PP
PAGBASA – Pagbuo ng kahulugan mula sa nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. TEKSTO – Iba’t ibang anyo ng sulatin na kinapapalooban ng iba’t ibang impormasyon. URI NG TEKSTO PIKSYON – hango lamang sa imahinasyon ng may akda. DI – PIKSYON – may katotohanan ang bawat impormasyon.
TEKSTONG IMPORMATIBO – Naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa paksa. Layunin nitong maglahad ng impormasyon na hindi nababahiran ng opinyon o pananaw ng may-akda.
PAGPAPALIWANAG – uri ng tekstong impormatibo nagbibigay paliwanag kung paano naganap ang isang bagay o pangyayari
LAYUNIN NG MAY-AKDA – Layunin ng may-akdang magpalawak ng kaalaman ng mambabasa ukol sa isang paksa.
PANGUNAHING IDEYA – Daglian o direktang inihahayag ang pangunahing ideya sa mambabasa.
PANTULONG NA KAISIPAN – Nakatutulong ito upang maitatak sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing kaisipang nais nating ipabatid.
ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN, AT SANGGUNIAN Paggamit ng nakalarawang representasyon Pagbibigay diin sa mahahalaganag salita sa teksto.
Pagsulat ng mga talasanggunian
MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan -Uri ng teksto na nilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Pag-uulat Pang-impormasyon - Uri ng teksto nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao,hayop, iba pang bagay ba nabubuhay at di nabubuhay, guyundin sa mga pangyayari sa paligid.
Pagpapaliwanag - Uri ng teksto impormatibo na nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
TEKSTONG NARATIBO – Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang tao, bagay, lugar at hayop.
UNANG PANAUHAN – isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng kanyang nararamdaman, naririnig o nakikita . kaya ang ginagamit na panghalip ay AKO.
IKALAWANG PANAUHAN – Tila kinakauasap ng tagapagsalaysay ang tauhan sa kwento kaya ang ginagamit na panghalip ay KA o IKAW. Ang panauhang ito ay bibihira lamang ito gamitin sa pagsasalaysay.
IKATLONG PANAUHAN – walang relasyon sa kahit na sinong tauhan ang nagsasalaysay lahat ng kanyang nakikita o naririnig lamang ang kanyang ikinukwento.
MALADIYOS NA PANAUHAN – Tila kinokontrol ng tagapagsalaysay ang mga tauhan dahil alam nito ang lahat ng nararamdaman, nakririnig o gustong sabihin ng LAHAT NG TAUHAN.
LIMITADONG PANAUHAN – Katulad ng maladiyos na panauhan nakokontrol at nalalaman din niya ang nararamdam, at gustong sabihin ng ISA O DALAWANG TAUHAN LAMANG. TAGAPAG-OBSERBANG PANAUHAN – Walang relasyon ang tagapagsalaysay sa mga tauhan tila nag-oobserba lamang siya at hindi niya napapasok ang isipan at damdamin ng tauhan sa kwento.
KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN – hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. 2 PARAAN NG PAGPAPAHAYAG DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG Tauhan mismo ang nagsasalita ng diyalogo sa kwento. DI- DIREKTA PAGPAPAHAYAG Manunulat ang nagsasaad o nagsasalita ng diyalogo ng tauhan sa kwento
ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO TAUHAN Dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan: EXPOSITORY – kung ang tagapagsalaysay ang nagpapakilala o naglalarawan sa pagkatao ng tauhan. DRAMATIKO – kung kusang nabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Karaniwang Tauhan sa Tekstong Naratibo Pangunahing Tauhan Katunggaling Tauhan Kasamahan Tauhan May Akda URI NG TAUHAN ( E. M. FORSTER ) TAUHAN BILOG (round character) – tauhang may multidimensyunal o nagbabago ang personalidad sa pagdaloy ng pangyayari sa kwento. TAUHANG LAPAD (flat character)– Hindi nagbabago ang personalidad o katangian sa kwento.
TAGPUAN AT PANAHON BANGHAY – Pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa kwento SIMULA SULIRANIN SAGLIT NA KASIGLAHAN KASUKDULAN RESOLUSYON / KAKALASAN WAKAS
ANACHRONY – Di maayos ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa kwento. ANALEPSIS – Flashback PROLEPSIS – Flash-forward ELLIPSIS – tila may puwang o patlang ang pangyayari sa kwento. PAKSA O TEMA – Sentral na Ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari.
ARALIN 3 : TEKSTONG DESKRIPTIBO – nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, bagay, lugar at iba pa. (PAGLALARAWAN) URI NG PAGLALARAWAN Subhetibo – napakalinaw na paglalarawan na halos madama na ng mambabasa ang inilalarawan, subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa isang buhay.
