya.

Akademikong Filipino

   Ito ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino.

   Sa paggamit nito, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng intelektuwalisasyon.

 

VIVENCIO JOSE (1996)

    Isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng “Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan”, epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya.

    Naniniwala siyang kailangan ang masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino.

    Higit na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang alam niya ito matatamo.

 

Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo, at maging graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay ikinintal sa inyong isipan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat ang mga tuntunin sa paggamit nito. Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahong papel, at pananaliksik.

 

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

OPM3

  1. Obhetibo

    Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik.

    Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay.

    Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na “batay sa aking pananaw” o “ayon sa aming haka-haka o opinion”.

 

  1. Pormal

    Karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito.

    Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa.

    Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.

 

  1. Maliwanag at Organisado

    Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubo nito.

    Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa.

    Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa.

    ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.

 

  1. May Paninindigan

    Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa.

    Mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.

    Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

 

  1. May pananagutan

    Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

    Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian.

    Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi nga etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katampukan ng iyong ginawa.

 

IBA'T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN

Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang iba't ibang uri ng akademikong sulating isa-isang tatalakayin sa kabuoan ng inyong pag-aaral. Hindi mo lamang matututuhan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga ito.


1.     Abstrak

2.     Sintesis/buod

3.     Bionote

4.     Katitikan ng pulong

5.     Talumpati

6.     Adyenda

7.     Posisiyong papel

8.     Replikatibong sanaysay

9.     Pictorial-essay

10.     Lakbay-sanaysay


3

                          

 

PAGSULAT NG IBA'T IBANG URI NG PAGLALAGOM

PAGLALAGOM O PAGBUBUOD

    Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral.

 

LAGOM

    ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

 

þ  Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pa ang mga sumusunod:

 

MGA KASANAYANG NAGHUHUBOG SA MGA MAG-AARAL SA PAGSASAGAWA NG PAGLALAGOM

1.   Natututuhan ang pagtitimbang- timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.

    Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito at gayundin ang mga pantulong na kaisipan.

    Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.

 

2.   Natututuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa.           

    Natutukoy niya kung alin sa mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin sa pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante.

 

3.   Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy, o paulit-ulit.

 

4.   Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

 

þ  Bukod sa ang kasanayang ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan, at ang marami ay laging parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto, o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba't ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo, at sa iba't ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa araling ito ay lubos mong matututuhan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod-ang abstrak, sintesis o buod, at bionote.

4

 

 


SINOPSIS

SINOPSIS

    Ang maayos na pagsulat ng lagom ay isang kasanayang dapat mong   matutuhan. Ang paglalagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng  isang sulatin o akda.

    Bukod sa kasanayang maunawaan at makuha ang  pinakanilalaman ng isang teksto, marami pang kasanayan ang mahuhubog  sa isang mag-aaral habang naglalagom.

 

ANG PAGLALAGOM NA SINOPSIS

JULIAN  AT  LONTOC  (2016)

    Ayon sa kanila, ang:

Sinopsis o buod

    Ay isang uri ng  lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad  ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng  panitikan.

Buod

    Ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging  ng ilang pangungusap lamang.

    Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod  ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.

    Layunin nitong  maisulat  ang  pangunahing  kaisipang  taglay  ng  akda  kaya’t  mahalagang  matukoy ang sagot sa sumusunod:

ü  Sino?

ü  Ano?

ü  Kailan?

ü  Saan?

ü  Bakit?

ü  Paano? 

upang mapadali ang pagsulat ng buod , kung kaya’t nararapat na maging  payak ang mga salitang gagamitin.

    Mahalagang matutuhan ang pagsulat nito  para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan.

 

MGA DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS

1.   Banggitin ang pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda

    Upang maipaunawa sa mambabasa na ang kaisipang iyong inilalahad ay  hindi  galing  sa  iyo  kundi  buod  lamang  ng  akdang  binasa  kaya  iwasang  magbigay  ng iyong  sariling  pananaw  tungkol  sa  akda  at  maging obhetibo sa pagsulat nito.

 

2.   Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.

 

3.   Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.

    Kung malungkot ang damdaming naghahari, dapat maramdamin din ito sa buod na gagawin.

 

4.   Isama ang mga pangunahing tauhan, kanilang mga gampanin at suliraning kinakaharap.

 

5.   Maaaring buoin ang buod ng isang talata, maging ng ilang pangungusap lamang. 

    Kung higit sa isang talata, gumamit ng angkop na  mga pang-ugnay sa paghabi ng mga  pangyayari  sa  ibinubuod.

 

6.   Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 

 

7.   Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

5

 

 


PAGLALAGOM NA BIONOTE

JULIAN AT LONTOC (2016)

    Ayon sa kanila, ang:

Bionote

    ay isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

    Para itong talambuhay subalit higit na maikli ang bionote at iniiwasang samahan ito ng iba pang personal na impormasyon maliban sa edukasyon at pampropesyong pagunlad ng isang tao.

