\
\
Ang sinopsis o buod ay ==isang uri ng lagom== na kalimitang ==ginagamit sa mga nasa tekstong naratib== tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaring buoin ng ==isang talata o higit pa== o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng synopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda ==gamit ang sariling salita==. Ang pagbubuod o pagsulat ng synopsis ay naglalayong makatulong sa ==madaling pagunawa sa diwa ng seleksyon== o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaroong lantad na makikita sa akda o minsan, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahin ng mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.
\
Ang bionote ay maituturing ding ==isang uri ng lagom== na ginagamit sa ==pagsulat ng personal profile ng isang tao.== Marahil ay nakasulat ka na ng iyong ==talambuhay== o tinatawag sa ingles na ==authobiography== o kaya ng ==kathambuhay== o kathang buhay ng isang tao o ==biography==. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikokompara sa mga ito. Ayon kay ==Duenas at Sanz== sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences (2012), ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao o naglalaman ng ==buod ng kanyang academic career== na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa. Kadalasan, ito ay ==ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume== o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa likod ng blog. Ito rin ay maaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling salita, layunin ng bionote na ==maipakilala ang sarili== sa madla sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga ==personal na impormasyon== tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o
ginawa sa buhay.
Isulat ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang ==200 na salita==;
\
Ang pagtatalumpati ay ==isang uri ng sining==. Maipakikita rito ang ==katatasan at kahusayan
ng tagapagsalita== sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw at
pangangatuwiran sa isang partikular na paksang pinag-usapan. Kaiba ito sa ginagawa nating
pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi natin ang gusto nating sabihin nang walang
pinagtutungkulan o binibigyang-diing paksa. Ang talumpati ay ==kadalasang pinaghahandaan== bago
bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa
mabisang pagtatalumpati. Bago pa man ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na ng
isang komprehensibong sulatin upang mas maging kapani-paniwala at kahika-hikayat ito para sa
mga nakikinig.
✓ Edad ng mga makikinig
✓ Bilang ng mga makikinig
✓ Kasarian ng mga makikinig
✓ Edukasyon o antas sa lipunan ng mga makikinig
✓ Saloobin at dati ng alam ng mga makikinig
✓ Pananaliksik ng datus at mga kaugnay na babasahin
✓ Pagbuo ng tesis o Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan
✓ punto
✓ Kronolohikal na hulwaran
✓ Topikal na hulwaran
✓ Hulwarang problema-solusyon
✓ Introduksyon
✓ Diskusyon o katawan
✓ Katapusan o konklusyon
✓ Haba ng talumpati
\
Ayon kay ==Sudaprasert (2014)==, ang adyenda ang nagtatakda ng ==mga paksang tatalakayin sa pulong==. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at ==maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong==.
\
\
Ang ==opisyal na tala sa isang pulong== ay tinatawag na katitikan ng pulong. Nagtataglay ito
ng mahahalagang detalye na tinalakay sa pulong ,kalimitang ==isinasagawa nang pormal, obhetibo==Matapos itong maisulat at mapagtibay, sa susunod na pagpupulong ay maari
itong magamit bilang ==prima facie evidence== sa mga legal na usapin o sanggumian para sa susunod
na pagpaplano at pagkilos.
Heading- Naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan , o oraganisasyon. Makikita rin dito ang petsa,lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
\
\
\
Ayon kay ==Grace Fleming==, sumulat ng artikulong “How to Write an Argumentative Essay”, ang posisyong papel ay ang pagsalig o ==pagsuporta sa katotohanan== ng isang ==kontrobrsyal na isyu== sa pamamagitan ng ==pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw== o posisyon. Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang ==mapatunayang totoo== at katanggap-tangap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ==ebidensyang== kinapapalooban ng mga katotohanan, opinion ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika at iba pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong ponanghahawakan. Ayon sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang pagkakaroon ng isang ==mahusay at magandang paksa== ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.
\
Ang replektibong sanaysay, ayon kay ==Michael Stranford==, isang guro at manunulat, ay isa
sa mga tiyak na ==uri ng sanaysay== na may kinalaman sa ==introspeksiyon na pagsasanay.==
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay sa naiisip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng
mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Maiuugnay rin ito sa
pagsulat ng mga ==academic portfolio== kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-
akda kung ==paano siya umunlad bilang tao== kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin
sa pagsulat. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang ==nakabatay sa karanasan== kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat. Ayon naman kay ==Kori Morgan==, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng ==personal na paglago== ng isang tao ==mula sa isang mahalagang karanasan== o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha. Madalas, ==ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan== at kung paano ito gagamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung ==paano pa pauunlarin ang mga kahinaan== hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang ==nakabatay sa personal na karanasan==, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.
\
\
Ang pictorial essay ay ==isang sulatin== kung saan higit na ==nakararami ang larawan kaysa sa== o panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan
ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.
\
\
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding ==travel essay o travelogue==. Ito ay isang ==uri ng lathalaing== ang pangunahing ==layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay==. Ayon kay ==Nonon Carandang==, ito ay tinatawag niyang ==sanaylakbay== kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng ==tatlong konsepto: sanaysay, sanay at lakbay==. Naniniwala siyang ang ==sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin== upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. Aniya, nanghihinayang siya sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa Europa at sa marami pang bansa sa mundo dahil nakaligtaan niya o sadyang nabalewala niya ang pagtatala. Maaaring naikwento niya ang kanyang mga karanasan sa ilan niyang mga kaibigan, mag-aaral at kamag-anak ngunit kalaunan ang mga ito ay nalilimutan din. Tanging sa mga larawang di naman nakapagsasalita niya iniasa ang pagbabalik-tanaw sa kanyang mga ginawang paglalakbay. Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP Writers Workshop noong ika-10 ng Abril 2014 ay kanyang winika sa kanyang mga tagapakinig na sisikapin niyang isulat ang mga nagyari at kanyang naranasan sa kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng paglalahad gamit ang sanaysay.
\