Obhetibo – Paglalarawang may pinagbabatayang katotohanan. GAMIT NG KOHESYONG GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO REPERENSIYA – Salitang ginagamit para matukoy ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap. ANAPORA – Nauuna ang PANGNGALAN sa PANGHALIP. KATAPORA – Nauuna ang PANGHALIP sa PANGNGALAN -Kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy. SUBSTITUSYON – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. Hal. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang kita ng bago. ELLIPSIS – Pagbabawas ng bahagi ng pangungusap. -Nakatutulong ang unang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. Hal. Si Jose ay kumain ng tatlong turon, kay Juan namaý dalawa. PANG-UGNAY – Ginagamitan ng AT para pag-ugnayin ang dalawang sugnay, salita, parirala o pangungusap. Hal. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa anak at ang anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang magulang. KOHESYONG LEKSIKAL – mabibisang salitang ginagamit sa teksto para magkaroon ng kohesyon.
REITERASYON – ang ginagawa at sinasabi ay nauulit ng ilang beses.
3 URI NG REITERASYON PAG-UULIT O REPETISYON Hal. Maraming BATA ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang mga BATANG ito ay nagtatrabaho na sa murang edad pa lamang. PAG-IISA-ISA Hal. Nagtanim sila ng gulay sa bakuran. Ang mga gulay na kanilang itinanim ay talong, sitaw, okra at kalabasa. PAGBIBIGAY KAHULUGAN Hal. Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukkha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan. KOLOKASYON – Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nababanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o magkasalungat. Hal. Nanay – Tatay puti – itim Guro – mag-aaral Malaki - maliit Hilaga – timog Mayaman - mahirap
ARALIN 4 : TEKSTONG PROSIDYURAL – Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng mga hakbang o direksyon/panuto kung paano magagawa ang isang bagay. KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL MALAWAK NA KAALAMAN SA PAKSA PAGGAMIT NG MGA SALITANG MADALING MAUUNAWAAN NG MAMBABASA PAGBIBIGAY NG WASTO O TAMANG PAGKAKSUNOD SUNOD NG BAWAT GAWAIN. PAGLALAGAY NG MGA LARAWAN O ILUSTRASYON KASAMA ANG PALIWANAG UPANG MAS MADALING MAUNAWAAN NG MAMBABASA.
ARALIN 4 : TEKSTONG PERSUWEYSIB – layunin nitong manghikayat o mangumbinsi ng mambabasa. ARISTOTLE – Griyegong pilosopo na naglarawan ng tatlong paraan ng panghihikayat 3 PARAAN NG PANGHIHIKAYAT O PANGUNGUMBINSI ETHOS – Ginagamitan ng kredibilidad ng manunulat para mas mapaniwala ang mga mambabasa. PATHOS – Gumagamit ng damdamin o emosyon upang manghikayat. LOGOS – Gumagamit ng lohika sa panghihikayat. Ad hominem fallacy – kung ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pananaw nito. PROPAGANDA DEVICES NAME CALLING – Binibigyan ng hindi magandang taguri ang katunggaling produkto o politico. GLITTERING GENERALITIES - Magaganda at nakasisilaw na pahayag lamang ang sinasabi tungkol sa isang produkto o personalidad. TRANSFER – Gumagamit ng sikat na personalidad upang mailipat sa isang tao o produkto ang kasikatan. TESTIMONIAL – Mismong sikat na personalidad ang tuwirang nag-eendorso ng isang produkto. CARD STACKING – Magagandang katangian lamang ng isang produkto ang ipinakikita ang hindi ang masamang naidudulot nito. PLAIN FOLKS – karaniwang ginagamit sa mga komersyal o kampanya na ang mga tanyag at kilalang personalidad ay pinalalabas na ordinaryong tao lamang. BANDWAGON – Hinihikayat na gumamit ng isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay kasali na.
ARALIN 6 :TEKSTONG ARGUMENTATIBO ay naglalayon ding kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng mayakda ang mga argumento, katwiran at ebidensya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto. PAGKAKAIBA NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO AT TEKSTONG PERSWEYSIB TEKSTONG PERSUWEYSIB Nangungumbinsi batay sa opinion Nakahihikayat sa pamamagitan ng emosyon ng mambabasa at papokus sa kredibilidad ng may-akda. Subhetibo
TEKSTONG ARGUMENTATIBO Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensya Obhetibo Ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang pasulat na bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa rin ang mga katwiran at ebidensya ng kabilang panig. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo. Hal. Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum.
Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito.
Mangalap ng ebidensya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon.
Gumawa ng burador (draft). Unang talata: Panimula Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay daan sa paksa. Ikatlong talata: Ebidensyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag pa ng talata kung mas maraming ebidensya. Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon. Ikalimang talata: Unang konklusyon na sasagot sa tanong na lalaom sa iyong isinulat. Ikaanim na talata: Ikalawang konklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?” . Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.
Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.
Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.