    Layunin: maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga impormasyon tungkol sa mga nagawa o ginagawa sa buhay, sa madaling salita ay para sa isang propesyonal na layunin.

 

DUENAS AT SANZ (2012)

    Ayon sa kanilang aklat na “Academic Writing for Health Sciences,” ang:

Bionote

    ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career.

    Madalas itong makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa. Ito rin ang madalas na mabasa tungkol sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites.

    Halimbawa: ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa ng blog, maging ng mga naglalathala ng aklat o artikulo.

 

MGA DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

JULIAN AT LONTOC (2016)

      Sila ang naglahad ng mga bagay na dapat na tandaan sa pagsulat ng bionote.

1.   Sikaping maisulat ito ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang ito ay maisulat gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, ito ay maisulat sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap.

2.   Itala ang mga tagumpay na nakamit, gayunman kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa o tatlo na pinakamahalaga.

3.   Isulat gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

4.   Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at upang makamit ang totoong layunin nito na maipakilala ang sarili sa maikli at direktang paraan.

5.  

6

Basahing muli bago isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.

 

PAGLALAGOM NA ABSTRAK

ABSTRAK

    Ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.

    Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

    Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

 

PHILIP KOOPMAN (1997)

    Ayon sa kanyang aklat na “How to Write an Abstract”, ang:

ABSTRAK

    Bagama't ito ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.

    Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

 

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1.   Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2.   Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

3.   Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.

4.   Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.

5.   Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya naman, napakahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng abstrak:

1.     Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.

2.     Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.

3.     Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.

4.     Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.

5.     Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.

6.     Isulat ang pinal na sipi nito.

 

DAVID MICHAEL SAN JUAN AT JOHN KELVIN BRIONES (2017)

-          sa kanilang aklat na “Salimbay: Filipino sa Larangang Akademiko”, ang:

Abstrak

    ay “buod ng pananaliksik na karaniwan ay isang talata lamang at hindi hihigit sa tatlong daang mga salita.

    Gaya ng paggawa ng balangkas, ang pagbuo ng abstrak bago ang mismong pagsulat ng pananaliksik ay makatutulong sa pagpaplano sa direksiyon ng pananaliksik.

    Isinusulat ito pagkatapos na isagawa ang pananaliksik.

 

MGA ELEMENTONG KARANIWANG LAMAN NG ABSTRAK

ü  Sitwasyon o phenomenon na naging dahilan upang maging interesado ang mananaliksik sa paksa,

ü  Pangkalahatang layunin at kahalagahan ng pananaliksik,

ü  Pangkalahatang perspektiba at/o batayang teoretikal/konseptuwal ng pananaliksik,

ü  Saklaw at limitasyon ng pananaliksik, at

ü  Pangunahing resulta at/o kongklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.” Hango ang salitang ito sa latin, mula praseng drawn away o extract from.

 

ESTILO SA PAGSULAT NG ABSTRAK

JULIAN AT LONTOC (2016)

    Nagbanggit sila ng mga hakbang sa pagsulat ng epektibong abstrak. Ito ay ang mga sumusunod:

a.   Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.

b.   Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

c.   Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.

d.   Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.

e.   Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat na isama rito.

f.    Isulat ang pinal na sipi nito.

 

 

TEKNIKAL NA PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

JULIAN AT LONTOC (2016)

    Inilahad din nina ang mga bagay na dapat na isaalang-alang kapag sumusulat ng abstrak. Ito’y ang mga sumusunod:

 

a.   Iwasang maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral.

b.   Iwasang maglagay ng mga estadistikal na pigura o talahanayan sa abstrak.

c.   Gumamit lamang ng simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Iwasang maging maligoy sa pagsulat ng abstrak.

d.   Maging obhetibo. Ilahad lamang ang pinakamahahalagang kaisipan.

e.   Gawing maikli ngunit komprehensibo.

 

þ  Tandaan: Isa sa pinakakrusyal na bahagi ng papel-pananaliksik ay ang abstrak sapagkat ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong pananaliksik. Ito ang maituturing na pasilip at pambungad na ideya sa kabuoan ng isang pag-aaral. Kaya naman, alalahanin sa tuwina na ang nilalaman ng bahaging ito ay maitampok sa pamamagitan ng paglalagay ng pinakaimportanteng mga punto lamang. Muli, isaalang-alang ang limang mahahalagang sangkap nito: introduksyon, metodolohiya ng pananaliksik, resulta at pagtalakay sa mga datos, at ang konklusyon/rekomendasyon ng pananaliksik. Limitahan din lamang ang abstrak sa tatlong daang mga salita.

