KAWALAN NG TRABAHO
Mga Dahilan ng Kawalan ng Trabaho
- Ang kawalan ng trabaho o unemployment ay ang sitwasyon na hindi makahanap ng trabaho, bilang napagkakakitaang paggawa, ang isang taong gustong magtrabaho.
- Ayon sa ulat na World Employment and Social Outlook: Trends 2017 ng International Labour Organization, mayroong 197.7 milyong katao ang walang trabaho sa buong mundo noong 2016. Tinatayang madaragdagan pa ito ng 3.4 milyon sa 2017, kaya magiging 201.1 milyon.
Vulnerable employment - tumutukoy sa mga manggagawang self-employed at nagtatrabaho para sa isang kapamilya o kaanak.
Extreme and moderate working poverty - tumutukoy sa mga manggagawang nabubuhay sa kita na US$3.10 kada araw.
Department of Labor and Employment o DOLE - ayon dito, malaking bahagi ng mga walang hanapbuhay ay mga dating manggagawang kontraktuwal.
Ang sistema ng edukasyon sa bansa ay mayroon ding kinalaman sa kawalan ng trabaho ng milyon-milyong Pilipino.
Mismatch - ang hindi pagkakatugma ng kasanayan o pinag-aralan ng isang tao at ng hanapbuhay na maaari niyang pasukan.
Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay at Pag-unlad ng Ekonomiya
Isa sa mga implikasyon ng kawalan ng trabaho ay ang kahirapan.
Kahirapan - kondisyon na ang mga tao ay hindi mapanatili kahit ang mababang pamantayan ng pamumuhay.
Ayon sa UNESCO
Absolutong kahirapan - sinusukat ang kahirapan na kaugnay ng halaga ng salaping kailangan upang maabot ang mga pangunahing pangangailangan.
Relatibong kahirapan - sinusukat ang kahirapan na kaugnay ng ekonomikong kalagayan o pamantayan ng pamumuhay ng isang partikular na lipunan.
Unemployment - ay may implikasyon din sa seguridad.
Habang laganap ang kahirapan, nagpapatuloy ang mga krimeng may kinalaman sa pera. Magkakaugnay ang usapin ng kahirapan, krimen, seguridad, at unemployment.
May mga tao ring kapag matagal nang walang trabaho ay nakararanas ng depresyon, kinakalawang na ang kakayahan at nawawala ang kumpiyansa sa sariling abilidad. Ang ganitong mga mamamayan ay nahihirapang makatulong sa pamilya at pamayanan.
Ang implikasyon naman ng unemployment sa ekonomiya at ang mabagal na paglagong ekonomiko. Ang paglagong ito ay sinusukat ayon sa produksiyon, kabuuang kita, at pagpasok ng kapital sa bansa, na sinasalamin ng gross national product GNP, gross national income GNI, at GNP per capita.
GNP - ay ang pangkalahatang halaga ng mga produkto at serbisyo na nalilikha ng mga mamamayan sa loob ng isang taon.
GNI - ay ang pangkalahatang kita ng mamamayan ng isang bansa, kasama ang GNP; ibinabawas dito ang kita ng mga naninirahang dayuhan. Ang kita sa paglagong ekonomiko ay ginagamit sa pagpapataas ng kalidad ng pamumuhay ng mga tao upang matamo ang kaunlarang ekonomiko.
Human Development Index - sa pamamagitan nito, sinusukat ang kaunlarang ekonomiko na may kaugnayan sa edukasyon, inaasahang tagal ng buhay, mortalidad, serbisyong pangkalusugan, at iba pang panukat ng kalidad ng pamumuhay.
Paglutas sa Unemployment
*Ang pamahalaan ay maaaring mag-imbita ng mga dayuhang mamumuhunan na magtatayo ng mga pabrika o gawaan ng mga produkto, na mangangailangan ng maraming manggagawa. Ang Pilipinas ay nagbibigay sa dayuhan ng 100% pag-aari ng mga tukoy na domestikong negosyo ngunit ang pangkalahatang patakaran sa foreign equity ay nililimitahan sa di-lalampas sa 40%, sang-ayon sa Batas Republika blg. 7042 o ang “Foreign Investment Act of 1991.” Nagbibigay rin sila ng tax holiday kung saan may panahong ang kompanya ay hindi kailangang magbayad ng buwis.
