ARALIN 1

Teknikal-bokasyonal na pagsulat ay:

● napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panlaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram.

Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal-Bokasyonal

  • Pag-unawa sa mambabasa.

  • Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat.

  • Pag-alam sa paksang-aralin.

  • Obhetibong pagsulat.

  • Paggamit ng tamang estruktura.

  • Paggamit ng etikal na pamantayan.

  • LAYUNIN NG TEKNIKAL BOKASYONAL

· Upang mabigay alam. Isinusulat upang mapaunawa o magpagawa ng isang bagay.

· Upang mag-analisa ng mga pangyayari. at implikasyon nito. Susubukan nitong ipaliwanag kung paano ang sistema o pangyayari ay nabigo.

Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon. Susubukan nitong ipakita kung paanong ang kalakal o industiriya ay nagtagumpay.

  • Komunikasyong Teknikal

● Isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon.

● Karaniwan na itong maihahanlintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awiyens, layunin,estilo,pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang pangunahing element ng komunikasyong teknikal.

  • Elemento ng Komunikasyong Teknikal

1. Awdiyens- nagsisilbing tagatanggap ng mensahe

2. Layunin- ito ang dahilan kung bakit kinakilangang maganap ang pagpapadala ngm ensahe

3. Estilo- kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe.

4. Pormat- tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala.

5. Sitwasyon- pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng

mensahe.

6. Nilalaman- dito nakasaad ang ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon.

7. Gamit- ito ang nagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe.

  •  ARALIN 2: Pagsulat ng Liham Pangnegosyo

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang pormat na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 8 ½ “x11” na bond paper. May anim na bahagi ang isang liham na pangnegosyo

1. Pamuhatan

● Mula sa salitang ugat na “buhat” , ibig sabihin, pinagmulan o pinanggalingan.

● nagtataglay ng adres ng nagpapadala ng liham na nasa kadalasang2-3 l linya lamang.

● Maaari ding magdagdag ng isa pang linya para sa numero ng telepono, Fax, e-mail address, atbp.

2. Patunguhan

● “tungo” ang pupuntahan, patutunguhan o padadalhan ng liham

● Kumpletuhin ang adres na ito at isama ang ang mga titulo at pangalanng padadalhan ng liham.

● Lagi itong nasa kaliwang bahagi

3. Bating Pambungad

● “Mahal na –” , G., Gng., Bb., atbp.

● Laging nagtatapos sa tutuldok ( : ) , hindi sa kuwit ( , ) ● Hal.: Mahal na Ginoo: , Mahal na Bb.:

4. Katawan

● Palaging typewritten o computerized

● Gitnang bahagi: isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay ng mgakatibayan hinggil sa pangyayari o usapin.

● Huling bahagi: sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.

5. Pamitagang Pangwakas

● Isa itong maikling pagbati ng na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam.

● Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid

(margin) ng liham, depende sa pormat na iyong pinili.

● Madalas na ginagamit ang block style na pormat dahil hindi na itokinakailangan ang anumang indensyon sa buong liham.

6. Lagda

● Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ngtaong lalagda.

● Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan,

bagaman hindi naman lagging kinakailangan.

  • Uri ng Pormat

  • Full block style - lahat sa kaliwa

  • Intended form - kaliwa kanan, kaliwa

  • Semi block style - kanan, kaliwa, kanan

  • Block style - kanan lahat

  • Modified block form- kanan, kaliwa, kaliwa

  • Uri ng Liham Pang-negosyo/pangangalakal

  • Liham Aplikasyon- Isinusulat upang humanap ng trabaho.

  • Liham Pagapapakilala- Isinusulat ang liham na ito upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay/ produkto na iniendorso.

  • Liham Subskripsyon- Isinusulat upang maglahad ng intensyon sa subskripsyon ng pahayagan, magasin at iba pang babasahin.

  • Liham Pamimili- Ang liham na ito ay isinusulat upang bumili ng paninda na ipapadala sa koreo.

  • Liham na Nagtatanong- Ang liham na ito ay isinusulat upang humingi ng Impormasyon.

  • Liham na Nagrereklamo- Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing.

  •  ARALIN 3: MEMORANDUM

Ito ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o mas may nakatataas na  tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho.  Karaniwang binubuo ng ulo at ng katawan ang isang memo. Sa pagtukoy ng padadlhan o tagatanggap ng memo, dapat lagging ilagay ang kanyang buong pangalan,  hindi dapat gumamit ng mga pahapyaw lamang.

Ang memo ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon o  kompanya. Gayunman, may mga memo din na ipinapadala sa labas ng kompanyao organisasyon  sa pamamagitan ng e-mail o kaya ay telefax. Narito ang mga gamit ng memo: 

- Paghingi ng impormasyon;

- Pagkompirmasa kombersasyon; 

- Pag-aanusiyo ng mga pagbabago sa mga pulong; 

- Pagbati sa kasamahan sa trabaho; 

- Pagbubuod ng mga pulong;

 -Pagpapadala ng mga dukomento; at

- Pag-uulat sa pang-araw-araw na gawain.

Ang mga kilala at  malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery  para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:

  •  Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon 

  • Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department 

  • Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling s marketing at accounting department

  •  ARALIN 4: Katitikan ng Pulong

  •  Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon

  •  Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon

  •  maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte at maaaring maikli at tuwiran o detalyado.

  • Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:

  • PAKSA

  • PETSA

  • ORAS

  • POOK NA PAGDARAUSAN NG PULONG

  • MGA TAONG DUMALO AT DI DUMALO

  • ORAS NG PAGSISIMULA

 

  • Sintesis/Buod

Ang Sintesis o Buod ay isang pamamaraan kung saan sinasabi ng isang

manunulat o tagapagsalita ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit

komprehensibong paraan. Ang pagbubuod na ito ay hindi lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari kundi pagbuo dito bilang isa.

  • ARALIN 5: Deskripsiyon ng Produkto

Isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga  benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pa ng produktong nais ibenta.

Karaniwan, ang deskription ng produkto ay isang maikling talata lamang. Maaring gumamit ng bulleted  lists sa pagsulat ng deskripsiyon sa produkto lalo na kung sa online stores.


  • Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto 

  • Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto. 

  • Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili. 

  • Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo. 

  • Iwasan ang mga gasgas na pahayag. 

  • Patunayan ang paggamit ng superlatibo.

  • Pukawin ang imahenasyon ng mambabasa. 

  • Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto