AP - Grade 9

ARALIN 1

Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.

Sitwasyon > Desisyon > Dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng labis na kapakinabangan.

Ekonomiks

-isang sangay ng Agham Panlipunan na nagaaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.

Oikonomiya – salitang griyego na pinagmulan ng salitang Ekonomiks

Oikos - Bahay

Nomos - Pamamahala

Mga tutugon sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao:

-Pagplaplano

-Paggawa ng tamang desisyon > Pamimili mula sa choices

Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman (resources) > Kakapusan (Scarcity)

Mahalagang Konsepto sa Ekonomiya:

1. Trade-Off – pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.

2. Opportunity Cost - tumutukoy saa halaga o nang best alternative.

3. Marginal Thinking – pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.

4. Incentives - iniaalok na gantimpala o mas mura at magandang serbisyo sa tao.

(Mankiw, 1997) - Ang ekonomiks at sambahayan ay maraming pagkakatulad.

Xenophon – Mabuting pamamahala at pamumuno -> Oiconomicus

Plato – Espesyalisasyon at division of labor:The Republic

Aristotle – Pribadong pagmamay-ari:Topics and Rhretoric

Merkantilismo – ang yaman ng isang bansa ay nakabatay sa dami ng

ginto at pilak.

Francois Quesnay at Physiocrats – pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit ng wasto sa mga yamang likas.

Tableu Economique – nagpapakita ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo sa ekonomiya

Adam Smith

- Ama ng Makabagong Ekonomiks

- Doktrinang Laissez-faire o let alone policy – hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya.

- Espesyalisasyon - ay paghahati ng mga gawain sa produksyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa.

- Akda: “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”

David Ricardo

- Law of Diminishing Marginal Returns – ang patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito.

- Law of Comparative Advantage – prinsipyo na nagsasaad na higit na kapakipakinabang sa isang bansa na lumikha ng mga produkto na higit na mura ang gastos sa paggawa ( production cost ) kaysa sa ibang bansa.

Thomas Robert Malthus

- Binigyang pansin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.

- Malthusian Theory – ang populasyon ay mas mabilis na lumalaki kaysa sa suplay ng pagkain.

John Maynard Keynes

-Father of Modern Theory of Employment

-Ang pamahalaan ay may mas malaking papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng balanseng ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos ng pamahalaan.

-Akda: “General Theory of Employment, Interest, and Money”

Karl Marx

-Ama ng Komunismo

-Naniniwala na ang produksyon at distribusyon ay dapat pamahalaan ng tao (mamamayan)

- Isinulong na ang rebolusyon ng mga proletariat ang magpapatalsik sa mga kapitalista

-Akda: Das Kapital, Communist Manifesto w/Friedrich Engels

Economic performance

-tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa.

-Nasusukat gamit ang GNP at GDP (magandang makita na tumataas ito)

 

ARALIN 2

Ekonomiks

-nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang – yaman

-nakatuon rin sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan

Kakapusan

-sanhi ng walang hanggang kagustuhan ng tao

-tumutukoy sa limitasyon o hangganan sa mga roduktong pang-ekonomiya

-hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman

Dahilan ng Kakapusan:

1. MAAKSAYANG paggamit ng pinagkukunang - yaman.

2. NON-RENEWABILITY ang ilang pinagkukunang - yaman.

3. KAWALANG-HANGGANG pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Kakulangan

-pansamantalang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman

-temporary scarcity

Thomas Malthus – Magpapatuloy sa mabilis na paglaki ang populasyon kung hindi ito makokontrol.

Kakapusan bilang suliraning kakapusan:

-Nag-iiba ang ugali ng tao kapag hindi niya makamit ang mga pangangailangan niya

-Natututong maging madgamot, mandaya, at manlinlang ng kapwa.

-Nagiging bunga ng kakapusan ang Kaguluhan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin (Inflation)

Mga kaisipan tungkol sa kakapusan: Trade-Off at Opportunity Cost

Mga paraan upang mapamahalaan ang KAKAPUSAN:

1. Angkop at makabagong teknolohiya

2. Pagsasanay ng mga manggagawa

3. Pagpapatupad ng mga programa

4. Pagpapatupad ng mga polisiya

 

ARALIN 3

Pangangailangan

-mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa pang-araw-araw

-mga bagay na mahalaga sa pagpapanatili ng buhay ng tao

Uri ng Pangangailangan:

1. Materyal - Bagay na nakikita at nahahawakan

2. Di-Materyal - May kinalaman sa ating pandamdamin at kamalayan.

Kagustuhan - paghahangad ng tao ng mas mataas pa sa kaniyang mga batayang pangangailangan.

Microeconomics (McConnel, Brue, at Barbiero - 2001) - ang kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong produkto.

Hirarkiya ng Pangangailangan:

1. Pangangailangang Pisyolohikal (Physiological)

2. Pangangailangang pang-seguridad at pang-kaligtasan (Safety)

3. Pangangailangang Panlipunan (Love/Belonging)

4. Pangangailangang pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao (Esteem)

5. Pangangailangan sa kaganapang pantao (Self-Actualization)

Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan:

· Panlasa

· Gulang

· Trabaho

· Kita

· Edukasyon

· Presyo

· Panahon

· Kasarian

 

ARALIN 4

Produksyon - tumutukoy sa proseso ng pagpapalit-palit anyo ng mga salik ng produksyon upang makalikha ng bagong produkto.

Input - mga salik na ginagamit sa pagbuo ng bagong produkto.

Output - ang tawag sa nabuong produkto o serbisyo.