*Hinihikayat din ang partisipasyon ng pribadong sektor lalo na ang mga entrepreneur o tao na nakikipagsapalaran sa negosyo. Sila ay nasa kategorya ng micro, small, and medium enterprises MSME.
*Ayon sa estadistika ng Philippine Statistics Authority noong 2015, sa 900 914 na establisimyento sa bansa, 99.5% nito o 896 839 ay kabilang sa MSME, at ang natitirang 0.5% o 4 075 ay malalaking negosyo. Nakapagbigay rin ang MSME ng 4 784 870 trabaho 0 61.6% kaysa 2 981 819 ng malalaking Negosyo noong 2015.
*Ang pamahalaan ay lumikha noong 1991 ng “Magna Carta for Small Enterprises” (Batas Republika blg. 6977) na sinusugan noong 2008 bilang “Magna Carta for Micro, Small, and Medium Enterprises” (Batas Republika blg. 9501). Nilikha naman ang isang espesyal na batas, ang “Barangay Micro Business Enterprises Act” (Batas Republika blg. 9178), noong 2002. Noong 2004, ginawa ang “Small and Medium Enterprises Development (SMED) Plan” na bumabalangkas sa pagpapaunlad ng MSME sa Pilipinas.
*Para matugunan ang pangangailangan ng pondo ng maliliit na negosyo, ang pamahalaan ay gumamit ng pambansang estratehiya ng microfinance simula noong 1997. Ayon sa Economist Intelligence Unit, ang Pilipinas ay kinilala bilang pangalawa sa pinakamagagaling sa microfinance sa buong mundo noong 2010, sunod lamang sa Peru.
*Ang pribadong sektor tulad ng Philippine Center for Entrepreneurship ay nakilahok din sa pagpapalaganap ng MSME. Nagtayo ito ng programang “Go Negosyo” sa paniniwalang maaaring matugunan ng mga Pilipino ang kahirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo at hindi lamang sa paghahanap ng trabaho o pagiging migrante.
*Sa rehiyong ASEAN naman, kinilala ang kahalagahan ng MSME sa pamamgitan ng pagsasagawa ng “ASEAN Strategic Action Plan for SME Development” SAPSMED, upang mapabilis at mapagtibay ang pag-unlad ng MSME sa Timog-Silangang Asya. Nagtatag din ng ASEAN SME Academy na layuning magbigay ng online na pagsasanay at tulong sa mga SME sa pamamagitan ng paglalaan ng mga kurso sa pananalapi, pamamahala, teknolohiya, pagbebenta, at pangangalakal.
*Itinatag naman ng Organisation for Economic Co-operation and Development OECD ang Centre for Entrepreneurship, SMEs, Local Development and Tourism upang makatulong sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagbibigay-lakas sa MSME na makasali sa pandaigdigang kalakalan.
*Isa pang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pagpapatigil ng laganap na kontraktuwalisasyon dahil pansamantalang trabaho lamang ang naibibigay nito at walang benepisyong natatanggap ang mga manggagawa.
*Bukod sa mga institusyonal na hakbang ng pamahalaan na makapagbibigay ng hanapbuhay at gumawa ng paborableng kondisyong ekonomiko, may responsibilidad din ang mga mamamayan na gumawa ng sariling hakbang na kumita.
*Ang impormal na ekonomiya ay binubuo ng maliliit na negosyo na madaling pasukin ng sinuman at may maliit na operasyon. Kabilang dito ang tindahang sari-sari, munting taniman, at pagtitinda sa lansangan. Ayon sa 2008 Informal Sector Survey, mayroong 10.5 milyong opereytor na nasa impormal na ekonomiya. Malaking bahagi nila ay nasa mga bukirin at bahay.
GLOBALISASYON - isa sa mga bagay na nag-ugat sa pandaigdigang ugnayan ng mga tao, bansa, organisasyon, at negosyo.
- proseso ng pag-uugnayan, pagpapakalat, at pagpapalitan ng mga produkto, serbisyo, teknolohiya, kaisipan, at tao
Globalize - pinanggalingan ng globalisasyon, na tumutukoy sa paglago ng magkakasalawad na mga sistemang pang-ekonomiya sa daigdig.
Anthony Giddens - ang globalisasyon ayon sa kaniya, ay ang pagpapaigting ng pandaigdigang ugnayang panlipunan o sosyal.