 

 

HALIMBAWA:

Mungkahing mga Senyas para sa mga Piling Katawagang Pampanitikan Tungo sa Pagpapaunlad ng Filipino Sign Language

G. Jamil Q. Carvajal

(tesis-masterado sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kampeon sa pasalitang presentasyon ng pananaliksik sa De La Salle University, Pambansang Seminar, Abril 2019)

Abstrak

 

Binigyang-tuon ng pag-aaral na ito ang paglikha ng makabagong senyas sa akademya, na makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino Sign Language. Ang FSL ang itinanghal na pambansang wikang senyas ng mga bingi sa Pilipinas, simula nang malagdaan ng kasalukuyang administrasyon ang RA11106 o ang Filipino Sign Language Act. Sentral na paksa ng pag-aaral ang pagtugon sa Seksyon 4, 11 at 12 na makalikha pa ng instructional materials at iba pang interbensiyong makatutulong sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa komunidad ng bingi.

 

Ang sampung katawagang pampanitikang iminungkahi ng mananaliksik ang naging saklaw ng pag-aaral na ito: alamat, dagli, dalit, El Filibustersimo, epiko, Florante at Laura, Ibong Adarna, komiks, Noli Me Tangere, at pabula. Ang mga terminong ito ay dinesenyuhan ng senyas ng mismong mga bingi, at ang komunidad din ng bingi mula sa iba’t ibang paaralan sa Maynila at Pasay ang pumili at tumanggap sa nilikhang mga senyas. Mula sa tatlumpu’t isang nilikhang senyas para sa mga katawagang pampanitikan (bawat katawagan ay may tatlo hanggang apat na pamimiliang senyas), may sampung nagwaging senyas para sa katawagang pampanitikan. Ang pananaliksik na ito ang magiging simula sa pagsasagawa ng susunod pang mga pag-aaral hinggil sa pagpapayabong ng mga senyas-pampanitikan at kalauna’y paunlarin pa ang FSL. Ang proseso ng paglikha ng mga bagong senyas sa larangan ng panitikan ay nararapat na isangguni sa komunidad ng mga bingi bago ito malawakang gamitin sa iba’t ibang mga paaralan. Magbibigay-daan ito sa pagkakaroon ng kaisahan sa pagsesenyas o unified signs ng mga katawagang pampanitikan.

 

Mga Susing Salita: Filipino Sign Language, Katawagang Pampanitikan, Komunidad ng Bingi, RA11106 o Filipino Sign Language Act, unified signs

 


 

MGA BAHAGI NG ABSTRAK

A.  INTRODUKSYON

    Binigyang-tuon ng pag-aaral na ito ang paglikha ng makabagong senyas sa akademya, na makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino Sign Language. Ang FSL ang itinanghal na pambansang wikang senyas ng mga bingi sa Pilipinas, simula nang malagdaan ng kasalukuyang administrasyon ang RA11106 o ang Filipino Sign Language Act.

 

B.  METODOLOHIYA/PAMAMARAAN

    Sentral na paksa ng pag-aaral ang pagtugon sa Seksyon 4, 11 at 12 na makalikha pa ng instructional materials at iba pang interbensiyong makatutulong sa epektibong pagtuturo at pagkatuto sa komunidad ng bingi.

 

C.  RESULTA AT PAGTALAKAY SA DATOS

    Ang sampung katawagang pampanitikang iminungkahi ng mananaliksik ang naging saklaw ng pag-aaral na ito: alamat, dagli, dalit, El Filibustersimo, epiko, Florante at Laura, Ibong Adarna, komiks, Noli Me Tangere, at pabula. Ang mga terminong ito ay dinesenyuhan ng senyas ng mismong mga bingi, at ang komunidad din ng bingi mula sa iba’t ibang paaralan sa Maynila at Pasay ang pumili at tumanggap sa nilikhang mga senyas. Mula sa tatlumpu’t isang nilikhang senyas para sa mga katawagang pampanitikan (bawat katawagan ay may tatlo hanggang apat na pamimiliang senyas), may sampung nagwaging senyas para sa katawagang pampanitikan.

 

D.  KONGKLUSYON

    Ang pananaliksik na ito ang magiging simula sa pagsasagawa ng susunod pang mga pag-aaral hinggil sa pagpapayabong ng mga senyas-pampanitikan at kalauna’y paunlarin pa ang FSL. Ang proseso ng paglikha ng mga bagong senyas sa larangan ng panitikan ay nararapat na isangguni sa komunidad ng mga bingi bago ito malawakang gamitin sa iba’t ibang mga paaralan.

 

E.  REKOMENDASYON

    Magbibigay-daan ito sa pagkakaroon ng kaisahan sa pagsesenyas o unified signs ng mga katawagang pampanitikan.

7

 

 


PAGSULAT NG SINTESIS

HARPER (2016)

    Ayon sa kaniya, ang:

SINTESIS (SYNTHESIS)

    Ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenal na ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o combine.

    Makikita ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan, layunin, at kongklusyon ng libro.