2 Klasipikasyon ng Input:

1. Fixed Input - Mga salik ng produksiyon na hindi nagbabago o hindi kayang baguhin sa ikli ng panahon na ginagamit sa pagpoprodyus.

2. Variable Input - Mga salik ng produksiyon na nagbabago o madaling baguhin na ginagamit sa pagpoprodyus.

Mga Salik ng Produksyon:

-Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal.

1. Kapital (Capital : Interes) - Mga bagay na gawa ng tao,

· Circulating Capital - kapital na mabilis magpalit-anyo at maubos (hal. Hilaw na materyales, kuryente, manggagawa, etc.).

· Fixed Capital - kapital na hindi mabilis magpalit ng anyo at matagal ang gamit (hal. gusali, lupa, sasakyan etc.).

2. Entreprenyur (Entrepreneurship : Profit) - mga taong namamahala sa ibang salik ng produksyon, tinatawag din silang mga negosyante.

3. Lupa (Land : Rent/Taxes) - Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan, ito ang pinakagamit sa lahat ng uri ng pinagkukunangyaman.

4. Paggawa (Labor : Wage) - mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa paglikha ng mga kalakal o paglilingkod, gumagamit at nagpapaunlad ng pinagkukunang yaman.

Types of Jobs:

1. White-collar – Employees who work in offices.

2. Blue-collar – Factory workers, miners, construction workers, electricians, etc.

3. Pink-collar – Jobs that Women usually occupy. (Teachers, Nurses, Secretaries, etc.)

 

ARALIN 5

John Watson Howe – “There isn’t enough to go around.”

Alokasyon

-tumutukoy sa mekanismo o pamamaraan kung paano maipapamahagi ang mga pinagkukunang yaman, produkto, at serbisyo

-sumasagot sa suliraning KAKAPUSAN

KONSERBASYON – ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman.

PAMUMUHUNAN – ito ay isinasagawa upang higit na pakinabangan ang mga pinagkukunang yaman.

MATAAS NA PRODUKSIYON – ang ibinubunga ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

PAMILIHAN – dito ipinapakita kung paano isinasagawa.

ang alokasyon.

Budget – halagang nilalaan upang tugunan ang isang pangangailagan o kagustuhan.

Apat na Katanungang Pang-ekonomiko:

1. Ano ang gagawin?

2. Paano gagawin?

3. Para kanino?

4. Gaano karami?

Sistemang pang-ekonomiya – tumutukoy sa instutsyunal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Dito nakapalibot ang relasyon ng mga konsumer sa seller.

Mga katangian ng pagbuo ng sistemang pang-ekonomiya:

1. Nagmamay-ari ng mga pinagkukunang-yaman at salik ng produksyon

2. Sentro ng pagpaplano

3. Lawak ng maaaring makinabang sa gagawing desisyon

Uri ng Ekonomiya:

1. Tradisyunal na ekonomiya (Lipunan) - Batay sa kultura, tradisyon, at paniniwala.

- umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain, at tirahan.

2. Market Economy (Pamilihan) – Ang produksyon ay nagaganap sa malayang pamilihan.

- Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa pansariling interes.

- PRESYO ang pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser.

3. Command Economy (Pamahalaan) – nasa pamahalaan ang kontrol ng produksyon.

4. Mixed Economy (Pamilihan at Pamahalaan) - malayang pagkilos ng pamilihan.

 

ARALIN 6

Pagkonsumo

-isang mahalagang gawain sa ekonomiya sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon.

-paggamit ng mga produkto at serbisyo

Uri ng Pagkonsumo:

1. Produktibo – ginagamit upang makabuo ng iba pang kapaki-pakinabang na produkto.

2. Tuwiran – nasisiyahan kaagad ang kanyang mga pangangailangan.

3. Maaksaya – sobra kung ihahambing sa kanyang pangangailangan o kagustuhan.

4. Mapanganib – maaaring maging banta sa kalusugan ng isang tao.

5. Lantad – gumagamit lamang ng produktong mamahalin o bumibili ng gamit na mahal kahit hindi kaya.

Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo:

     1. Presyo – halaga ng isang produkto

     2. Kita – salaping natatanggap.

- Ernst Engel - malaking bahagdan ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan.

     3. Okasyon – mahalagang pangayayari sa buhay ng tao

     4. Pag-aanunsyo – paghikayat sa konsyumer

a. Bandwagon – maraming tao ang gumagamit ng produkto

b. Testimonial – mga celebrities o kilalang personalidad

c. Brand name – pinakikilala lang ang tatak ng produkto

d. Fear – gumagamit ng pananakot para bilhin ang produkto

     5. Pagpapahalaga ng tao – ugali ng tao

a. Rehiyonalismo

b. Kaisipang kolonyal

c. Pakikisama

d. Pagtanaw ng utang na loob

     6. Panahon – nagbabago ang pangangailangan ng tao dulot ng pagbabago sa panahon

     7. Panggagaya – bumibili ng produkto dahil ginagamit ito ng kapatid, kaibigan, at iba pa

     8. Panlasa – kagustuhan ng isang indibidwal

Mga katangian ng matalinong mamimili:

1. Mapanuri

2. May alternatibo o pamalit

3. Hindi nagpapadaya

4. Makatwiran

5. Sumusunod sa badyet

6. Hindi nagpapanic-buying

7. Hindi nagpapadala sa anunsiyo

Republic Act 7394 – Consumer act of the Philippines

Mga pananagutan ng mamimili:

     1. Mapanuring kamalayan

     2. Pagkilos

     3. Pagmamalasakit na panlipunan

     4. Kamalayan sa kapaligiran

     5. Pagkakaisa