Pinagmulan ng Globalisasyon
*Ang globalisasyon ay pangkasaysayan, pampolitika, pang-ekonomiya at sosyokultural na pinagmulan. Ngunit ang mga ito ay magkakasanib o magkakasapin-sapin
*Ang globalisasyon ay nagsimula pa noong unang panahon dahil likas sa tao ang makipag-ugnayan, maghanap ng mga bagay na kailangan, makipagpalitan ng mga produkto, at mag-usisa sa mga nangyayari sa ibang lugar.
Kasama na rito ang kaniyang pagkakatuto ng mga salita, teknolohiya, ritwal, kultura, at paniniwala ng ibang pangkat, grupo at komunidad. Dala-dala rin ng mga tao ang kanilang kalinangan at iba pang kaalamang sosyokultural sa pakikipagkalakalan.
*Nang lumaganap ang kolonyalismong Europe, naging mas malawak ang ugnayang pang-ekonomiya at palitan ng mga produkto sa pagitan ng iba't ibang kolonyang sakop ng mga Europeong bansa. Lumaganap din ang mga kaugalian at paniniwalang pangrelihiyon, pampolitika, pang-edukasyon, at pantao ng mga Europeo sa kanilang mga kolonya.
*Sa Pilipinas ay nagkaroon ng mahalagang papel noong panahon ng kolonyalismo dahil sa kalakalang galeon sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mehiko. Naging daungan ang Maynila ng Espanya para sa pakikipagkalakal nito sa Tsina.
*Hindi naging pabor sa mga katutubo ang kalakalang galeon dahil ang lubos na nakinabang dito ay ang mga Espanyol at mga negosyanteng Tsino. Nagtagal ang kalakalang galeon mula 1565 hanggang 1815.
*Ang tawag sa paggamit at paggaya ng ilang paniniwala, gawain at iba pang element ng kaunlarang Tsino ay Sinification.
Pinagmulan ng Globalisasyon
INDUSTRIAL EVOLUTION
*Ang transportasyon at komunikasyon ay napakahalagang mga salik sa globalisasyon. Lalong sumigla ang globalisasyon noong kalagitnaan ng ika-18 siglo dahil sa Unang Rebolusyong Industrial sa Europa dahil sa pagkaimbento ng mga makinarya at sasakyan tulad ng bapor at tren na pinaaandar ng singaw.
*May mga pandaigdigang samahan tulad ng European Union (EU) at World Trade Organization (WTO) na gumagawa ng mga polisiya, institusyon, at iba pang gawaing lumalaktaw sa hangganan g mga bansa tungo sa ikatitibay at ikayayabong ng mga kasunduang pandaigdig sa ngalan ng globalisasyon.
*Ang EU ay Samahan ng mga bansa sa Europa na sumasang-ayon sa ilang pangunahing polisiya gaya ng malayang paggalaw ng mga kalakal sa loob ng lisang mercado, malayang paggalaw ng mga manggagawa, malayang paggalaw ng kapital, at pagsasaayos ng mga nasyonal a batas upang makasunod sa mas malawak na mga batas ng EU.
*Ang isa pang institusyon na itinuturing na haligi ng globalisasyon sa modernong panahon ay ang International Monetary Fund (IMF). Ang IMF ay nagsagawa ng pamantayan para sa pananalapi at kaayusan ng mga nasirang ekonomiya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang IMF ang nagpapautang sa mga bansang may suliraning pang-ekonomiya.
*Isa pang institusyon ang World Bank na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal sa mga proyektong pangkaunlaran ng mga bansa. Ang World Bank ang nagpapautang para sa espesipikong mga proyekto at programang pangkaularan.
Pangunahing Institusyon sa Globalisasyon
*Dalawang uri ang mga "aktor" na gumaganap sa larangan ng pandaigdigang ugnayan (international relations) - ang estado ang kumakatawan sa pamahalaan, samantalang ang di-estado (nonstate actor/NSA) ang bumubuo sa mga institusyon, grupo, o asosasyon na bahagi ng sistemang pandaigdig.
Pamahalaan
Ang uri ng pamahalaan ay maaaring makapagpabilis o makapagpaudlot ng globalisasyon sa isang bansa. Ang demokratikong pamahalaan ay bukas sa proseso at epekto ng globalisasyon sa ekonomiya, edukasyon, politika, lipunan, at iba pang aspekto ng pamumuhay.
Multinasyonal na Korporasyon
*Ang mga multinasyonal na korporasyon ay malalaking korporasyon na may pasilidad, planta, o asset sa dalawa at higit pang bansa. Ang mga MNC ay ang mga pangunahing tagapaapalaganap ng globalisasyon.