 

þ  Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba't ibang dahilan. Maaaring oras sa klase, oras ng kuwentuhan, o sukat ng panahon para sa pagsulat at pagbasa ng artikulo kung nasa anyong babasahin ang pagbibigay ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan, makikita ang kahalagahan na matutuhan ang paraan ng paglalagom o pagbubuod na tinatawag na pagbibigay ng sintesis.

 

þ  Sa madaling pagpapaliwanag, ang SINTESIS ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

 

HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

1.   Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.

2.   Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng Pandama dahil maisasapuso at malalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.

3.   Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.

a.   Sekwensiyal

    pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa Isang Salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at Iba pa.

b.   Kronolohikal

    pagsusunod-sunod ng mga mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.

c.   Prosidyural

    pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.

5.   Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.

6.   Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.

 

8

 


PAGSULAT NG MANWAL

MGA DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG MANWAL

1.   Isaalang-alang ang awdiyens sa pagsulat ng manwal.

2.   Ang wika at teknikal na detalye ay dapat angkop at nauunawaan ng inaasahang gagamit ng isang produkto o mekanismo.

3.   Mahalagang panatilihin ang pagiging payak, maiksi at tiyak ang mga pangungusap tulad ng deskripsyon ng mekanismo, depinisyon ng mga termino, instruksiyon sa pagpapagana o pagpapatakbo, at solusyon sa mga posibleng problema sa operasyon ng produkto upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.

4.   Buuin ang akronim sa unang banggit.

5.   Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono at estilo ng pagsulat.

6.   Gumamit ng numbered lists.

7.   Pormal ang wikang gagamitin sa pagsulat ng manwal.

8.   Kailangan din ng mga grapikong ilustrasyon upang palawakin ang pagunawa ng awdiyens.

9.   May kaakit-akit na disenyo na angkop sa nilalaman o pamagat ng manwal.

10.  Kailangang ang manwal na susulatin ay magagamit na reperensiya sa hinaharap.

9

 

 


ANG LIHAM PANGNEGOSYO

LIHAM PANGNEGOSYO

    Ay isang mahalagang instrumentong tumutukoy sa pakikipag-ugnayan

sa anyong pasulat.

    Nagaganap ito sa pagitan ng dalawang tao, ng dalawang kumpanya o sa pagitan ng kliyente at kumpanya.

    Naiiba ito sa liham pangkaibigan sa nilalaman, Pormal ang tono

ng pakikipag-usap, tuwiran at iniiwasan ang matatalinghagang pananalita.

    LAYUNIN: pag-usapan ang kapakanan ng kliyente at kumpanya, mga usaping pang-opisina at paksang pangkalakalan.

    Hindi ito maligoy sapagkat maaaring mag-apply, magtanong, humiling o mag-order ng isang produkto, subskripsyon ng magasin, pagpapasalamat at karaingan (Jocson 2012).

 

MGA BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO

1.   Pamuhatan

    Bahagi ng liham pangnegosyo na naglalaman ng tirahan/ kumpanya ng pinagmulan ng sulat, telepono, fax, e-mail at petsa

2.   Patunguhan

    Ito ay naglalaman ng padadalhan ng sulat, kasama ang kumpletong adres at titulo pangalan nito.

3.   Bating Pambungad

    Bahagi na naglalahad ng magalang na pagbati sa pinadalhan ng sulat na nararapat simulan sa G./Bb./Gng.

4.   Katawan

    Naglalamang ng layunin ng pagsulat

5.   Pamitagang wakas

    Bahagi ng pagpapaalam ng sumulat

6.   Lagda

    Pirma ng sumulat sa itaas ng kanyang pangalan

 

MGA PORMAT NG LIHAM NA PANGNEGOSYO

1.    Estilong block

    Nakasentro sa itaas ang pangalan ng kompanya (letterhead).

    Makikita sa pormat na ito na ang petsa, pamitagang pangwakas at lagda ay nasa kanang bahagi.

    Mapapansin na hindi nakapasok ang pangungusap ng bawat talata habang ang bating pambungad at patunguhan ay nasa kaliwang bahagi.

 

2.    Estilong Full blocked

    Lahat ng bahagi ng liham ay nasa kaliwang bahagi. Nakasentro sa itaas ang pangalan ng kompanya (letterhead).

 

3.    Estilong Semi-block

    Makikita sa pormat na ito na ang petsa, pamitagang pangwakas at lagda ay nasa kanang bahagi. Mapapansin na ang unang pangungusap ng bawat talata ay nakapasok habang ang bating pambungad at patunguhan ay nasa kaliwang bahagi.

 

HAKBANG SA PAGSULAT NG LIHAM PANGNEGOSYO

1.   Magdesisyon sa uri ng liham na dapat isulat.

    Sa nakalipas na aralin ay tinalakay ang iba’t ibang uri ng liham na pangnegosyo.

    Maging tiyak sa uri ng isusulat na liham.

    Ikaw ba ay mag-aaply ng trabaho? Magtatanong? May paglilinaw?

    Alamin ang layunin ng iyong pagsulat.

