Q2 | ESP Reviewer



Dalawang Uri ng Kilos:

  • Kilos ng Tao

  • Makataong Kilos


Kilos ng Tao (Act of Man) - Likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob

  • Walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung hindi isagawa ito.


Makataong Kilos (Human Act) - Ang kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa mula sa paghuhusga at pagsusuri ng kosensya.

  • Resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya't may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.


Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan:

  • Kusang-loob

  • Di-kusang Loob

  • Walang Kusang-Loob


Kusang-loob - Kilos na may kaalaman at pagsang-ayon.

  • May lubos na pagkakaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ang gumagawa nito.


Di-kusang Loob - Kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.


Walang kusang-loob - Walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos.

  • Hindi pananagutan ng tao dahil hindi nya alam kaya't walang pagkukusa.


Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos:

  • Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito mapapatunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay.

  • Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.

  • Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensyon kung bakit ginawa ito.


Mga Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos:

  • Kamangmangan

  • Masidhing Damdamin

  • Takot

  • Karahasan

  • Gawi


Kamangmangan - Kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.


Masidhing Damdamin - Dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos o damdamin


Takot - Pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.


Karahasan - Pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa.


Gawi - Gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw (habits)


Layunin - Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.

  • Tumutukoy sa gumagawa ng kilos (doer)

  • Hindi nakikita o nalalaman ng tao dahil ito ay personal sa doer.


Paraan - Panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.


Sirkumstansya - Isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakakabawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos.


Uri ng Sirkumstansya:

  • What?

  • Where?

  • Who?

  • When?

  • How?


Sino - Ito ay ang tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.


Ano - Ito ay ang mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.


Saan - Tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.


Paano - Tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.


Kailan - Tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos.


Kahihitnatnan - Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na panangutan.

  • Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan.


Paraan ng Pagsasagawa ng Kilos:

  1. Kung Ano Tayo

  2. Ano ang Kalalabasan ng Ating Kilos

  3. Pagpapasiya


Layunin at Pamamaraan:

  • Mabuting Layunin + Mabuting Pamamaraan = Mabuting Kilos

  • Mabuting Layunin + Masamang Pamamaraan = Masamang Kilos

  • Masamang Layunin + Mabuting Pamamaraan = Masamang Kilos

  • Masamang Layunin + Masamang Pamamaraan = Masamang Kilos


“I am not a product of my circumstances. I am a product of my decisions.” — Stephen Covey