Elektronikong Media
*Malaki ang papel na ginanampanan ng mass media tulad telebisyon, radio, diyaryo, at pelikula sa pagpapalaganap ng globalisasyon. Dahil dito, narating ng globalisasyon ang malalayong lugar; nagpakilala ng mga ideolohiya sa mga mamamayang sinisikil ng kanilang pamahalaan; nakapagpasimula ng adyendang pandaigdig; nagpalakas sa komersiyalisasyon; nakapagbahaging kultura at kaalaman sa pamamagitan ng musika, pelikula, at palabas; at marami pang iba.
Sa pagdating ng social media na naging possible dahil sa Internet, naging mas mabilis ang pagkalat ng mga impormason at mensahe.
Ginagamit din ang social media upang ipalaganap ang maraming ideolohiya gaya ng paglaban sa kapitalismo, pagpapalakas ng demokrasya, panawagan sa pagkakapantay-pantay at karapatang pantao, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa.
Mga NGO
*Ang mga NGO ay naging aktibo rin sa pagbibigay ng impluwensiya sa mga polisiya sa loob at labas ng kani-kanilang bansa. Sa pamamagitan ng mga kumperensiya, pagkilos, at pagbibigay-serbisyo na pinansinayaan ng mga NGO, nagkakaroon ng pagkakataon na magkaugnay at magtulungan ang mga sektor ng lipunan upang maisulong ang kanilang mga adhikain.
Internasyonal na Organisasyon
*Kung ang mga MNC ang tagapaglaganap ng globalisasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa Negosyo at serbisyo, ang mga internasyonal na organisasyon naman tulad ng WTO, ASEAN, UN, at Latin American Free Trade Area ay naglalatag ng mga alituntunin, patakaran, at direksiyon para sa paggabay, pagpapatupad, at pagpapalaganap ng panrehiyon at pandaigdigang kalakalan. Sila ay nagkakaroon din ng mga kasunduang politikal, kultural, pang-ekonomiya, at pangkapayapaan na nagpapayabong sa globalisasyon.
Batikos sa Globalisasyon
Hindi lahat ay sumusuporta sa globalisasyon. Ang mga makapangyarihan at mayamang bansa ay may mas kakayahang mamuhunan nang malaki at magpalabas ng mas maraming produkto sa merkado. Bukod pa rito, mas mataas ang kalidad na hinahanap ng mayayamang kliyente. Kaya sa tingin ng mga kumukontra sa globalisasyon, ang mga mahihirap na bansa ay dehado sa ugnayang ito.
MAPAPANATILING PAG-UNLAD
- sustainable development
- pag-unlad na nakasasapat sa mga pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi napababayaan ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na masapatan ang kanilang pangangailangan.
*Unang lumitaw ang konsepto ng magpapanatiling pag-unlad nppng dekada 1970 kung kailan ang pagpapanatili o sustainability ay ginamit upang ilarawan ang isang ekonomiyang may katimbang na suporta sa ekolohiya.
*Ibinunyag sa UN Conference on HUman Environment noong 1972 na hindi kayang tugunan ng daigdig ang lumalaking pangangailangan ng mga tao sa pagkain, tubig, at enerhiya. Noong 1980 ang International Union for the Conservation of Resources ay nagpalabas ng isang dokumento, ang World Conservation Strategy, na nagsasabing upang makamit ang pag-unlad, kailangang kasabay ang pagmamalasakit sa kapaligiran at pagtugon sa mga pandaigdigang isyu ng kapaligiran.
*Ang UN General Assembly noong 1983 ay bumuo ng World Commission on Environment and Development (WCED) (mas kilala bilang Brundtland Commission) na pinamunuan ni Gro Harlem Brundtland.
*Noong 1897, inilathala ng komisyon ang Our Common Future, na kilala rin bilang Brundtland Report. Binigyang-diin nito na ang paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran ng buing mundo ay nakasalalay sa pagkakaubawa ng mga tao sa epekto ng kanilang ginagawa sa kapaligiran.
*Sa Earth Summit ginawa at nilagdaan ng humigit kumulang 150 bansa ang isang plano, ang Agenda 22, na naglalatag ng mga kongkretong estratehiya at hakbang na isasakatuparan ng UN, mga Estado, at mga internasyonal na organisasyon para sa mapapanatiling pag-unlad sa paparating na ika-21 siglo.