    Nakadepende sa intensyon ng magsusulat ang lalamanin ng kanyang liham.

2.   Bumuo ng maikling balangkas.

    Matapos magdesisyon sa uri ng liham na iyong isusulat maaari ka nang bumuo ng isang balangkas. Kung hindi mo ito gagawin ito ay pag-aaksaya lamang ng panahon dahil bahagi ito ng iyong pagpaplano sa liham na iyong bubuuin.

    Magtala ng mga mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pagbuo sa iyong isusulat na liham. Isulat ang mga mahahalagang ideya. Ito ay maaaring susing salita o mga pangungusap.

3.   Gumamit ng angkop na pormat.

    Mahalagang nakasusunod sa tamang pagkakasununodsunod ng mga bahagi at pormat kapag susulat ng liham pangnegosyo.

    Halimbawa: maaaring mauna ang petsa kung kailan isinulat ang liham; sunod ang pamuhatan; patunguhan; bating panimula; katawan; pamitagang pangwakas; at lagda.

4.   Gumamit ng angkop na bokabularyo sa uri ng liham na iyong isusulat.

    Nakadepende sa uri ng liham kung anong angkop na bokabolaryo ang gagamitin. Ilan sa iminimungkahi ang mga sumusunod:

Liham na Nag-aaplay

¨  Ako ay sumulat upang mag-aplay sa posisyong …

¨  Ako ay nagpapahayag ng interes para sa posisyong …

¨  Ako ay sumulat bilang tugon sa inyong adbertisment …

¨  Nakikita ninyo sa aking resume…

¨  Ang maiaambag ko sa kompanya ay …

 

Liham na Nagtatanong

¨  Ako ay sumulat upang magtanong hinggil sa …

¨  Ikalulugod ko ang pagsagot sa aking katanungan hinggil sa…

¨  Maaari bang mabatid ang …

 

Liham na Nagrereklamo

¨  Ako ay sumulat upang magreklamo hinggil sa…

¨  Ako ay sumulat upang tawagin ang inyong atensyon hinggil sa …

¨  Ako ay sumulat upang ihayag ang aking pagkadismaya hinggil sa …

 

5.   Iwasto ang pagbaybay ng mga salita at gramatika.

    Dahil ang liham ay maikli tiyaking wasto ang baybay o ispeling ng mga salita. Kaakibatt ng mga wastong baybay ang paggamit din ng wastong gramatika.

    Halimbawa sa paggamit ng nang at ng; may at mayroon; rin atdin at iba pang madalas na pagkakamali sa wastong gamit ng mga salita.

 

6.   Iwasto ang paggamit ng mga bantas.

    Isa rin sa nagiging hamon sa pagsulat ng liham pangnegosyo ang paggamit ng mga bantas.

    Madalas nakatuon lamang wastong gamit ng mga salita at gramatika, nakaliligtaang iwasto ang mga bantas sa loob ng liham.

    Laging bibigyan ng panahon na i-proofread ang isinulat na liham.

 

 

 

 

10

MGA URI NG LIHAM

 

Mula sa Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (Ikaapat na Edisyon 2015)

 

Liham Pagbati (Letter of Congratulations)

    Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na kasiya-siya.

    Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay sa tanggapan.

 

Liham Paanyaya (Letter of Invitation)

    Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.

 

Liham Tagubilin (Letter of Instruction)

    Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.

 

Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)

    Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na mga bagay.

 

Liham Kahilingan (Letter of Request)

    Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal.

 

Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)

    Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan.

 

Liham Pagtanggi (Letter of Negation)

    Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang- ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at transaksiyonal.

    Kailangang mahusay na maipahayag ang dahilan ng pagtanggi ng inaanyayahan upang hindi makapagbigay-alinlangan sa sumulat.

    Nasasalamin sa ganitong uri ng liham ang pagkatao o personalidad ng tumatanggi sa liham.

    Dapat tandaan na kapag ang inaanyayahan ay tumanggi o di makadadalo sa paanyaya, kailangang magpadala ng isang kinatawang gaganap ng kanyang tungkulin.

    Kung di gustong ipaganap ang tungkulin, sagutin ng nakakukumbinsing pananalita ang nag-aanyaya.

 

Liham Pag-uulat (Report Letter)

    Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan sa itinakdang panahon.

    Tinatalakay dito ang:

a.     Pamagat, layunin, at kalikasan ng proyekto;

b.     Bahagdan ng natamo batay sa layunin;

c.     Kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati na ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at

d.     Mga gawaing kailangan pang isagawa upang matapos sa itinakdang panahon ang proyekto.

 

Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)

    Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit hindi nabibigyan ng tugon.

    Nagsisilbi itong paalaala upang bigyang-aksiyon ang naunang liham.

    Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan, paanyaya, at maging ang pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho.

    Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang petsa at layunin ng naunang komunikasyon.

 

Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)

    Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan.

    Kinakailangan ditong mailahad nang maayos at mabisa ang dahilan ng pagbibitiw sapagkat nasa anyo at himig ng pananalita ng nagbibitiw ang larawan ng kanyang pagkatao.

    Hinihingi rito ang marangal na pagpapahayag.

    Dapat iwasan ang panunuligsa sa tanggapan o sa mga pinuno at tauhan ng opisinang nililisan.

 

Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of Application)

    Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o magharap ng liham kahilingan.

    Ang maayos na pagkakasunod- sunod ng mga ideya at tuwirang pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liharn ay nakahihikayat ng magandang impresyon.

    Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anumang oras na kinakailangan.

 

Liham Paghirang (Appointment Letter)

    Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin, pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan, o promosyon (promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan.

    Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang at ang pag-asang magagampanan ang tungkuling inaatas sa kanya nang buong kahusayan.

 

Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)

    Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anumang transaksiyon.

 

Liham Pagkambas (Canvass Letter)

    Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod:

a.     Halaga ng bagay/aytem na nais bilhin,

b.     Serbisyo (janitorial services, security services, catering services, venuel function halls, atb) ng isang tanggapan. Nagsisilbing batayan ito sa pagpili ng pinakamababang halaga ng bilihin at serbisyong pipiliin.

 

Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)

    Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na impormasyon o paliwanag.

 

Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)

    Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na naulila.

    Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila.

    Nararapat itong ipadala agad matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao.

 

Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)

    Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente o anupamang sakuna ngunit buhay pa.

    Nilalaman ng liham ang lubos na pakikiramay sa sinapit na sakuna at ang tulong na nais ipaabot ng tanggapan sa biktima.

    Nararapat na maipadala agad ito sa kinauukulan matapos mabatid ang pangyayari.

 

Liham Panawagan (Letter of Appeal)

    Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasyahan, at pagsusog/ amyenda ng patakaran.

 

Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)

    Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleado o tauhan sa tanggapan ay nagtungo av/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa.

    Nilalagdaan ito ng puno ng tanggapan, tagamasid pampurok, puno ng rehiyon.

11

 

 


MEMORANDUM, ADYENDA, AT KATITIKAN NG PULONG

MEMORANDUM, ADYENDA, AT KATITIKAN NG PULONG

    Tatlong mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos, organisado, at epektibo ang isang pulong.

 

A.  MEMORANDUM O MEMO

PROF. MA. ROVILLA SUDPRASERT (2014)

    Sa  kanyang aklat na “English for the Workplace 3”, ang:

MEMORANDUM O MEMO

    Ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.

    Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.

    Sa pamamagitan nito, nagiging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.

     Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o organisasyon, magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.

 

þ  Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham. Kadalasan ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntuning dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

 

 

DR. DARWIN BARGO (2014)

    Ayon kay sa kanyang aklat na “Writing in the Discipline”, ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:

PUTI

    Ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon

PINK O ROSAS

    Ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department

DILAW O LUNTIAN

    ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department

 

BARGO (2014)

    Ayon sa kaniya, may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.

a.   Memorandum para sa kahilingan

b.   Memorandum para sa kabatiran

c.   Memorandum para sa pagtugon

 

Academy of Saint John

La Salle Green Hills Supervised

General Trias, Cavite

MEMORANDUM

Para sa: Mga Puno ng Kagawaran at Mga Guro ng Senior High School

Mula Kay: Daisy T. Romero, Punong-guro, Academy of Saint John

Petsa: 25 Nobyembre, 2015

Paksa: Pagbabago ng Petsa ng Pulong

 

     Ang nakatakdang pulong sa Sabado, Nobyembre 28, 2015 ay inilipat sa

susunod na Sabado, Disyembre 5 sa ganap na ika-9:00 hanggang ika-11:00 ng

umaga.

 


MGA HALIMBAWA:

Academy of Saint John

La Salle Green Hills Supervised

General Trias, Cavite

MEMORANDUM

Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang

Mula Kay: Nestor S. Lontoc, Registrar, Academy of Saint John

Petsa: 25 Nobyembre 2015

Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

 

     Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa Disyembre 12, 2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag- aaral sa pagsusulit na ito.

    

Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

 

Oras

 

8:00-10:00 n.u.

10:00-10:30 n.u.

10:30-12:30 n.h.

Asignatura

Guro

 


 

 

Mula sa mga nakatalang halimbawa, mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat na magtaglay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudprasert (2014) na English for the Workplace 3.

 

4.           LETTERHEAD

    Makikita dito ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono.

 

5.           BAHAGING 'PARA SA/PARA KAY/KINA'

    Ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kayâ naman ay grupong pinag-uukulan ng memo.

    Para sa isang IMPORMAL na memo ang Para Kay: Ailene ay sapat na.

    Ngunit sa mga PORMAL na memo, mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito.

    Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatutulong kung ilalagay rin ang pangalan ng departamento.

    Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.

 

6.           BAHAGING 'MULA KAY'

    Ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.