*Karaniwan, ang pagsusuri sa mapapanatiling pag-unlad ay hinati sa apat na larangan: ekonomiko, pangkapaligiran o ekolohiko, politikal, at sosyokultural. Sa mga larangang ito tinatahak ang daan tungo sa pag-unlad.
Tao at Pagbabagong Pangkapaligiran
Sa paglulunsad ng Agenda 21, ilan sa mga binigyang-pansin ay ang mga sumusunod:
* kahalagahan ng pandaigdigang pakikipagtulungan sa paglutas ng suliraning pangkapaligiran;
* responsibilidad ng lahat na bansa na iangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mga polisiyang balanse ang pagtingin sa mga pangangailangan sa pag-unlad at paggamit sa kapaligiran;
* karapatang mabuhay nang masagana at matiwasay hindi lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi ng mga susunod pa;
* pagtigil o pagbawas ng mga gawaing nakasisira ng kapaligiran;
* pagpapatibay ng mga batas at patakarang magbibigay ng proteksiyon at mangangalaga sa kapaligiran; at
* pagpapanatili ng kapayapaan upang maiwasan ang pagkasira at pagkapinsala sa kapaligiran dala ng kaguluhan.
Mga Hamon upang Matamasa ang Mapapanatiling Pag-unlad
1. Kakulangan sa Edukasyon
*Ang pagiging salat sa kaalaman tungkol sa limitasyon ng kalikasan ay isang dahilan upang abusuhin ito ng tao.
*Sa ngayo'y nagtutulungan pamahalaan, mga
NGO, ang mga at pandaigdigang Samahan sa pagpapakalat ng, kaalaman hinge sa tamang paggamit, pamamahala at pakikipag-ugnayan sa kalikasan at kapaligiran.
2. Kahirapan
Ang kahirapan ay isang nagtutulak sa tao na kumapit sa patalim sa paggamit niya sa kalikasan upang mabuhay. Dahil sa kawalan o kakulangan ng kitang panustos sa pang-araw-araw, ang iba ay napipilitang gamitin nang higit sa dapat ang mga biyaya ng kapaligiran.
3. Konsumerismo
Ang malakas na pagkonsumo ng mga produkto ay sagabal din sa pag-abot ng mapapanatiling pag-unlad. Kung malaki ang pagkonsumo, mabilis din ang pagkaubos ng mga mga likas na yaman, dahilan upang makompromiso ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. Ang konsumerismo ay bunsod ng patuloy na paglaki ng populasyon, paghahangad ng kapitalista na magbenta at ng mga konsumer na mamili, at kawalang-pakialam sa susunod na salinlahi.
Pilipinas at Pagsunod sa Agenda 21
*Ang unang hakbang na ginawa ng Pilipinas ay ang pagtatag ng Philippine Council for Sustainable Development PCSD na nabuo sa Atas Tagapagpaganap blg.15 noong Setyembre 1992. Ang PCSD ay binigyan ng responsibilidad na ipatupad ang mapapanatiling pag-unlad sa bansa.
*Kasunod nito, inilabas ni Pangulong Fidel Ramos ang Memorandum Order blg. 288, s. 1995 na nagbuo ng Philippine Agenda 21. PA 21. Binigyang-diinbsa dokumentong ito ang mahalagang papel na dapat gampanan ng pamahalaan, sosyedad, at mga negosyante sa pangangalaga ng kapaligiran gayundin sa pagsasakatuparan ng mga lokal na polisiya hinggil sa mapapanatiling pag-unlad.
*Isinasaad ng Memorandum Order blg. 399, S. 1996 anv pagpapakilos at pagpapatupad ng
PA 21 samantalang iniaatas sa Memorandum Order blg. 47, s.1999 ang lokalisasyon ng PA 21 sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa mga programang kaugnay ng mapapanatiling pag-unlad.
*Bukod sa Agenda 21, ang Pilipinas lumagda rin sa iba pang pandaigdigang kasunduan sa ilalim ng UN gaya ng UN Framework Convention on Biological Diversity 1994, UN Convention to Combat Desertification 2000, ar UN Framework Convention on Climate Change 2004. Lumagda rin ang bansa noong 2006 sa Stockholm Convention on Persistent Organic Pollutant.
Mga Kasunduan para sa Mapapanatilling Pag-unlad
1. United Nations Conference on the Human Environment (Stockholm Conference) Stockholm, Sweden (5-16 Hunyo 1972)
- Declaration of the United Nations Conference on the Human Environment (Stockholm Declaration
- Action Plan for the Human Environment
2. United Nations Conference on Environment and Development (UNCED) (Earth Summit) Rio de Janeiro, Brazil (3-14 Hunyo 1992)
- Agenda 21
- Rio Declaration on Environment and Development
- Statement of Forest Principles
- United Nations Framework Convention on Climate Change
- United Nations Convention on Biological Diversity
3. World Summit on Sustainable Development (WSSD) (Johannesburg Summit) Johannesburg South Africa (26 Agosto-4 Setyembre 2002)
- Johannesburg Declaration on Sustainable Development
- Plan of Implementation of the World Summit on Sustainable Development (Johannesburg Plan of Implementation)
4. United Nations Conference on Sustainable Deveopment (UNCSD) Rio de Janeiro, Brazil (13-22 Hunyo 2012)
- The Future We Want (isang dokumentong nagsasaad ng panibagong pangako sa mapapanatiling pag-unlad)
Sustainable Development Agenda
Noong 1 Enero 2016, nagpasimulang
sundin ng mga bansa ang 2030 Agenda for Sustainable Development (Agenda 2030) ng
UN. Nalikha ito batay sa isang resolusyon na pinagtibay noong 25 Setyembre 2015 matapos ganapin ang UN Sustainable Development Summit.
1. Wala nang kahirapan - wakasan ang kahirapan sa lahat ng anyo nito saan man
2. Wala nang kagutuman - makamit ang seguridad sa pagkain at pinagbuting nutrisyon, at pag-ibayuhin ang sostenibleng agrikultura
3. Mabuting kalusugan at kagalingan - tiyakin ang malusog na pamumuhay at itaguyod ang kagalingan ng lahat
4. May kalidad na edukasyon - tiyakin ang ingklusibo at pantay na de-kalidad na edukasyon at itaguyod ang panghabambuhay na oportunidad ng pagkatuto sa lahat
5. Pagkakapantay-pantay ng kasarian - makamit ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at bigyang-kapangyarihan ang kababaihan
6. Malinis na tubig at sanitasyon - tiyakin ang pamamahagi at sostenibleng pangangasiwa ng tubig at sanitasyon sa lahat
7. Mura at malinis na enerhiya - tiyakin ang akses sa mura, maasahanm sostenible, at modernong enerhiya para sa lahat
8. Disenteng trabaho at ekonomikong paglago - itaguyod ang napanatili, ingklusibo, at sostenibleng ekonomikong paglago, buo at produktibong empleo, at disenteng trabaho para sa lahat
9. Industriya, inobasyon, at impraestruktura - itayo ang matibay na impraestruktura, itaguyod ang ingklusibo at sostenibleng industriyalisasyon, at pagyamanin ang inobasyon
10. Pinababang inequality - Pababain ang di-pagkakapantay-pantay sa loob at sa pagitan ng mga bansa
11. Sostenibleng mga lungsod at komunidad - gawin ang mga lungsod at tirahan ng to na ingklusibo, ligtas, matibay, at sostenible
12. Responsableng pagkonsumo at produksiyon - tiyakin ang sostenibleng patern ng pagkonsumo at produksiyon
13. Aksiyon hinggil sa climate change - gumawa ng agarang aksiyon para labanan ang climate change at mga epekto nito
14. Bahay sa ilalim ng dagat - konserbahin at sostenibleng gamitin ang mga karagatan at yamang-dagat para sa mapapanatiling pag-unlad
15. Buhay sa lupa - protektahan, ibangon, at itaguyod ang sostenibleng gamit ng ekosistemang panlupa, pangasiwaan ang mga kagubatan, pigilan ang desertipikasyon, at patigilin at baligtarin ang epekto ng degradasyon ng lupa, at patigilin ang pagkabawas ng saribuhay.
16. Kapayapaan, katarungan, at matitibay na institusyon - itaguyod ang mapayapa at ingklusibong mga lipunan. Magbigay ng akses sa katarungan para sa lahat, at itayo ang epektibo, napananagutan, at ingklusibong mga institusyon sa lahat ng lével
17. Magkakasamang pagtugon sa mga layunin - palakasin ang mga paraan ng pagsasakatuparan at pasiglahin ang pandaigdigang pagtutulungan para sa mapapanatiling pag-unlad