    Gaya rin ng bahaging 'Para sa/Para Kay/Kina' maaaring gamitin na lamang ang unang pangalan ng sumulat nito gaya halimbawa nito: Mula Kay: Nestor.

    Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong pangalan ng nagpadala.

    Gayundin, mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksiyon o tanggapan.

    Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.

 

7.           PETSA

    Iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15.

    Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.

 

8.           PAKSA

    Ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

 

9.           MENSAHE

    Kadalasan itong maikli ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangang ito ay magtaglay ng sumusunod:

a.   Sitwasyon

    Dito makikita ang panimula o layunin ng memo.

b.   Problema

    Nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.

c.   Solusyon

    Nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.

d.   Paggalang o Pasasalamat

    Wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

 

10.       LAGDA NG NAGPADALA

    Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula Kay...

 

 

B.  AGENDA O ADYENDA

SUDPRASERT (2014)

-          Ayon sa kanya, ang:

ADYENDA

    Ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.

    Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.

    Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

 

KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG ADYENDA NG PULONG

1.   Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:

a.   Mga paksang tatalakayin

b.   Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa

c.   Oras na itinakda para sa bawat paksa

 

2.   Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod- sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

 

3.   Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging

 

4.   Ito ay nagbibigay handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

 

5.   Ito ay nakatutulong nang paksang malaki upang manatiling nakapokus sa mga tatalakayin sa pulong.

 

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA

 

1.   Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.

 

2.   Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman, kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

 

3.   Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala o nalikom na. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumiteng adyenda o paksa ay may kaugnayan sa layunin ng pulong. Kung sakaling ito ay malayo sa paksang pag-uusapan, ipagbigay-alam sa taong nagpadala nito na ito ay maaaring talakayin sa susunod na pulong.

 

4.   Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong, at kung kailan at saan ito gaganapin.

 

5.   Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

 


MGA HALIMBAWA:

 

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA

1.   Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.

-          Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga paksang pag-uusapan.

-          Gaya ng nabanggit sa unahan, maaari itong ibigay sa mga kasapi sa pulong, isang araw o dalawang araw bago ang pulong depende sa kultura ng organisasyon o institusyon.

-          Maaaring magdala ng karagdagang kopya nito sa mismong araw ng pulong upang kung may nakalimot dalhin ito ay maaari mo silang bigyan ng kopya.

 

2.   Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.

-          Sa pagpaplano ng pulong, higit na makabubuti kung sa unang bahagi ng miting tatalakayin ang pinakamahahalagang adyenda.

-          Ginagawa ito upang matiyak na kung kulangin man ang oras para sa pagpupulong ay natalakay na ang mahahalagang paksa.

-          Gayundin, ang mga taong kasama sa pulong ay hindi pa gaanong pagod at ito ay nakatutulong nang malaki upang maunawaan nang lubos ang mahahalagang adyenda.

 

3.   Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.

-          Tiyakin na nasusunod ang itinakdang oras para sa mga adyenda o paksang tatalakayin.

-          Maging "conscious" sa oras na napagkasunduan. Huwag maging maligoy sa pagtalakay ng mga paksa.

-          Tandaan na ayaw ng maraming tao ang mahabang pulong.

-          Ito ay kadalasang nagdudulot ng pagkainip o minsan maging pagkainis sa mga kasapi sa pulong.

-          Kung sakaling sumobra sa itinakdang oras ang pagtalakay sa isang paksa dahil mahalaga ito at nangangailangan ng higit na paglilinaw, maaaring mag-adjust ng oras ng pagtalakay sa ibang adyenda na maaaring matalakay nang mas mabilis.

 

4.   Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.

-          Ang pagsunod sa itinakdang oras ay nangangahulugan ng pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama.

-          Kung maaari ay maglagay ng palugit o sobrang oras upang maiwasan ang pagmamadali.

 

5.   Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.

-          Makatutulong nang malaki kung nakahanda na rin kasama ng adyenda ang mga kakailanganing dokumento para sa mga paksang nangangailangan ng estadistika, kompyutasyon, at iba pa upang mas madali itong maunawaan ng lahat at walang masayang na oras.

 

 

C.  KATITIKAN NG PULONG

    Ito ang opisyal na tala ng isang pulong.

    Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.

    Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong,

    Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na mga pagpaplano at pagkilos.

    Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat.

    Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisasyon, ang bawat isang kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito.

 

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

 

  1. Heading

-          Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.

-          Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

 

  1. Mga kalahok o dumalo

-          Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.

-          Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.

 

  1. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong

-          Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.

 

  1. Action items o usaping napagkasunduan

-          kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong.

-          Dito makikita ang mahahalagang talâ hinggil sa mga paksang tinalakay.

-          Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.

 

  1. Pabalita o patalastas

-          Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.

 

  1. Iskedyul ng susunod na pulong

-          Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.

 

  1. Pagtatapos

-          Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.

 

  1. Lagda

-          mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.

 

Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong

 

Ayon kay Bargo (2014)

-          Dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito.

-          Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.

 

Mga Dapat Isaalang-Alang Ng Mga Taong Kumukuha Ng Katitikan Ng Pulong

na hinango mula sa aklat ni Sudprasert (2014) na “English for the Workplace 3”.

 

Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

 

  1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.

-          Hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulong kaya napakahalaga na ang naatasang kumuha nito ay may sapat na atensiyon sa pakikinig upang maitala niya ang lahat ng mahahalagang impormasyon o desisyong mapag-uusapan. Magagampanan niya ito nang lubos kung ito lamang ang kanyang gagawin sa kabuoan ng pulong.

 

  1. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.

-          Magiging madali para sa kanyang linawin sa tagapanguna ang ilang mga bagay na hindi niya lubos na nauunawaan kung siya ay nakaupo malapit sa presider.

 

  1. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.

-          Mahalaga na ma-tsek kung sino-sino ang dumalo sa pulong at maging ang mga liban. Itala rin ang pangalan ng mga taong dumating nang huli sa itinakdang oras maging ang mga umalis nang maaga.

 

  1. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.

-          Kung hindi naipamahagi nang maaga ang adyenda na pag-uusapan sa pulong, mahalagang maibahagi ito bago magsimula ang pulong kasama ang sipi ng katitikan ng nagdaang pulong. Makatutulong ito upang higit na maging organisado at sistematiko ang daloy ng pulong.

 

  1. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.

-          Bilang kalihim ng tagapanguna ng pulong, mahalagang mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang kasama o nakasaad sa adyenda upang hindi masayang ang oras ng lahat at gayundin ay maiwasan ang kalituhan sa pangkat.

 

  1. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.

-          Kailangang malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan o organisasyon, petsa, oras, at lugar ng pulong.

 

  1. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.

-          Makatutulong nang malaki kung gagamit ng recorder sa oras ng pulong upang kung sakaling may puntos na hindi malinaw na naitala ay maaari itong balikan.

 

  1. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.

-          Ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa pulong at sinusugan ng iba pang kasapi at napagtibay ng samahan ay dapat maitala nang maayos. Ang kumukuha ng katitikan ay maaaring banggitin ang mosyon sa kapulungar para sa higit na paglilinaw. Mahalagang maitala rin kung kanino nanggaling ang mosyon at maging ang mga taong sumang-ayon dito.

 

  1. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.

-          Mahalagang maitala ang lahat ng mga paksa at isyung napagdesisyunan gaano man ito kapayak o kalaking bagay.

 

10.  Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.

-          Ang pag-oorganisa at pagsusulat ng katitikan ng pulong ay dapat na maisagawa agad upang hindi makaligtaan. May tatlong uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong. Ang mga ito ay ang sumusunod:

a. Ulat ng Katitikan

-       Sa ganitong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.

b. Salaysay ng Katitikan

-       Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.

c. Resolusyon ng Katitikan

-       Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang- ayon dito. Kadalasang mababasa ang mga katagang "Napagkasunduan na..." o "Napagtibay na...".

 

 

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

 

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng “The Everything Practice Interview Book” at ng “The Everything Get-a-job Book”,

 

Bago ang Pulong

-          Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng bolpen at papel, laptop, tablet, computer, o recorder.

-          Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon. Kung ikaw ay gagamit ng laptop siguraduhing ito ay may sapat na bateryang kakailanganin para sa kabuoan ng pulong.

-          Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas 20 ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa, makatutulong ito upang mabilis na maitala ang mga mapag-uusapan kaugnay ng mga ito.

 

Habang Isinasagawa ang Pulong

-          Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa. Mula rito madali mong matutukoy kung sino ang liban sa pulong at maging ang panauhin sa araw na iyon.

-          Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.

-          Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.

-          Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos. Hindi kailangang isulat ang bawat impormasyong maririnig sa pulong gayunman maging maingat sa pagtatala ng mahahalagang puntos. Tandaan na ang katitikan ng pulong ay isang opisyal at legal na dokumento ng samahan o organisasyon.

-          Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon, at ang naging resulta ng botohan.

-          Itala at bigyang-pansin ang mga mosyong pagbobotohan o pagdedesis- yunan pa sa susunod na pulong.

-          Itala kung anong oras natapos ang pulong.

 

Pagkatapos ng Pulong

-          Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay. Kung may hindi malinaw sa iyong mga talâ ay maaaring linawin ito sa iba na dumalo rin sa nasabing pulong.

-          Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong (lingguhan, buwanan, taunan, o espesyal na pulong), at maging ang layunin nito.

-          Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.

-          Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Sa katapusan ng katitikan ay huwag kalimutang ilagay ang "Isinumite ni:", kasunod ang iyong pangalan.

-          Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito. Maaaring ipabasa ito sa kasamahan na nakadalo rin sa nasabing pulong upang kung mayroon ka mang nakaligtaang puntos o ideyang hindi naisama ay maaari niya ito makita at ipagbigay-alam sa iyo.

-          Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.